Ako si Erson 19, nag aaral sa kursong BS Info tech 3rd year evening class
Mahilig akong manood ng anime, thai films and series at magbasa ng manga.
And
This is how my story started
.
.
.
.
Erson's PoV
4PM
oi.. Jayson Tambay muna tayong CEF(parang mini stop na drugstore xD) bago pumasok nagugutom kasi ako Text ko sa bestfriend/classmate ko
Ok ah, papunta nako reply niya sakin
Ilang minuto dumating na si Jayson ko..
Hoi.. Tagal mo (kahit hindi haha)
Libre moko fishball sabay smile na namimilit
Wew.. Ikaw nagyaya dito tapos ako pa manglilibre tugon niya..
Ahh.. E dba may utang....
Oo na.. Oh.. Sabay abot niya ng pera ..
Hahaha ayun madali ka naman palang kausap hahahaha nagbago na isip ko bibili nalang akong yosi tsaka burger dun oh kay ate..
Iniwan ko muna si Jayson at pmunta sa burjeran hehe tapat lang naman ng CEF
At dalawang marlboro red.. Oo haha red ako xD si Jayson dn.. Pero mamaya ko na bgay after maluto ung burjer ko Haha d ko binilhan burjer si jayson pang isa lang tong pera niya eh haha may yosi naman ok na sya don
After maluto bumalik ako sa CEF Sa tambayan namin bandang harap sa labas ng CEF may mga table at upuan..
Andun dn pala si kuya Yul ang nakakatandang classmate namin at tropa na rin namin. Nag order rin sya ng fishball ayos busog ako neto hehe
Binigay ko kay Jayson isang yosi.
At sinidihan niya
Habang nakaen ako at kuwentuhan kay Jayson .ugali ko na naka taas isa or dalawa kong paa hindi sa lamesa ah.. Nakapatong tapos malapit sa muka ko tuhod ko Mukang bata :) pero wala naman akong pake para din naman kasing yung tambayang to ang ambience parang nasa bahay ka lang e, Hindi lang naman din ako ang nag ffeeling nasa bahay lang dito.
Biglang nagsabi si kuya Yul na tara patak sa softdrinks Nag ambag ako at nagbilangan na sila.. Napansin ko sa kabilang table may isang lalake na naka titig sakin. Pano ko nasabi? Nahuli ko eh Habang nakaen ako ng burger at fishball baka natakawan siguro sakin Di ko pinansin pero kada kagat ko kc ng burger napapatingin ako sakaniya At napapansin ko bumabaling ang tingin niya Yng tipong nahuhuli mong naka tingin, hanggang sa maubos na kinakaen ko pati softdrinks while nag kukwentohan. Na curious na din ako kaya inabangan ko ng titig yung lalake. Tapos nung nakita niya ako at nagka tinginan kami. Nagsmile siya, Hala? Napa kunot noo ko sabay sabi ni kuya Yul tara na malapit na mag 5pm may klase pa tayo. Bago ako tumayo nakapa ko yosi ko sa bulsa hindi pa pala ako nakapag yosi, tutal naman di ako malilate kaya sabi ko teka maya na onti yosi lang saglit sunod nalang ako. Mag isa nalang ako sa pwesto namin Pero this time d ko na pinansin yung lalake kc may mga kasama na siya at nahiya naman na ako sa pag smile niya kanina , Nakaka tunaw kaya hahahaha
Pero gusto kong makita ulit muka niya kung gwapo o hindi. Malabo nga pala mata ko pag malayo nag oout of focus ayan para alam niyo hindi ako nag sasalamin kasi minsan lang naman lumalabo hindi pa tuluyan hahahaha
gusto ko ulet siya tignan kaya.
Kunwari tinitgnan ko barkada niya isa isa then siya last.. Kaya nung pag tingin ko busy siya makipag usap kaya tinignan ko ng maige kaso bigla siyang napatingin kaya bigla kung bawi at tapos na rin naman akong mag yosi kaya dali dali akong umalis nahiya ako e. Bago yon dadaanan ko kc table nila kaya..pagdaan ko dun tinignan ko siyang maige pero pa simple lang..
YOU ARE READING
My Pi
Romance(a Bisexual Story) Isang kwentong magpapakilig sa inyo... kwento ng dalawang studyanteng magkaiba ang class schedule, kurso at hilig.. pero dahil dun nagkakilala sila.. time gap between class time and after class time :)
