Crime.

48 5 0
                                        

Nakatayo ako ngayon sa tapat ng pintuan ng kwarto, nakayukom ang mga kamay at makikita mong sobrang gulo ng paligid.

Nakaupo sa sahig ang kasintahan kong si Mat punong puno ito ng dugo sa katawan habang hawak hawak sa mga bisig nya ang babaeng sinaksak ko.

Hindi ko maintindihan yung mararamdaman ko gusto ko silang patayin pareho pero mahal na mahal ko si Mat, gusto ko lang makitang maghiwa hiwalay ang katawan ng taong nasa bisig nya ngayon pero kahit ako hindi na din makalagaw.

Sobrang sakit at puno ng galit ang kalooban ko na kahit luha sa mata ko ayaw ng pumatak, gustong gusto kong sumigaw pero wala na ding salitang lumalabas sa bibig ko.

"A.. anong ginawa mo, Aarem?" Pagaalalang tanong ni Mat na mas kinagalit ko pa lalo. Gumalaw ang babaeng hawak hawak nito at sumuka ng dugo tumingin ito sakin na para bang nagmamakaawang wag ko na dagdagan ang mga ginawa ko sakanya.

Ramdam nya kung gaano ako kagalit at kahit anong oras alam nyang pwede pa ako gumawa ng mga hindi mabuting bagay. Nilock ko ang pinto at lumapit sakanila "Nagkamali kayo ng taong binangga nyo," sabi ko habang nakaluhod ang isang tuhod at hawak ang mga panga ni Mat na dahilan para maitutok ko sakin ang mukha nito.

Habang ang kanang kamay ko nama'y kumakapa sa sahig para makakuha ng bubog sa mga bagay na nabasag namin kanina habang nagkakagulo, nakatingin ang babae sa kamay ko at bakas sa mukha nito ang takot, hindi ito makapagsalita at halata din sa pangangatawan na nanghihina na.

Nagtagpo ang mga mata namin at agad agad kong pinalalim ang nakuha kong bubog sa leeg nito huli na ito napansin ni Mat gawa't sakin ko itinutok ang mga titig nya "AAAREM!!!" Sigaw ni Mat sabay tulak nito sakin na naging dahilan para maupo ako sa sahig. "Mali ka ng iniisip samin! Bakit ba ayaw mong makinig?!"

Nakayuko ako at nakangiti habang hawak ang bubog na pinanghiwa ko sa leeg nung babae, at ramdam ko mga titig ni mat sakin " Bakit ba tayo humantong sa ganito Mat? Hindi ko na makilala yung sarili ko," Mapapait na mga ngiti na lang ang bumabakas sa mukha ko habang nakatulala "Rika gumising ka! Rika!" Mga sigaw ni Mat sa babae habang pinipilit nito itong gisingin.

Tumingin ako sakanila at nakita kong hindi na nagalaw yung babae, punong puno ng dugo ang paligid habang si Mat nakayuko at nakatulala na din sa mga nakikita nito "Kailangan nating linisin to, kailangan natin tong itago at kung magsuspetsya sila sa'tin aakuin ko lahat ng kaso....." " Patawarin mo ako kung kailangan mo maging ganito dahil sa akin, at lahat pagbabayaran ko maging maayos kalang ulit," Mga salita ni Mat na para bang napaka sarap pakinggan sa tenga at napaka pait din ng mga nilalaman na salita.


Inintay namin magdilim. Ala una na ng umaga ng iligpit namin ang katawan ng babae, niligay namin ito sa likod ng kotse at isang oras na byahe tumungo kami sa lugar kung saan hindi kami makikilala at siguradong walang magiging tao.

Nilagay namin ang nakabalot na katawan ng babae sa hinukay ni Mat, binuhusan niya ito ng gas at sabay inapuyan, nakatitig lang kami sa malaking apoy na nasa harap namin ng mapansin kong onti onting tumutulo ang luha sa mga mata ni Mat. "Katrabaho ko siya, lagi kitang kinukwento sakanya, lahat ng nangyayari satin siya yung sinasabihan ko at sakanya ako humihingi ng tulong para maging maayos tayo..... Pumunta siya sa bahay para makilala ka, nagtext ako at tumatawag para ipaalam sayo pero hindi kita macontact, alam ko lang pauwi kana dahil yun yung usapan natin bago ka magbakasyon sa pamilya mo. Nasa likod ako ng bahay kumukuha ako ng mga tinanim natin na prutas para may makain sya habang iniintay ka. Hindi ko alam na nagpunta sya sa kwarto natin narinig ko nalang mga kalabog at sigaw nyong dalawa mula doon kaya agad agad akong tumakbo patungo sainyo, nagpapaliwanag ako sinasabi ko sayo lahat pero hindi ka nakikinig, at ito na tayo ngayon," Pagpapaliwanag nito sakin, nakatingin lang ako sa apoy at wala akong maramdamang pagsisisi sa mga nagawa ko kahit pa narinig ko na lahat ng pinagmulan ng nangyari.

Nasa kotse na kami uli pagtapos ibalik ni Mat ang mga lupang hinukay nya sa lugar nito.
"Nagsisisi ka bang nakilala mo ako?" tanong ko rito habang nakayuko at nakatitig lang sa mga kamay ko.

Hinawakan niya ang mga kamay ko at hininto sa tabi ang sasakyan "Anumang mangyari, maging ano ka man mamahalin at mamahalin kita Aarem," Mga salita nito sa akin kasabay ng mga halik sa labi ko.

Hindi ko na napigilan at tumulo na yung luha sa mga mata ko, niyakap ako ni Mat ng mahigpit na mas lalong ikinahagulgol ko. "Nandito lang ako palagi, hinding hindi kita iiwanan," tugon nito mula sa tainga ko tumagal ang pagiyak ko sa balikat niya, yung mga bigat na nararamdaman ko nawala na din dahil nandito sya at hawak ko pa din hanggang ngayon sa kabila ng lahat ng nangyayari.

Insanely beautiful Historias para obsesionarse. Descúbrelo ahora