Chapter 5. A sketchy event

29 5 2
                                        

"May oras din naman na hindi mo rin ako nakikita"

Parang nagulat pa siya sa nalaman niya. We experienced the same situation. Hindi ko pa rin makuha kung bakit sa dinami-rami ng taong pwedeng piliin ng mundo, bakit kami?

I tried to look at the clock and it's already past seven in the evening. Natahimik kami, pero the silence is not awkward.

"Klire nga pala," I introduced myself and tried to shake hands. "Klire Mondelez."

"I'm Minoz Azrael," he firmly shaked my hand. "It's nice meeting you Klire."

Nginitian namin ang isa't-isa pero tinanggal ko lang ang pagkakahawak ko nang makaramdam ng kirot sa puso.

Dumiretso na ako sa kusina para maghanda ng hapunan kahit magulo pa rin ang isip ko.

"May turntable ka pala dito," he said from the sala.

"Yes, meron naman pero hindi ko nagagamit," I replied. May mga vinyl records sa may table na mga newly produced pero hindi ko pa nagagamit.

Nakarinig pa ako ng mga kalampag bago nakarinig ng musika mula sa sala. I recognized it as soft jazz.

 I heard Minoz approached the kitchen. Lumingon ako dito at nginitian niya ako. Nakarelax lang ang braso nito sa island habang napapansin na medyo masikip ang suot niyang putting polo sa braso niya.

"It's I'm Getting Sentimental over You by Tommy Dorsey, it's beautiful."

I want to appreciate the music but I'm too distracted.

Matiwasay ko naman naluto ang adobo at kanin bago siya inayang kumain sa island. Tinikman niya ito at tumango-tango. He was observing everything, from the utensils to the quality of my floor.

Tahimik naming natapos ang hapunan. Nagprisinta siyang maghugas ng pinggan kaya pinabayaan ko na lang siya.

Matapos ay bumalik kami sa pagkakaupo sa sala.

"Paano ka makakabalik sa inyo?" tanong ko.

"Hindi ko rin alam."

Natahimik muli kami matapos iyon.

"I think you need to see something," I said and stood from the chair. Dumiretso na ako sa kwarto para ipakita sa kanya ang bahay niya na katapat lang ng bintana sa kwarto.

Napansin kong hindi siya nakasunod kaya bumalik ako at nakita kong nakatayo lang siya sa harap ng kwarto. I became conscious with my looks, I was only wearing my simple striped shirt and cigarette pants. I am small compared to his figure.

"P-pwede kang pumasok Minoz."

He hesitated a bit before entering. Lumapit siya sa bintana at kitang-kita ko kung paano siya nagulat sa kaniyang nasaksihan.

"This is my home before I decided to fully renovate it," he said with a hint of confusion. "Ganito ang bahay namin dati pero bakit parang mas malungkot ito tingnan... ngayon."

I unconsciously joined him and looked at the house too.

Malungkot nga itong tingnan. Madilim ang loob, mahahalata mo kaagad na matagal na itong hindi natitirhan. Sira-sira na din ang bubong at natanggal na ang ibang pintura. Basag na ang mga bintana at kinakalawang na ang mga bakal nito.

Kinakain na nga ito ng panahon.

Habang tumatagal ang pag-uusap namin ay bumibigat din ang talukap ng mga mata ko.

Pilitin ko man na hindi matulog ay parang hinihila ako ng utak ko na matulog. Bago pa ako mawalan ng malay ay sigaw lang ni Minoz ang narinig ko.

"Klire!"

Hello NeighborWhere stories live. Discover now