"Iyon lang ang hindi namin alam, pero subukan namin..." ani Aillard.
"Mauuna na kami, Kelaya. Mag-ingat ka pag-uwi," sabi naman ni Maevel.
"Kayo rin, masaya akong makilala kayo." isang matamis na ngiti ang iginawad ko sa kanila. Nagpaunang maglakad sina Lorcán, Maevel at Aillard. Lumingon muna sa akin si Rhysand bago kumaway. Tinatanaw ko sila habang papalayong naglalakad ngunit ganoon na lamang ang kalabog ng dibdib ko nang dahan dahan akong nilingon ni Sawyer at seryoso ang mukhang pinagmamasdan ako habang siya ay papalayo.
Wala sa sariling nakarating ako sa mansion, natauhan lang ako nang pagbukasan ako ni Kuya Elias ng malaking gate.
"Mukhang malayo ang pinanggalingan mo ngayon, ah? Ngayon ka lang natagalan sa pag-iikot mo sa gubat." salubong nito sa akin.
Si Kuya Elias ang itinuturing kong matalik na kaibigan sa lugar na ito. Bata pa lang ako ay nandiyan na siya.
"Medyo naaliw lang ako, Kuya." maikling sabi ko.
"Kaya naman pala mukhang pagod na pagod ka, pumasok kana, magpahinga ka muna bago kumain at maligo kana rin, ang baho muna." biro nito sa akin kaya natawa rin ako.
"Grabe ka! Sige na, maliligo na po ako," saad ko bago tuluyang pumasok sa loob.
"Umakyat ako papunta sa pangalawang palapag at naglakad pakaliwa papunta sa hallway kung nasaan ang silid ko. Ngunit bago ako makapasok ay may nagsalita sa likuran ko.
"Bakit ngayon ka lang, Kelaya?" boses ni Uncle Theodore ang tinig na narinig ko. Nilingon ko si Uncle at tipid na ngumiti.
"Medyo naaliw po kasi ako sa pag-iikot sa gubat, hindi ko na namalayan ang oras." sagot ko.
"Hmm... Sa susunod na lalabas ka, subukan mong isama ang Mommy mo, maganda na rin na makalabas siya ng mansion at makalanghap naman ng sariwang hangin, makakatulong iyon para sa kalusugan ng Mommy mo." malumanay na boses ang pagkakasabi ni Uncle sa'kin.
"Ganoon po ba? Sige po, isasama ko si Mommy." saad ko. Tumango na lamang ito sa'kin kaya dumiretso na ako sa aking silid. Saglit pa akong humiga sa kama at pinagpahinga ang sarili bago maligo. Bumaba ako nang makaramdam ng gutom, naabutan kong si Mommy at Uncle Theodore lang ang kumakain.
"Sit here, darling." ani Mommy nang namataan ako. Umupo ako sa itinurong silya at ngumiti sa magulang.
"How are you feeling, Mom?" I asked.
"I"m getting fine, darling. I never forget to take my medicines on time and I think that helps me." she answered and gave me a sweet smile. I smiled back.
"By the way, where's your sister, Kelaya?" Uncle Theodore interrupted.
"I thought she ate already, Uncle. Maybe she's in her room again?" I said and then he sighed.
"Let's not talk about her, we all know that she don't want to eat with us." Mommy said camly.
Uncle looked at me then he continued eating and also my Mom.
After eating, I go to my room wearing a white collar puff sleeve ruffle button down dress, my everyday usual dress.
Muli ko na namang naalala ang nangyari kanina at hindi ko mapigilang mapadpad ang isip. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lamang akong kabahan sa presensya ng lalaki, sa kanilang lahat siya ang may kakaibang epekto sa akin. Kakaibang pakiramdam na ngayon ko lang naramdamam, ngunit nalulungkot rin ako dahil iyon na rin ang huli naming pagkikita. Pero aasa pa rin akong babalik sila, hindi man sila siguradong makakapunta sila ngunit hihilingin kong magkita pa kami kahit isang beses lang ulit.
Tulala akong nakahiga sa kama nang may kumatok mula sa pintuan. Mabagal akong kumilos papunta para buksan ang pintuan.
"Oh? Ate Lucy, bakit po?" tanong ko sa katulong namin. Pawisan at may hiwa ng patalim ang kanang braso nito, pinagmamasdan ko ang buong katawan nito at doon ko lang napagtanto na duguan ang katawan nito. Nag-aalala akong lumapit ng malapit sa kaniya.
"A-Ano pong nangyari? Bakit puro dugo kayo? S-Sinong may gawa niyan?" natatarantang tanong ko. Hiniwakan niya ako sa magkabilang braso at nanghihinang tumingin sa akin.
"A-Anong pong nangyayari sa inyo?!" tanong ko ulit nang hindi ako sagutin. Nagsimulang tumulo ang mga dugo mula sa kaniyang braso at umiiyak na humawak sa akin. Anong nangyayari?
"Bakit hindi po kayo nagsasalita? Tinatakot niyo na po ako," naiiyak na sabi ko.
Paulit ulit na umiling lamang ito sa akin habang nanghihinang umiiyak sa akin. Bago pa ulit ako makapagtanong ay bigla na lamang itong humandusay sa sahig at bumuka ang bibig at lumabas doon ang nga dugo.
Malakas akong napasigaw nang makita ko ang putol nitong dila. Nagsisigaw lamang ako ngunit hindi ko magawang makalapit dahil sa karumal dumal nitong itsura.
YOU ARE READING
A Missing Part
Short StoryIn a small village with a small and less population, it tells the story of a girl seeking for help from a dangerous situation. Started: August 1, 2021 Ended: August 12, 2021 Disclaimer: This is written in Taglish Cover's not mine. Credits to the ri...
CHAPTER TWO
Start from the beginning
