"Pakibigay nalang sa kanila," utos ko

"Opo Lady Ackira," magalang na aniya bago siya matuwid na tumayo at naglakad pababa.

"Pinapasuot sa inyo ng mahal na dukesa," aniya tahimik namang kinukuha nila ang balabal na ibinibigay ng katulong.

"Ahh salamat po ate," sabi ni Deniver yumuko naman ang babae

"Walang anuman po iyon," sagot ng katulong at nakayukong umalis. 

Tss sipsip.

Bumaba ako sa hagdanan na may tatlong baitang lang.

"Ate saan ba tayo pupunta?"pambungad na tanong ni Leonor sa akin

"Sa langit," pa-irap na sagot ko

"Dami-dami ninyong tanong eh kung maghintay nalang kayo," maldita ko pang sabi sa kanila

"Sungit mo naman ate," nakasimangot na saad ni Clara inirapan ko lang sila

"Kesa naman sa inyong mga tanga"mahinang sabi ko

"Awts tanga talaga ate?"nagtatampong tanong ni Damian.

"Eh ano ba tawag sa inyo, aber?" taas kilay na pang-hahamon ko

Damian giggled "batang mausisa lang ate" nakangiting sagot niya

"Heh! Tigilan mo ko damian,"  singhal ko na ikinasimangot niya.

Akmang mag-sasalita na ako nang may madinig akong tunog ng mga takbo ng mga kabayo. Napatingin ako sa direksyon na iyon, may pulang karwahe na tumatakbo papunta sa amin. Tumigil iyon sa likoran ng karwahe namin,

Sino naman to?

Bumaba ang dalawang kutsero at binuksan ang pinto, bumaba si... sino nga ulit 'to?

Ngumiti sakin ang babae plastic na ngiti katulad niya plastic, tinaasa ko siya ng kilay. Lumapit siya sakin

"Hi Ianna" she greeted

"Its DUCHESS Ackira," diniin ko talaga ang word na 'duchess'

"Learn how to know your place Lady SILVA," paalala ko nakalimutan na niya kasing dukesa ang kaharap niya. Sumama ang timpla ng mukha niya

"Its Silviana," kunot noong pagtatatama niya sa akin.

"Oh, my bad Lady SILVA" pfft bantot ng name, she grin from ear to ear.

"So how's the battered duchess?"nakangising tanong niya. I frown

Battered?

"What do you mean?" I questioned the silva-girl, mas lalong lumawak ang ngiti niya.

"Say a word and you're dead, Silviana," boses 'yon ng duke sabay kaming napalingon sa gilid namin.

Ang duke nga!

Nakasakay siya sa kabayo masama ang tingin na tinatapon niya sa babaeng katabi ko.

Bumaba siya sa kabayo at lumapit sa amin.

"Ano ang ginagawa mo dito Silviana?"tanong niya

"Binibisita ka, pasensya ka na ahh di ako nakakabisita lately madami kasi akong ginagawa," parang batang aniya tapos sinandal pa ang gilid ng ulo niya sa dibdib ng duke.

Napataas ang ibabaw na sulok ng labi ko,

aba't napakawalang-hiya talaga ng babaeng 'to.

Hinawi naman ng duke ang kamay atska ang ulo ni Silva paalis sa pagkakasandal nito sa dibdib niya.

"Silvia tigilan mo na ako," paki-usap ng duke

"HINDI!" Sigaw niya na ikina-inis ko

Biglang nag-init ang buong katawan ko, pati paningin ko nandilim dahil sa bwesit na babaeng 'to.

Lumapit ako sa kanila at tinulak si Silva ay este si Silviana, sinamaan niya ako ng tingin.

Tinuro ko siya "hoy ikaw babaeng malandi, layo-layuan mo ang asawa ko ha baka 'di kita matantya mailibing kita ng buhay!" naiinis na sigaw ko

"Y-you can't do that, IANNA" she stammered halata naman sa boses niya ang takot. I devilishly smirk

"Who says I can't, gusto mo sampolan kita?" I asked evilly

"You're sick Ianna!" She horribly yelled, humalakhak ako bago humakbang na ikinaatras niya.

"What if I am?"pang-hahamon na tanong ko

Iainabit ko sa tainga niya ang buhok na nakaharang sa makapal niyang pagmumukha bago hinaplos ang pisngi niya. "Kaya kung ako sayo, mag-ingat ka may sakit pa naman ako baka di ko mapigilan  ang sarili ko at mapachop-chop kita,mahirap na," 

"Isusumbong kita kay Ama, para sa pag-babanta mo Ianna!"mangiyak-ngiyak na sigaw niya I thow to her my pity look.

"Sure but let me remind you first Silva, tonight make sure to lock your doors and window baka maisipan kong patayin ka mamaya. I'm good in sneaking Silva," nakangising sabi ko, I am now look like a psychotic bitch.

"Now GO, RUN!" Sigaw ko na halos madapa-dapa siya sa pag-akyat niya sa karwahe, pinatigil ko muna saglit ang kutsero. Sinilip ko siya,  nagpapahid siya ng pawis habang nanginginig.

"And always remember I am ACKIRA NOT IANNA,bye see yah" diin na saad ko bago ngumiti at lumayo at  hinayaan silang umalis.

"She barked up the wrong tree," usal ko

Napaikot ako ng mabilis ng hinila ng duke ang kamay ko at pinaharap sa kanya.

"Ianna what the hell was that?" nagpipigil galit na tanong niya.

Marahas kong binawi ang kamay ko

"Nothing" tipid sagot ko

"Saan mo natutunan 'yon?" mahinahong tanong niya walang emosyon ko siyang tinitigan

"Ang alin? Ang ipagtanggol ang sarili ko?" pabalik na tanong ko

Huh! Nasa panig pala siya ng babaeng malandi na 'yon.

"Wag mo ko pakialaman" I added with a venomous tons

"May pakialam ako kasi asawa kita,"  sabi niya

"I am not your wife, I am Ackira not Ianna ilang ulit ko bang sasabihin 'yon sayo para pumasok d'yan sa kokute mo," singhal ko bago siya tinulak at sumakay  sa karwahe, tahimik lang ang mga bata.

"Oh ba't antahimik ninyo?" tanong ko sabay silang tumingin sa mga mata ko.

"Kasi hindi po kami maingay ate" pilosopong sagot ni Damian binatokan naman siya ng katabing si Russel.

"Baka gusto mo ikaw ang ilibing ni ate ng buhay," pananakot niya kay Damian nanlaking mata itong sunod-sunod na umiling.

"Sasama ako," sabay kaming napabaling ng tingin sa dukeng nasa pintoan saka siya sumakay, tumabi siya sakin.

Hinayaan ko nalang siya. 

Nang makasay na kami ay nagsimula nang tumakbo ang karwahe

THE RUNAWAY DUCHESS [NOBLEMEN SERIES #2] (On-going)Where stories live. Discover now