Isa-isa na ring ipinakilala ang iba pang mga hurado na nagmula sa Paris. Kasama rito ang direktor ng Ballet House pati na rin ang iba pang nagsisitaasang posisyon sa kumpanya kaya masasabi kong mahigpit talaga ang labanan dahil hindi basta-basta ang mga mamimili ng nagwagi sa paligsahang ito.

Naunang sumabak ang isang grupo na sa tingin ko'y na sa dalawampung katao ang bilang nila ngunit sa pagkakaalam ko, corps de ballet ang tawag sa kanila. Sinimulan na magpatugtog ng orchestra at sa unang tunog palang ng nota ay masasabi ko na kung ano ang kanta.

Kilala ito bilang Swan Lake kung saan ipinapakita sa apat na akto ang kwento ng sisneng prinsesa na si Odette and ang prinsipe na si Siegfried sa orihinal na musikal.

Ginagamit din ito ng karamahin sa kanilang mga performances, isa na rin 'tong grupo na pinapanood ko ngayon. Isang kanta lang ang kanilang pinili ngunit maayos naman ang kanilang ginawa.

Sumunod sa kanila ang pares na mananayaw o mas naaangkop tawagin na pas de deux. Ang kwento ng dalawang nagmahalan ngunit nauwi sa isang trahedya. Ang pinili nilang eksena ay noong nasa balkonahe sina Romeo and Juliet.

Nakakamanghang panuorin 'yong babae dahil para siyang lumulutang sa ere. Kitang-kita ang emosyon sa kanilang pagsayaw lalo na sa bandang dulo dahil hindi ko naman inaasahang maghahalikan ang dalawa.

Mararamdaman mo talaga 'yong chemistry at tensiyon sa kwentong kanilang ibinahagi gamit ang pagsayaw. Hindi na napigilang magsipalakpakan ng mga manonood dahil sa ganda ng pagsasagawa nila bilang Romeo and Juliet.

"Soloist, Lillianna Yi!" napasinghap ako nang tawagin ako.

Hindi ko naman inaasahang ako na ang susunod kaya bigla akong kinabahan ngunit mas nangibabaw ang kagalakang nararamdaman ko dahil ito ang kauna-unahang beses ko na sasabak dito dahil bawal sumali ang mga menor de edad. I just turned eighteen last month.

Naglakad ako papuntang gitna dala ang tiwala sa sarili. Ngayon ko lang napagtanto na sobrang dami pala talaga ng mga nanonood at punuan pa ang mga upuan. Binuksan nila ang spotlight at ito'y itinapat sa akin.

Ito na ang pinakahihintay kong araw. Hindi ko pwedeng sayangin ang pinaghirapan ko sa loob ng labindalawang taon.

Using the taut folds of fabric, I brought my confidence with me as I dance sharply with grace when the music started. Masasabi kong hindi ito ang pangkaraniwang sayaw na alam ng ibang tao ngunit ito pa rin ay parte ng ballet.

Nababalot ito sa aking katawan habang ipinapakita ko ang pakiramdam ng paghihinagpis habang pinapaalon ang tela para ipahiwatig ang emosyon. Patuloy itong lumulundo-lundo habang nakabalot ang paa't kamay kong pilit na kumakawala sa tela, pati na rin ang aking mukha.

Sinayaw ko ito na para bang tinamaan ako ng matinding sakit, tama lang dahil gano'n ang gusto kong ipakita na imahe sa mga nanonood. Ang obra maestrang sayaw na ito ay tinatawag na Lamentation.

Huminga ako nang malalim nang matapos ako. Nagpalakpakan ang mga tao at nginitian ako ni Miss Hwang Sae. Nilibot ko ang aking paningin sa mga madla at napataaa ako nang makita si Miss Vergara na seryosong nakatayo sa gilid habang kinukuhanan ako ng video na para bang hindi ito naka-live.

Bumaba ako sa gilid ng entablado at nilapitan ang dating former Prima Ballerina o Danseuse étoile para makausap ito nang panandalian.

The Withering LilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon