30

84 3 0
                                    

I know from the start that it could hurt me more but I still watch the broadcast of their wedding. Ayokong panoorin pero hindi ko maiwasan kahit wala naman akong magawa kundi umiyak.

it's kind of a garden wedding pero napakaganda noon, Makikita sa dalawang magkabilang side ang mga guest na masayang nakangiti. Hinaplos ko ang screen ng tumapat kay kaedel ang Camera. Patuloy sa pagpatak ang luha ko, I was hoping. I was still hoping, alam kong mukhang imposible pero hinihiling ko parin na sana huwag niyang ituloy, na sana maisip niya 'ko. Maisip niya lahat ng pangakong iniwan niya sa 'kin.

I still don't get it. Bakit ka nagpropose sa 'kin, kung siya parin?Bakit pinaramdam mo sa 'kin na sobrang mahal mo 'ko?Sobrang tiwala kong hindi mo kayang gawin sakin ulit to kd. You repeat the same mistake you did to me 5 years ago.

Yakap ko ang unan habang pinapanood ko iyon. Lalo na noong pumasok na si Olivia nasa dalawang side nito ang Parents niya, She was crying obviously while playing the 'beautiful in white' in violin as the background music.

She's pretty on her gown. Nagtataka ako hindi manlang ngumingiti si Kaedel the whole time but it doesn't matter. Kung hindi niya gustong magpakasal edi sana humindi siya.

While I was watching I was interrupted when someone calls me. "Hello?" sumisinghot pa 'ko dahil sa pag-iyak ko kanina.

"Mirgaux,l-listen to me.." Nanlaki ang mata ko, Kate.

"Yes, what is it?" Medyo nawala ang linya niya, "Kate?hello?---you still there?" sunod-sunod na tanong ko. "Mirgaux--list--" After that the call ended. Sinubukan ko na tawagan ang number pero cannot be reach na iyon.

Nakaawang ang mga labi ko at pilit na hinuhulaan ang nangyari.

"Kaedel Gutierrez will you take Olivia Alcaraz to be your wife again?" napatitig akong muli sa sreen. I shut my eyes, "Please, say no." I prayed. Mahabang katahimikan ang nangyari, hindi ko alam pero hindi rin ako nagmumulat ng mata ng mga oras na iyon. I was quietly praying Kaedel to say No.

"You promise me a lot...Kaedel pleaseee." Nag-uunahan nanaman ang mga luha ko sa pagpatak habang nagmamakaawa ako. Sa sandaling nakapikit ako walang ibang nasa isip ko kyndi lahat ng pinagsamahan namin, All the good and happy memories between us. We're almost a Year marami narin kaming pinagsamahan kahit ilang months palang ang relasyon namin. Away bati kami palagi pero hindi ko naimagine na aabot sa point na magagawa niya parin to. Alam kong totoo lahat ng pinaramdam niya. Lahat ng halik niya, yakap, ngiti, concern, pag-aalaga, lahat ng 'yon sa kaniya ko lang naramdaman. No one else can make me feel love before then there's him came to my life. Patuloy ang takbo ng oras, nakapikit ako. Sobrang tahimik ng paligid at tanging music lang sa background nila ang naririnig ko. "I do." Doon na 'ko nagmulat at hindi makapaniwalang tiningnan siya sa screen. Inihagis ko ang cellphone ko, mas lalong bumuhos ang luha ko. Humiga ako at nagtakip ng cpmforter. Doon ako mas lalong umiyak ng umiyak.

Now I realize, It was really over. Tapos na wala ng pag-asa. Wala akong pinagsisisihan sa lahat ng naging desisyon ko para sa kaniya, I love him so much to the point na hahayaan ko na siyang maging masaya kahit hindi ako ang dahilan.

Umuwi ako sa bahay after that pero nagkulong lang ako sa kwarto. Pabalik-balik si Shawn sa kwarto at pilit akong pinapababa para kumain pero wala akong gana. Pinapagalitan na nila ako nila Mommy pero ayoko silang pakinggan.

Lumipas ang Isang Linggo. This is the hell week of me. Bawat kilos ko pumapatak ang luha ko at hindi mapigilan iyon kahit anong pigil ko.

Tahimik lang ako palagi at tulala. Ayokong kausapin silang lahat naiipon lahat ng sama ng loob ko sa sarili ko lang that's why I always ended up crying. Ayoko sa babaero noon dahil alam kong mararamdaman ko 'to pero di ako nakinig sa sarili ko, mas inuna ko yung puso ko.

"Kasalanan mo naman, tanga ka kasi." bulong ko sa sarili ko habang nakatulala sa labas.

"Mir." Narinig kong may tumatawag sa labas kaya nagpunas ako ng luha. I act normal when I saw that It was Claire.

"Kamusta ka?" Nginitian niya 'ko. I invited her to go inside. Umupo kami sa couch pero tulala lang rin ako kaya napakamot siya sa ulo. "I know you're not okay, Kaya nandito ako. Naisip ko kasi baka kailangan mo ng kausap..." Mukha siyang kinakabahan habang sinasabi iyon sa 'kin. Last time kasi na inapproach nila ako ni Kurt nasigawan ko sila. Hindi ko naman sinasadya, I just wasn't on my mood that time.

Naramdaman ko ang kamay niya sa pisngi ko, I just realize she wipe my tears that way. "Nandito kami ni kurt para sa 'yo, pwede mo kaming kausapin ano ka ba!Kaibigan mo na kami--Alam naming may problema ka. Hindi siya makapunta dito kasi Bawal ang boys pero He said We can see him there." Itinuro niya ang balcony ko. Right, naroon na nga siya at mukhang pinpanood kami.

"We know it's not easy for you to move on but You need to." She whisphered. Para akong wala sa sariling nakatitig sa kaniya. "Ano ka ba!ang ganda-ganda mo, matalino ka, mabait hindi ka mahihirapan humanap ng iba." Napalunok lang ako. "I want him alone." Nakita ko ang pag-irap niya. "potangina." Muntik na 'kong matawa sa reaksyon niya.

"Teh ano ba!!gising, masaya na siya tama na!!Kailangan mo rin sumaya. Wag kang manghinayang sa mga memories pwede pa maulit 'yon...sa ibang tao na nga lang. To that one person who really can treat you better that the way he treated you." Napapapikit ako sa bawat salitang binibitawan niya.

"Siya nga lang gust--" Nahinto ako ng tumayo siya at samaan ako ng tingin. "Gusto ka ba?" Diretsong tanong niya. "Ang pangit ng ugali mo umalis kana nga." Mababa ang boses na sabi ko. She laughed. "I just want you to wake up!Jusko naman hindi naman pwedeng sa kaniya lang palagi iikot ang mundo te!Oo at gwapo yun mahirap kalimutan, mukha palang no'n mahirap talaga kalimutan yung pinaramdam pa kaya?pero mali na mare!" Doon ako humalakhak at hindi napigilan ang sarili ko. Para siyang siga sa kanto na nag-aamok. "You smileee, yeheeyyy!!" Niyakap niya 'ko. "Smile na kase. Hindi pa katapusan ng mundo. Nandito pa kaming kaibigan mo, Family mo. For now all you could have to do is to focus to your study. Marami kang pwedeng pagkaabalahan, marami kang pwedeng gawin--" I cutted her.

"I guess, I can't move on." Umiiling na sabi ko. Malabo talaga na mawala siya sa isipan ko. "Kaya mo, ayaw mo lang." That words of her really hits different when It touch to me. Alam ko rin sa sarili ko na kaya ko, ayoko lang gawin, kasi Mahal ko parin talaga siya kahit ganoon niya 'ko sinaktan.

Secretly Dating My Best friend's BrotherWhere stories live. Discover now