Ako:

Ang tagal mo, bro. Mauuna na ako pagpunta sa library, sumunod ka na lang.

Tahimik ang library nang pumasok ako, kakaonti lang ang estudyante, pumuwesto ako sa malapit sa lalagyanan ng mga libro. Nagdala rin ako ng isang notebook at ballpen, sakaling kailanganin ko. Nagsimula akong mag-aral at nalibang rin ako sa pagbabasa. Hindi ko namalayan ang oras, napatingin ako sa mga katabing nang isa-isa silang nagsitayuan. Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko at halos mag-aalas dose na. Tsaka ko pa lang naisip ang kaibigang si Lorcán. Tiningnan ko naman kung nagreply ito sa akin ngunit wala. Ano naman kayang ginagawa nun at hindi manlang nakapagreply, iniligpit ko ang mga gamit ko at naisip na kumain muna sa labas. Tama na muna siguro ang pag-aaral ko, bukas nalang ulit, kung maaga akong makakapasok bukas. Tahimik na lumabas ako sa library, pagkarating sa labas ay bumili ako ng fruit tea at hamburger. Pagkatapos kumain ay pumara ako ng tricycle para makauwi, pagkadating sa bahay ay bumungad sa akin ang aking ama na nag-iinom ng kaarawan. Buntong hiningang pumasok ako sa bahay at hinayaan na lang ang ama. Sanay na rin naman akong palaging ganoon ang ama, may isa pa akong kapatid na babae na ngayon ay nasa high school pa lamang. Naabutan ko ang kapatid na nanonood ng tv sa sala, dumiretso ako sa kwarto upang magpalit ng damit. Lumabas ako ng kwarto pagkatapos at tinabihan ang kapatid panonood.

"Ano ba naman 'yang pinapanood mo, wala na bang iba?" tanong ko nang mapagtanto kung ano ang pinapanood ng kapatid, tuwing madadatnan ko ito ay palagi na lang Korean Drama ang pinapanood.

"Ano ka ba, Kuya, ang ganda kaya. Panuorin mo nalang," aniya. Namana namin ng kapatid ko ang tangkad at kulay sa aming ina, wala kaming nakuhang kapareho sa ama at ipinagpapasalamat ko naman iyon. Isang OFW ang aming ina at minsan lang ito umuwi sa probinsya, walang permanteng trabaho ang aming ama, lagi itong natatanggal sa trabaho at hindi ko alam ang dahilan noon. Hindi ko rin naman tinatanong at baka magalit pa sa akin. Sa pag-iinom niya nauubos ang perang ipinapadala ni Mama, minsan pa ay halos wala na kaming mabaon sa school kaya minsan ay sumasideline ako ng trabaho.

"Kanina pa ba umiinom si Papa, Devika?" tanong ko sa kapatid. Sumandal ito mula sa sandalan ng upuan at matamlay na tumango bilang sagot sa tanong ko.

"Mukhang lasing na yata si Papa, pinagalitan ka ba habang wala ako?" tanong ko ulit sa kapatid, hindi man nagsusumbong sa akin ang kapatid pero alam kong kapag wala sa mood ang ama at sa tuwing nalalasing ito ay nagiging bayolente ito. Alam ko dahil ganoon sa akin si Papa at malabong ganoon din sa kapatid ko.

"Wala namang bago, laging galit kaya hinahayaan ko na lang." maliit ang boses ni Devika. "Sa susunod na pagalitan ka ni Papa at wala ako, magtext o kaya ay tawagan mo ako." nag-aalalang saad ko sa kapatid. Pinagmasdan ko itong kunin ang remote at patayin ang tv, malungkot itong bumaling sa akin.

"Ayokong magalit din sayo si Papa, Kuya. Okay nang magalit ito sa isa kaysa naman sa ating dalawa. Sanay na rin naman akong ganoon si Papa, 'wag kang mag-alala sa'kin, kaya ko naman." mahabang litantya ng kapatid. Ngumiti ito sa akin ngunit alam kong peke ang ipinapakita nito sa'kin.

"Bukod sa pagsampal sa'yo ni Papa, ano pang ginawa niya sa'yo?" tanong ko, muli kong naalala ang unang pananakit sa kaniya ng ama, hindi lumalabas ng kwarto kahit ilang beses ko na itong tawagin para kumain kaya nang puntahan ko ito sa kaniyang silid ay naabutan kong mapula ang isang pisngi at may bakat pa ng kamay, nakita ko ring mapula at maga ang mga mata at alam kong galing ito pag-iyak. Agad kong nilapitan ang kapatid at marahan kong hinawakan ang pisngi ngunit iniwas niya iyon.

"Bakit ganiyan ang pisngi mo?! Umiyak ka ba? Bakit, anong problema, Devika?" sunod-sunod na tanong ko. Unti-unti namang tumulo ang mumunting mga luha nito kasabay ay hikbi.

"Sabihin mo sa'kin, anong nangyari?" bakas sa tono ko ang pag-aalala. Bigla niya akong niyakap ng mahigpit at doon sa balikat ko humagulhol.

"K-Kuya..." aniya habang umiiyak. Hinaplos ko ang likod ng kapatid at inalo.

"May problema ba?" muling tanong ko.

"S-Sinaktan ako ni P-Papa," sagot nito. Natigilan ako ngunit nakabawi rin.

"A-Anong ginawa niya sayo?" marahang tanong ko.

"Hindi ko n-naman sinasadyang matapon iyong iniinom niyang a-alak, Kuya.... Lasing si Papa at agad siyang nagalit kaya s-sinampal niya ako a-at.... Kinaladkad ako hawak sa b-buhok..." muling sagot nito at nagtuloy tuloy ito sa pag-iyak.

Napapikit ako sa sobrang galit sa sariling ama, sapat nang ako ang saktan niya 'wag lang ang kapatid ko.

"Kuya... Kailan ba uuwi si Mama?" tanong ng kapatid, dahilan para maputol ang pagbabalik-tanaw ko. Nagpakawala ako ng buntong hininga.

"Hindi ko rin alam, kailangan ni Mama na magtrabaho para makapag-aral tayo at makapagtapos, para na rin sa pagbabayad natin sa tinitirahang bahay natin ngayon, iyon ang palaging sinasabi sa'kin ni Mama tuwing kinukumbinsi ko siyang umuwi, Devika." paliwanag ko.

"Hindi alam ni Mama na walang trabaho si Papa, at hindi rin alam ni Mama na kakaonti ang nakukuhang pera natin mula sa nga pinapadala niya, akala ko noong una ay maaari pang magbago si Papa at titigil na siya sa pag-iinom pero lalo yata lumala..." mahabang saad ng kapatid ko.

"Wag mo nang problemahin lahat ng ito, ako na ang bahala, basta mag-aral ka lang ng mabuti at huwag mong hahayaang makaapekto ito sa pag-aaral mo, simula ngayon hindi ako papayag na masaktan kang muli ni Papa, pangako 'yan, Devika." seryosong sabi ko sa kapatid, tumango ito sa akin at tipid na ngumiti.

A Missing PartWhere stories live. Discover now