Chapter 10. A Confusing Restart

24 4 1
                                        


"Good Morning hija"

Binuklat ko ang aking mga mata dahil sa narinig kong tinig. Kahit mahapdi ang mga mata ay sinubukan ko pa rin itong binuklat.

Teka bakit ako nasa lote ng kapitbahay? Parang nakatulog ako habang may hawak na papel sa kamay. Tiningnan ko ito at walang bakas ng sulat o guhit kaya pinabayaan ko na lang ito doon.

Nakita ko si Aling Matet na nakapameywang na nakatingin sa akin na parang hinihintay ang paggising ko. Nilapitan niya ako at pinalakad papunta sa bahay ko.

"Kanina pa kita hinahanap sa bahay mo pero parang naligaw ka yata ng landas"

Napalingon ako sa halos kwarenta anyos na kapitbahay ko. Hindi naman siya masyadong matanda, bagkus mas bata siya kaysa sa kaniyang edad.

"Pasok na po ako Aling Matet, salamat po."

"You were not supposed to meet hija," ngumiti lang ako sa pahayag niya kahit hindi ko naman alam ang gusto niyang ipahiwatig at dali-daling pumasok sa bahay. May halong kalungkutan ang mga mata nito pero pilit kong tinanggal sa isipan iyon.

Pagpasok ko pa lang ng bahay ay nakaramdam agad ako ng pagkukulang sa puso ko. Hindi ko namalayan, kinuha ko na pala ang typewriter ko na matagal ko na hindi ginagamit at nagsimulang bumuo ng kwento.

Parang may tumutulak sa akin na mahalin ko ang ginagawa ko at unahin ang pagmamahal sa sarili.

Nakakapanibago dahil diretso lang ang pagtipa ko.


Pagdating ng tanghali ay may nagpark na kotse sa tapat ng bahay ko. Pagkalabas ng babae ay lumiwanag ang mukha ko at itinigil muna ang pagtitipa. Sinalubong ko siya ng mahigpit na yakap.

"Ma"

"Kumusta anak?"

Pagpasok sa bahay ay inilibot niya agad ang paningin sa mga disenyo ng bahay.

Sinundan ko siya hanggang sa kwarto at sumilip din siya sa bahay na katapat noon.

"Nakakalungkot ang nangyari sa bahay na iyan Klire," biglang sambit ng Mama ko.

Hindi naman ako mahilig makinig sa kwento niya pero parang may nagtulak sa akin na makinig sa mga sasabihin niya.

"Kaibigan ko si Cassandra kahit magkaaway si Mama at Tita Yna. You were just two months old that time when a typhoon destroyed their lives. The house was in good condition pero hindi nakasurvive ang pamilya nila Cassandra. They were all trapped inside that house when the water level became higher than their home. We were lucky that time na may job interview ako sa syudad na inoffer sa akin ni Ate Matet. The decision to make you all accompany me was the best decision of my life. We were able to dodge the supposed tragedy. Wala sana tayo ngayon dito kung hindi dahil kay Ate Matet," she nervously laughed.

Pamilyar ang kuwentong ito sa akin. Sa kada bisita namin kasama ni Mama sa bahay ay iyon ang palagi niyang kinukwento.

"It was horrifying and sad Klire. Buntis si Cassandra sa pangalawa niyang anak na lalaki. She was very excited to give birth. Ilang buwan na lang sana." she said it like it was a script she memorized all these years. She's not crying but her eyes tell that she's still in pain. "She was very excited to name her son, Minoz."

Imbes na matakot na may mga namatay pala sa bahay na katapat ng kwarto ko ay nalungkot ako lalo. It clenched my heart that it hurts.

The feeling of this pain is familiar. It felt like it was a missing piece in my whole existence.

Ang salitang 'sayang' ang paulit-ulit na lumalabas sa utak ko. It was a pain that kept on making my heart throb for a while. Ano kaya ang mangyayari kung nakalikas din sila?

The area is prone to flooding dahil sa malapit lamang ito sa dagat. Kung sakaling nakaligtas sila, makikilala ko rin kaya sila?

"Oh, my Klire, why are you crying?"

Napahawak kaagad ako sa aking pisngi nang maramdaman kong basa iyon. Dali-daling lumabas si Mama ng kwarto at pagbalik niya ay may dala na siyang tissue. Pinunasan niya ang luha ko habang malungkot na nakatingin sa mata ko.

"I'm sorry Klire, I tried... to fix everything. To make everything perfect. I failed this family."

Binigyan ko lang siya ng malamig na tingin.

Hindi dahil galit ako sa kaniya, pero alam ko sa sarili kong kahit anong gawin kong pagbabago ay hindi na maibabalik ang dati.

Kahit ganoon ang iginawad kong tingin sa kanya ay nginitian niya lang ako na parang sanay na sanay na siya sa akin.


