"Kayanin mo Diana, sa una lang siguro 'yan pero alam kong kaya mo ang mga leksyon na kailangan mong pag-aralan," sagot ko sa kaniya at ngumiti naman siya bilang sagot sa 'kin.

"Salamat sa pagpapalakas ng loob ko lady Kiera, isa pa nakukuha rin naman ng mga bagong kaalaman ang atensyon ko at masaya talagang mag-aral at matutunan ang mga bagong kaalaman na 'yun," sagot niya sabay upo ko rin sa tabi niya.

"Maiba ako, balita ko escort mo raw si sir Grimm, kamusta naman?" Tanong niya sabay siko sa 'kin na madalas naming ginagawa tuwing nagkukwentuhan kami sa mga bagay na kinasasabikan namin.

"Hmmm, sakto lang," sagot ko dahil hindi ko mapaliwanag sa kaniya na hindi na si sir Grimm ang nagbibigay ng paro-paro sa tiyan ko kung hindi ang isang bampirang nakatadhanang mahalin niya.

"Parang hindi ka ata masaya?" Tanong niya at napakamot ako sa aking pisnge sabay ngiti nang pilit sa harapan niya.

"Hmm, hindi ko na ata gusto si sir Grimm," sagot ko na kinagulat niya.

"Ha? Seryoso ba 'to?" Tanong niya at napaisip pa rin ako, hinahangaan ko pa rin naman ang lalaking iyon dahil sino bang hindi mahuhulog sa magaganda aspeto niya bilang lalaki?

Sadyang naguguluhan lang ako sa pagtingin at nararamdaman ko tuwing magkasama kami ni Viggo.

"Hindi ko pa sigurado, alam mo na hehehe," sagot ko sa kaniya at na tawa naman siya.

"Bahala ka kung hindi mo na siya gusto ay uunahan na kita," sagot niya na kinagulat ko, alam ko naman na humahanga rin 'tong si Diana kay sir Grimm pero hindi pumasok sa utak ko na siya ang gagawa ng first move katulad ng laging ginagawa noon ni Kiera.

"No! Teka huminahon ka baka naman sinasaniban ka lang ng ibang nilalang, panong mauuna anong gagawin mo?" Tanong ko sa kaniya na halos maghesterikal na dahil hindi ganito ang kilala kong Diana sa libro, ang babaeng kilala kong Empress Regnant ay isang seryoso, mahinhin at kagalang-galang na babae, siya ang pinipilahan ng mga kalalakihan at hindi siya ang pumipila!

"Hmm, hindi naman siguro masama kung magbigay ako ng motibo kay sir Grimm lalo na't hindi ko na karibal ang best friend ko," sagot niya sa 'kin at umakto pa na kunware ay nag-iisip habang hawak ang kaniyang baba at nakatingala.

Tumingin siya sa 'kin at nagkatinginan lang kaming dalawa saka sabay na tumawa.

"Ano bang trip mo? Hahaha sinusubukan mo ba kong gustuhin pa si sir Grimm o talagang aangkinin mo na siya?" Natatawa kong tanong dahil parang binibigyan niya pa ko ng second thoughts pero mukhang siya pa ang napaisip.

"Ha? Anong trip? Saan tayo pupunta?" Tanong niya at doon ko lang na realize na gumamit na naman ako ng salitang hindi angkop sa panahon na 'to.

"Ah-haha-haha wa-wala," sagot ko sabay kamot sa ulo ko at tawa nang awkward sa harap niya.

Sa gabing iyon ay sobrang dami naming na pagkwentuhan na hindi namin namamalayan na kailangan na pala namin bumalik sa loob ng pagtitipon dahil magsisimula na ang sayawan.

"Diana, may papakilala ako sayo bago tayo bumalik sa loob ng kasiyahan," sabi ko sa kaniya at patagong sinugatan ang daliri ko sa mga halaman na nakatanim sa aming likuran, nang maramdaman ko ang pagtusok ng tinik sa aking daliri ay agad kong tinago ang ito at pinunas ito sa panyo.

Blood Contract with her Royal Villainessजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें