MbH: "New Me"

43 1 0
                                    

    Its been 10 years, isang dekada narin palang nakalipas. Pero sya parin.

Posible pala yun. Yung mahalin mo yung isang tao ng sampung taon, kahit di mo na sya nakikita.

Posible palang masaktan ka kahit di mo sya nakikita.

"Jaira! Tara labas tayo!" Pang ilang beses nya na yang pagyayaya sa akin, pinsan ko sya.

Tumango ako at nagsisigaw naman sya.

Pero habang nakatalikod sya ay humikbi sya.

"Bakit?" Walang emosyong tanong ko. Nagtanong pa ako eh alam ko na ang dahilan.

"...Ka..si finally! Lalabas ka na dyan sa lungga mo. Kailan mo ititigil yang ... paninigarilyo mo?"

"Labas na. Magpapalit ako ng damit." Mahina at matigas kong sabi.

Lumabas na sya.

Ang trabaho ko ay pagpipinta. Nagsesend sila sa account ko ng mga gustong magpapinta pagnapinta ko na pinapadala ko by shipping at sila na bahala kung saan nila ipapadala ang bayad.

Pagkabukas ko sa closet ay may nakita ako pamilyar na painting.

Ako ang babaeng nasa painting na ito. Ako ito. Maputi, mataba, May ribbon sa ulo at straight ang buhok.

May nakalagay na pirma sa baba, simbolo kung sino ang nagpinta.

Jeck.

Hinawakan ko ang aking pisngi atsaka ko lang naramdaman na umiiyak nanaman ako. Kailan ba ako titigil?

Tiningnan ko ang sarili ko.

Ang dating ako ay malamang pinapagalitan na ako dahil sa mga pinaggagawa ko ngayon.

Kung dati ay inaasar akong balyena. Ngayon ay ang laki ng ipinayat ko.

"Jairaaaa!! Ang Ate Jairaa ko ay lalabas for the first time! YEHEYYY!" Sigaw ng nakakabata kong pinsan.

Tiningnan ko sya at ngumiti ako.

"Ate Jai! Papasyal tayo sa park diba? Yehey! Ang saya naman! Ito po ba Ate Jaira ang Advance Birthday Gift?" Nakangisi nyang tanong.

"No, paghahandaan natin ang birthday mo. Ano ba ang gusto mong gift?" Tanong ni Katrina kay Baby Jane.

"Gusto ko tumigil na sa pagsmoke si Ate Jai tsaka kumain na sya ng mabuti kasi payat payat na nya."

"Baby, Iba na lang ha." Saway ni Katrina kay Baby Jane

Si Katrina ay pinsan ko. 2 taon ang tanda ko sa kanya at alam nyang walang makakapigil sa bisyo ko kahit birthday wish pa ito ni Baby Jane.

Nakarating na kami sa park.

Biglang bumalik ang mga alala ng nakita ko ang mga sunflowers sa park.

***
"Jaira!! Bat umiiyak ka? Sino ang nangaway sayo?! Sabihin mo lang sa akin at ipapabugbog ko sya sa triceps at biceps ko!"

"Jeck huhuhu! Kasi binigyan ako ng prof ko ng singko. Ang sama huhuhu"

Nakakalungkot kasi, sa lahat ng ayoko ay iyong nadidisappoint ko ang mga magulang ko.

"Halika dito! May pupuntahan tayo! Bili!" Pagaaya sa akin ni Jeck

"Magkakaroon ba ako ng grade na tres pag sumama ako sayo?" Sagot ko sa kanya.

Tinawanan nya lang ako. Hinatak nya ako mula sa library.

My Bad HabitWhere stories live. Discover now