Pagkahapon ay hinatid ko na si Mama sa labas para makauwi siya ng maaga sa kaniyang pamilya.

Hindi ko sinasadyang mapalingon sa abandunadong bahay at ganun pa rin iyon, walang kabuhay-buhay.

Natapos ko na ang dalawang kwento ko kahit hindi pa dumadating ang Disyembre.

Pagbalik ko ng syudad ay hinandaan kaagad ako nila ng late celebration sa birthday ko pati na rin ang celebration sa pagkatanggap ng kuwento ko. Naging maganda ang resulta ng bakasyon, dalawang libro ang natapos ko at ang dalawa ay gagawing pelikula sa susunod na taon.


Tila mabilis nga tumakbo ang panahon kung ikaw ay masaya.

"Happy 45th birthday!" sigaw ng mga katrabaho ko sa opisina.

Right, Nov. 12 nga pala ngayon. Hindi ko na rin namalayan ang panahon dahil sa dami ng ginagawa ko sa buhay.

I never noticed how my fame became consistent in the past few years. My books were all sold out at ngayon nakaipon na ako for my escapades. This party is also my retirement celebration. Maaga pa para magretire pero pagod na ang katawan ko. It's time for the other writers to shine.

I never thought that looking out for myself more could create a great opportunity for me to grow.

"Hello Tita Klire," I glanced at the woman whose skin was as golden as the sun. Her face is stern and confident, it reminds me of someone.

Someone I can't seem to remember.

She kissed my cheek to greet me and roamed her eyes around the office full of balloons.

"Hello Katrina, nasaan ang Mom mo? Tapos ka na ba sa shoot mo in Manila?" kaswal kong tanong sa kaniya.

"She's at home Tita. As for my shoot in Manila, I finished it the other day. I signed some deals na rin. Less hassle kung lalahatin ko na ang mga gigs ko for a week," I nodded in response.

Katrina is Katie's only daughter. Her family is very happy. Nakahanap din siya ng mapapangasawa ilang buwan makalipas kong bumalik galing sa bahay ni Lola.

It reminds me of how I was not able to find love again after Nat. Was it because I am afraid to love again or something's pulling me not to love anyone anymore?

This is the life that is so perfect I would never ask for more.

Natapos ang selebrasyon na may namumuong payapa at kalmadong emosyon sa puso ko.

Nagpasalamat ako sa kanila at nagpaalam para sa pagkakataong ito.

As I walked to the parking lot, an old lady stopped at a distance where I can hear her words.

"Ingat sa iyong paglalakbay hija."

I stopped with her sudden statement. Wala naman akong pinagsabihan na pupunta ako sa ibang bansa. Magpapasalamat na sana ako pero wala na ito sa kinaroroonan niya.


As I went home with my car at a fast pace, I tried to reach for a black envelope written with my name on cursive. Nakaipit ito sa kabilang bintana ng kotse kaya pinilit kong abutin ang sobre pero masyadong malayo ito.

When I finally got it, doon ko lang napansin ang kapahamakan na padating sa akin. A huge truck is fast approaching at my direction!

This road is one way!

Wala na rin akong oras para tapakan ang break kaya nataranta na ako.

Mabilis ang pangyayari!

My life flashed in my head in an instant as the vehicle turned around harshly and crashed it's way to the pavement.

Every struggle that I've been through became a flashing light that made my head ache. Images of my family came rushing through my mind.

It was tormenting yet my heart is at ease knowing this is my last day. After the sudden flashbacks, I saw a figure of a man which my heart recognized in an instant.

As the car crashed a building which made my head bumped into the wind shield then back to my chair, a light welcomed me and transferred me to a space full of blinding lights.

Strange memories came. I think they were meant for me to remember.

Hindi ako sigurado sa mga nangyayari. Mga pamilyar ang mga naalala ko pero sa kagustuhan kong maalala ang lahat ay lalong pumapantig ang ulo ko. Parang may paulit-ulit na pumipitik sa sentido ko.

Sa kalagitnaan nito ay may lalaking pilit na inaabot ang kamay ko. Pero habang papalapit siya ay napapalayo naman ako.

It's as if we are two magnets with the same energy.

Hindi ko na alam kung gaano na katagal na palutang-lutang ako sa malaking kalawakan na punong-puno ng mga bituin.

May isang ilaw na nakaangkin ng aking pansin sa gitna ng kalawakan at pilit akong hinihila dito.

Pumasok ako sa liwanag na iyon at nakakita ng mas maliwanag na ilaw na parang sumisira sa mata ko. Sa sobrang hapdi ng ilaw ay napahiyaw ako ng iyak hanggang sa narinig ko ang sigaw ng isang babae.



"It's a girl!"

---
Ipagpapatuloy...

Hello NeighborDonde viven las historias. Descúbrelo ahora