Aillard's POV
"Wala ka bang balak na umuwi sa inyo?" masungit na tanong ni Katherine.
"Pinapaalis mo na ba ako?" pabiro kong tanong. Mag-isa akong pumunta sa work place ni Katherine hindi para makita ang babae kundi para uminom ng alak. Wala naman akong problema feel ko lang talaga uminom ngayon.
"Kanina kapa kasi," aniya at pinagmamasdan akong mabuti. "Bakit ba kasi mag-isa kang umiinon?" tanong nito.
"Magbabayad naman ako, ano kaba... Hmmm... Dapat pala sinama ko si Lorcán..." medyo tinatamaan na rin ako ng alak kaya mapupungay ang matang tumingin sa babae.
"H-Huh? A-Ano naman kung isasama mo s-si Lorcán? Papaalisin k-ko pa rin k-kayo.." nauutal na sabi nito.
"Hay nako, Katherine.... Alam ko namang may gusto ka sa kaibigan natin," lasing na talagang sabi ko.
"W-Wala ah! Sino namang may sabi niyan sa'yo?" kinakabahang tanong nito. Medyo umaalon na ang paningin ko kaya pumikit na lang ako.
"Si Rhysand..." pagkasagot ko ay tuluyan nang sumubsob ang aking mukha sa lamesang nasa harap at tuluyang nakatulog.
Nagising ako na parang may humahalukay sa aking tiyan at nasusuka kaya dire-diretso akong bumangon at tumakbo papunta sa banyo at doon sumuka. Pagkatapos ay naghilamos ako at nang mahimasmasan, sa pagkakatanda ko ay nasa work place ako ni Katherine at mag-isang uminom, papaano akong nakauwi?
Bumukas ang pintuan ng kwarto ko at bumungad sa akin ang aking ina na may dalang tray na may na sa ibabaw nito ay lugaw at isang basong tubig.
"Gising kana pala," aniya, bago inilapag sa bedside table ang tray. "Masama ba ang pakiramdam mo? Hangover perhaps?" nakangiting tanong ni Mama.
"Hangover lang po," sagot at ngumiti pabalik. "Sino nga po pala ang naghatid sa akin kagabi, Ma? tanong ko at kinuha ang pagkain mula sa tray.
"Si Katherine ang naghatid sa'yo dito," tipid na sagot sa akin.
"Si Katherine po?" ulit ko.
"Oo, hiyang hiya nga ako at mukhang hirap na hirap siya habang inaalalayan ka! Sa susunod 'wag kang maglalasing kung wala kang kasama."
"Anong oras po ba niya ako hinatid, Ma?" tanong ko ulit.
"Hating-gabi na, kaya nga sobrang nahihiya ako sa batang 'yon."
"Okay lang po iyon, Ma." hindi naman big deal sa akin iyon, nag-umpisa akong kainin ang lugaw kaya nagpaalam sa akin si Mama na aalis na at may gagawin pa siya.
Si Mama at Lolo na lang ang tanging pamilya ko, hindi ko kilala ang tunay kong ama dahil anak ako sa pagkadala ng aking ina. High school teacher aking ina at ang Lolo ko naman ay gumagawa ng mga itak para ipambili, hindi kami mayaman pero kahit papaano ay nakakaahon naman kami sa araw-araw na pamumuhay. Hilig ko ang pagbabasketball at sa aming magbabarkada ay ako ang pinakalapitin ng babae, hindi naman sa mayabang, totoo lang ang sinasabi ko. Lahat kami ay mahilig magbasketball tuwing walang pasok, si Lorcán at Maevel sa amin ang matalino pagdating sa academic, si Rhysand naman ay magaling lang sa pagvvlog at chismisan, dinaig pa ang babae sa sobrang daldal at chismoso, at hindi ko naman matatanggi na medyo babaero kami ni Sawyer.
Maevel's POV
Inip na naghihintay ako kay Lorcán sa labas ng school, napag-usapan naming magrereview kami sa library ngayong Linggo. Alas otso ng umaga ang aming usapan kaya nga lang ay mahigit tatlumpung minuto na ang nakakalipas ay hindi pa rin ito dumadating. Tinawagan ko na rin ito at ang sabi ay on the way na daw siya, hindi naman malayo ang kanilang bahay mula sa paaralan kaya nakakapagtaka na wala pa ito. Lumipas pa ang sampung minuto pero wala pa rin akong nakikita kahit anino nito. Nang mainip ay mag-isa na lang akong pumunta sa library at nagpadala na lang ng mensahe sa kaibigan.
YOU ARE READING
A Missing Part
Short StoryIn a small village with a small and less population, it tells the story of a girl seeking for help from a dangerous situation. Started: August 1, 2021 Ended: August 12, 2021 Disclaimer: This is written in Taglish Cover's not mine. Credits to the ri...
CHAPTER THREE
Start from the beginning
