Umalis kami roon at dahil dala-dala ko ang pinagkainan ni Vince, sa kusina namin ipinagpatuloy ang kuwentuhan.

"Walang nagsalita sa'min! Grabe! Kulang nalang makarinig ako ng crickets! Mukhang nahiya rin siya, eh." 

"And then?"

"Tapos... yun. Kinausap ko siya. Nag-usap kami at napagkasunduan nalang din naming ipaalam kay kuya na kami na."

And that's what indeed happened in the afternoon. Nagpunta sa bahay si Richard para kausapin si Vince. 

"Miss,"

Natigilan ako nang marinig si Vince. Paalis ako ngayon habang si Esme naman ay nasa labas para sunduin si Richard. Lumunok muna ako ng dalawang beses bago siya hinarap.

Mataman siyang nakatitig sa'kin, dahilan para kumabog na naman ng husto ang dibdib ko. He looked pale but I think he's fine.

"Tungkol sa nangyari kanina-"

"Ah! Wala yun. Let's just forget it." taranta kong pigil.

There's no way we'll talk about that! It's fucking awkward! Mahihimatay yata ako!

Umawang ang kanyang labi at pumungay lalo ang kanyang mga mata. Hindi ko mabasa ang mata niya. Punong-puno ito ng emosyong hindi ko mapangalanan.

"Pero-"

"Kuya," 

Nakahinga ako ng maluwag nang sumingit si Esme. Kasama niya na si Richard na mukhang kabado. 

"May sasabihin kami..." 

Buti nalang naagaw nila ang atensyon ni Vince. His eyes were glancing at me, tho.

"Uh, labas lang ako." 

Lalabas ako para bigyan sila ng privacy. Naengganyo rin kase akong makita ang dagat at malanghap ang hangin sa labas.

"Saan ka?" kunot-noong tanong ni Vince.

Natuon ang atensyon nina Esme at Richard sa'kin. Binigyan ko naman sila ng tipid na ngiti.

"Dyan lang," 

Vince stared at me for a couple of seconds, like he's contemplating. He licked his lower lip before nodding.

Sapo ko ang aking dibdib nang makalabas ng bahay. Mabuti nalang at unti-unti akong narelax nang makapaglakad na sa buhanginan. At hindi gaya nung unang araw ko rito sa Isla Verde, na-appreciate ko na nang mabuti ang ganda ng isla. 

The white sand looked clean. Ang tubig namang naglalaro sa asul at berde na nagiging puti kapag tumatama sa buhangin ay nakakahalina.

Nilingon ko ang linya kung saan nagtatagpo ang kalupaan ng mundo at ang kalangitan. Sa kalagitnaan ng tuwa, sumingit na naman ang kalungkutan, bagay na hindi ko man gustuhin, sadyang nangyayari. 

It's unfair how everytime I try to move forward, something would always hold me back. Maybe this is the price I pay? For turning my back on my reality? For running away from what was meant for me to face? Kase gustuhin ko man talagang magkaroon ng tuloy-tuloy na kapayapaan, dinadalaw parin ako ng pangungulila. 

Everytime I think about home, I wonder.... kailan kaya ako makakauwi? Kailan ako uuwi? Kailan ba dapat ako umuwi? 

Am I... healed already? Is my stay here... enough? Can I... go back already?

Did I made the right decision in the first place? Was it worthy to trade the time for this island? Tama bang nagbakasakali pa ako sa islang 'to?

Make You Stay (Book 2 of You Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon