Chapter 35 - uy, sorry na

Start from the beginning
                                    

Scene na naman ni Dexter. Kunware nagigitara siya ng A Thousand Years, at kinuhaan siya. Magaling din naman siyang magitara :) Kinuhhaan siya ng ibat-ibang angles gamit yung dalawang camera. 

Nagbreak muna. Kaya kumain kami. Lunch time. Pumasok kami sa loob. Tapos ang director nasa  labas kumain. Andun lang daw sila, sabi ni Dexter. Choosy. HAHAHA! 

"Stay here. May kukunin lang ako." sabi ni Dexter sakin, then i nodded. 

Habang hinihintay ko siya, namasyal muna ako. So, pumunta ako sa second floor. Nakita ko yung mga corner na may mga picture frames. May corner na puro mukha ni Dexter. Ba't iba iba yung side niya sa bangs? Nge. Sa camera lng ba yan? Or trip niya magiba ng mukha haha! 

Lakad lakad. Napastop ako. Nakita ko yung mga medals niya! Awe,dami din pala siyang medals noong elementary. Tapos, may corner din na mga picturs niya nung bata pa siya. Nasa winter. Siguro matagal na sila dito or what? 

"Ang cute ni Dexter." sabay hawak dun sa picture frame niya noong bata pa siya! Nakahawak siya ng snowballs dun. 

"HOY." 

"Ay palakang may tae!" grabe makagulat! Muntik ko ng mahulog yung picture frame eh -___- tinignan ko, at si Dexter naman. Aba aba! Kumakain ng chips -_____- di manlang nagyaya!

"Anong ginagawa mo dito?"

"Uhh... sorry! Bawal ba mamasyal at mag-touch dito?" 

"Di naman... pero pano mo nalaman ang bahay namin? Anong ginagawa mo dito?" O____O anong pano ko nalaman ang bahay nila!? Nalilito na phoewsz! 

"Ikaw kaya nagdala sakin dito! Gago ka ba?" di siya umimik. Naglakad siya patungo sa kwarto niya, at sinara. "Sungit." tapos bumaba na ako. 

Bumalik ako dun sa pwesto ko kanina, which was dun sa living room. Nanonood nalang ako ng TV! Ang boring naman pag di pinoy. Di ako sanay. Haaaay. 

Ng biglang may tumabi sakin. "hey." ba't ang serious ng boses? Samantalang kanina? Parang masayahin na makulit na childish... 

"Hey?" O_o < mukha ko. "Teka, ba't ang bilis mo nakarating dito? Diba nasa kwarto ka?" 

O_o < yung mukha niya. "Ha?" 

"Oonga. Ginagago mo nga ako eh. Tinanong mo nga ako kung anong ginagawa ko dito eh! Loko ka." 

"Hindi ako yun. Yun yung--"

"Let's start!" sabi ng director. 

Hinila ko siya palabas pabalik dun sa garden. Kase... dun yung meeting place.

**

Tex's POV.

Alam niyo namang nabuking ko si Lani dito sa bahay diba? Alam niyo yun? Tsaka... bakit ba siya andito? Baka kasama niya kambal ko or what? 

"ACTION!" yan ang narinig ko sa kabilang kwarto. Yung spare room namin for gils... mostly. 

Lumabas ako. Ang daming lights. Ang daming wires. -____- anong meron dito, shooting? 

At dahil sa wala akong maggawa and sa curiosity ko, pumasok ako, without knocking the door. Andun si Dexter, nakatingin kay Lani. Nakatitig. Nakasmile. Uy inlabo si kambal. 

"Hey yow." nagulat naman siya. Halata nga! Mejo napa-bounce siya dun eh. 

"Anak ng! What are you doing here!?" sabay hinila niya ako palayo. 

"Bakit? Masama na ba manood!?" napakunot naman noo niya. 

"Sinabi ko ba!? Alis ka nga jan!" At tinuluyang tinulak ako palabas. -____- ang bait ng kambal ko, sobra! 

Ano bang ginagawa nila? Bakit parang naglilip-sync yung si Lani? May topak ba yun? Or sadyang.. may purpose yun? HAHA

** 

Ranz' POV. 

Konting tiis nalang, at uuwi na si Lani. PAno ko ba simulan 'tong magsorry sa kanya!? Ni hindi ako kinakausap. Di sinasagot texts and calls ko. Ang babaw naman. 

"Hay nako ongsee, kanina mo pa yan iniisip. Mabuti pang maupo ka muna kasi kami nahihilo sayo!!!!!!" sigaw ni Trisha. 

Nganaman. Kanina pa ako ikot ng ikot dito sa sala harapan nila eh! Pest*

"Simleng sorry di mo maggawa!!!!" dagdag ni Trisha. "Tsaka--"

"Dal dal pa trisha, uupakan kita!" sabi ko naman. Nakakainis naman kasi! Kanina pa yan! Nakakairita na ang boses. 

"Ows. Gay. Pumapatol sa girlalu." awat naman ni Sheila 

"Maupo ka nalang kasi Ranz! Ano ba. Nakakahilo na kasi. Tsaka, may 6 na araw ka pang pag-isipan yan!" 

Umupo naman ako sa parang pang-isang tao na couch. Dun ako napakamot. Nagiisip, pero walag pumapasok. Pano ba naman 'to!? 

"Pano!? Pano!? Ano!? Anong gagawin ko!?" habang nakayuko ako pero naiinis ako kasi walang pumapasok niisang idea kung papano eh! 

"Ang tunay na lalaki, nagsosorry." sabi ni Trisha habang nagsmirk with matching pataas na kilay. Tsch! Aasarin lang ako nito eh. 

"Di nakakatulong advice mo." inirapan ako at tumingin kay Cav. "Matuto kang magsorry, ongsee!" sabi naman ni Cav. 

"Hindi naman kasi masamang magsorry at aaminin na ikaw ang mali eh.  Kahit obvious naman." awat ni Sheila, pero hininaan niya yung last sentence. 

"Kung di dahil sayo--" 

"Oo nga! Tama si Sheila. Hindi naman kasi masamang magsorry at aamin na ikaw ang mali. Kung galing sa PUSO mo lahat yan at di sa bunganga at nguso mo!" sabi naman ni Ully. 

Oo, may point naman sila dun eh. Hihingi ako ng tawad. Galing sa puso ko. Pero ano? Makikinig apa ba din ba siya? 

"Di kasi kayo nasa sitwasyon ko eh. Iniiwasan na nga ako eh. Di ako pinapansin."

"Lul. Kaya nga say sorry diba!?" humirit ang maldita. Si Dee, syempre. 

Napabugtong hininga naman ako sabay sabing.. "Di kasi ganun kadali magsorry." 

The Promise (A Ranz Kyle Fan-Fictional Story)Where stories live. Discover now