Chapter 10

8.5K 209 68
                                    

"Good morning!"

Tumingin ako kay Luke na nakatayo na sa gilid ng kama. Naka-pajama pa rin at mukhang bagong gising din. Doon siya natulog sa couch sa baba dahil ako na raw rito sa kwarto niya.

"Anong oras na?" Umupo ako sa kama at kinusot-kusot 'yung mata ko.

Umupo rin siya sa kama. "7:00 AM. Ano, bihis ka na?"

"Wala akong damit." Tumayo na ako at naglakad pababa para makapaghain ng almusal namin.

"Bumili na ako kanina." sabi niya habang lumalakad din pababa sa hagdan, nasa gilid ko siya.

Napalingon ako sa kaniya. "Binili mo ako?"

"Oo," sagot niya. "Halika na," kinuha niya 'yung kamay ko at hinila papunta sa lamesa. "Tadaa!"

Pagtingin ko sa lamesa ay may naka-ready ng almusal. Rice at bacon lang pero may gatas sa gilid at may sticky note pa 'yung gatas. Sa lahat ng pwedeng maging kulay ng sticky note ay pink pa. Lumapit ako para makita 'yung note sa gatas.

'Smile, we'll have a great day.'

"Arte nito!" Hinampas ko siya sa braso. "Thank you." I smiled.

"Sige na, umupo ka na." Tinuro niya 'yung upuan ko bago umupo sa tabi ko. Masiyado kasi talagang malayo kung magtatapat kami. Para bang laging formal dinner dahil sa laki ng lamesa. Ganito kaya silang pamilya araw-araw?

"Saan tayo pupunta?" tanong ko bago kainin 'yung nasa kutsara ko.

"Saan mo ba gusto?"

"Kahit saan." sagot habang ngumunguya. "Alam mo ba..." pagkukwento ko.

"Hmm?" Tinaas niya 'yung kilay niya bago uminom ng kape.

"Nalaglag ako sa bike noon, noong nag-Baguio kami nina Calynn." I laughed, remembering that moment.

"Seryoso?" Natawa rin siya. "Sige, mag-b'bike tayo tapos titignan ko kung malalaglag ka ulit."

Pinalo ko siya sa braso dahil tatawa-tawa siya. "Alam mo, nakakainis ka!" I jokingly rolled my eyes.

"Excited na tuloy ako!" OA na sabi niya bago kumain ulit.

Pagkatapos kumain ay nauna na akong maligo dahil siya na raw 'yung maghuhugas. Mayroong CR sa kwarto niya kaya roon na lang ako naligo.

Tinignan ko 'yung paper bag na binigay ni Luke, nandoon daw 'yung mga damit ko. Dalawang blouse at dalawang pants, isang denim at isang black pants, mayroon pang sandals kahit na nakasapatos naman ako. Mayroon ding underwear. Hindi kaya siya nahiya noong binibili niya 'to?

Sinuot ko na lang 'yung blue na blouse pagkatapos ay black pants. Color black 'yung sandals na binili niya.

Habang nag-aayos ako ng gamit ko sa bag ko ay napatingin ako sa relo na regalo ko dapat kay Luke. Hindi ko pa rin naibibigay. Ibibigay ko na lang bago kami umuwi.

"Okay na ako." sabi ko kay Luke habang bumababa ng hagdan. Nakaupo lang siya sa couch at mukhang tapos na maghugas at maglinis ng lamesa.

"Sige, saglit lang ako." Tumayo na siya sa sofa. Tinapik pa ng dalawang beses 'yung ibabaw ng ulo ko nang madaanan niya ako. Baliw talaga! Ginawa pa akong aso.

Naghintay ako sa sofa nila. Ang laki ng sofa at ang laki ng bahay nila. Mayaman talaga sila.

"Bal!" pagtawag ni Luke habang bumababa sa hagdan matapos ang kalahating oras.

Sinadya pa yata niya na magkashade 'yung blouse ko at 'yung polo shirt niya. Parang blue gray itong kulay ng damit namin. May 3 buttons lang sa taas yung sa 'kin. At talagang naka-black pants din siya. He's just wearing a white sneakers.

The World Could Die (Change Series #3)Where stories live. Discover now