"U-Uh... Dito talaga ako nakatira, dito na rin lumaki..." hindi ko alam kung dudugtungan ko pa ang sagot dahil na rin naiilang ako sa mga titig nila.
"Kung ganoon, wala ka bang binabalak na masama?" dagdag noong lalaking kulay abo ang gitnang mata. Ayon na naman ang kaniyang mata na parang nanghihigop.
"W-Wala! At ano... Ngayon ko lang kayo nakita at... Hindi ko t-talaga kayo kilala... Lumapit lang a-ako sa inyo dahil naaliw ako sa pag-uusap n-niyo..." sabi ko at sa huli ay nag-iwas ng tingin. Bakit ba kasi lumapit pa ako.
"Pinapanood mo kami? Kailan? Kanina pa? Bakit hindi ka namin nakita?" aniya ng lalaki.
"Ah oo... H-Hindi ko naman sinsadyang panoorin kayo... Nakatulog kasi ako sa ilalim na malaking punong iyon..." itinuro ko ang punong pinagtaguan ko. "Nagising lang ako kasi may narinig ako ingay... At kayo pala nang tingnan ko..." dagdag ko pang sinabi. Nilingon nila ang tinuro ko at ibinalik din sa akin ang paningin.
"Ako nga pala si Rhysand," pakilala ng lalaking maraming dala dala.
"Uh... Kelaya," muling pagpapakilala ko.
"Siya naman si Maevel," turo niya sa lalaki, kasingtangkad ko ang lalaki, maputi ang balat at sobrang linis tingnan. "Ito naman si Aillard," aniya Rhysand. Ang itsura naman nito ay kabaliktaran ng nauna , madilim ang tingin sa akin at magkasalubong ang kilay na tumango sa akin. " At ito naman sina Lorcán at Sawyer, magkapatid sila." Una kong tiningnan iyong Lorcán, matangkad ito at walang emosyong tiningnan ako, inilipat ko sa huling lalaki ang aking paningin at doon ulit ako namangha sa mga mata nito. Seryoso at walang bahid ng ngiti nitong tinanguan ako. Magkasinglaki sila ngunit hindi sila magkamukha.
"Ano nga palang ginagawa niyo dito sa gubat?" tanong ko.
"Ah! Naisipan kasi naming mag-adventure at mag-vlog. Alam mo na, libangan lang namin." sagot nung Rhysand.
"Ah... " tumango tango ako. " A-Aalis na kayo? " tanong ko.
"Aalis na sana kami pero nakita ka namin... Ikaw, anong ginagawa mo dito?" tanong sa'kin nung Maevel.
"Nakasanayan ko nang maggala sa gubat, bata pa lang ako ginagawa ko na 'yon. Pero uuwi na rin ako..." sagot ko.
"Mag-isa ka lang?" kumalabog ang dibdib ko sa di malamang dahilan, napatingin ako sa lalaking nagtanong sa'kin. Dalawang beses akong napakurap bago sumagot. " O-Oo naman, kaya k-kong mag-isa, may kapatid ako kaya nga lang ay hindi siya sumasama sa akin." kinakabahang sagot ko. Titig na titig sa akin ang lalaki habang nagsasalita ako ngunit nag-iwas din ng tingin.
"Delikado dito, balita ko mayroong mababangis na hayop ang gumagala dito... Hindi ka ba natatakot?" tanong nung Aillard.
"Meron ngang mga hayop ang gumagala dito pero hindi naman ako nagpapahuli kaya..." saad ko.
"So, totoo nga?" gulat na tanong ni Rhysand. Natawa naman ako.
"Lalo na tuwing gabi," dagdag ko.
"Delikado dito, gusto mo bang ihatid ka na namin? Saan ba ang bahay niyo?" sinabi ni Maevel. Tumingin naman ang mga kasama ng lalaki sa kaniya na para bang nahihibang ito.
"Nako! Huwag na! Kayo ko naman, dapat nga kayo ang mag-iingat dahil sigurado akong malayo pa ang lalakarin niyo. Kung nagtagal pa kayo dito ay gagabihin kayo." seryosong sabi ko.
"Oo nga, ano? Hehe," ani Maevel at saka kinamot ang batok.
"Kung ganoon, aalis na kami." ani nung Lorcán.
"Babalik ba ulit kayo dito?" tanong ko. Umaasa akong babalik sila dito, hindi ko alam kung bakit pero iba ang naging pakiramdam ko sa kanila. Lalo na sa lalaking abo ang ang kulay ng mga mata.
YOU ARE READING
A Missing Part
Short StoryIn a small village with a small and less population, it tells the story of a girl seeking for help from a dangerous situation. Started: August 1, 2021 Ended: August 12, 2021 Disclaimer: This is written in Taglish Cover's not mine. Credits to the ri...
CHAPTER TWO
Start from the beginning
