DISCLAIMER: This is a work of Fiction, Names, Characters, Business, Places, Events, Locales, And Incident are either the Product of Author's Imagination used in a Fictitious manner.
PLAGIARISM
IS A CRIME!
Read at your own risk.
Natagpuan ko nanaman ang sarili kong hinang hina. Bawat pag patak ng luha ko ay makirot sa damdamin.
Parang hindi ko kinakaya ang bawat sakit na nararamdaman ko sa pag lipas ng araw, Araw araw ay para akong pinapatay ng sakit.
Hindi ko alam kung kakayanin ko pa ba, Or sadyang kailangan lang talaga.
Naka tingin lang ako sa litratong naiwan namin ni Keith na naka display sa ibabaw ng lamesa ko, Hindi ko mawari sa aking isip na wala na si Keith, Ang matalik kong kaibigan at ang taong kailanman hindi ko aakalaing mawawala sa aking tabi.
Hindi ko lubusan maisip na wala nang Keith pagkagising ko sa umaga, Wala nang mangungulit sa akin, Wala na akong matalik na kaibigan na alam lahat ng sikreto ng buhay ko at mga pinagdaanan ko noon.
Kaya ko ba na sa pag gising ko hindi ko alam kung matutupad ko pa ang pangarap ko? Kaya ko pa rin ba na wala na yung taong sumusuporta sa pangarap ko?
Mag isa nalang talaga ako
Kahapon lang ay naalala ko pa na masaya kami, Kahapon lang ay nagbabalak kami manood ng isang sikat na Live Concert, Kahapon lang ay magkasama kami.
Ngunit anong nangyari?
FLASHBACK...
"Cle! Nood tayo live concert, Libre ko." Naka ngiting sambit sa akin ni Keith
Nagulat naman akong tumingin dito at nag tatalon sa tuwa
"Talaga ba?" Gulat kong tanong dito.
Bilang pag tugon ay ngumiti siya at ginulo ang buhok ko at tumango.
Pinalabas ko na siya ng kwarto ko at dali dali akong nag bihis ng aking susuutin
Ano ba susuutin ko? eto!
Sinuot ko ang aking Black button down dress at nilugay ko ang aking curly na buhok, Nag sandals lang ako at nag lagay ng kaunting make up sa mukha ko. Todo spray ako ng perfume sa buong katawan ko at bilang pagtatapos ay ngumiti ako sa salamin at lumabas na.
"Tagal naman!" Naka busangot na saad ni Keith sa akin
Ngumiti lang ako dito at nag paalam na kila mama at papa na manonood kami ng isang Live Concert
"Mag iingat kayo, Keith ha alam mo na" naka ngising saad ni papa dito
"Opo Tito, Syempre naman po. Salamat po pala sa pag payag." Saad din ni Keith bago kami tuluyang umalis
"Ano ba yung payag na sinasabi mo, Ke?" Tanong ko dito habang bumabyahe kami dala ang kanyang sasakyan
Napansin kong namula siya at nag iwas ng tingin sa akin
"W-Wala" saad nito at tumingin na ng diretso sa dinadaanan at pinipilit na maging seryoso kahit na napapansin ko namang nangingiti siya
Ano meron dito?
Sumeryoso nalang rin ako ng upo at tumingin nalang sa harapan
Hindi rin nag tagal ay naka rating rin kami, At wooowwww! Ang daminggg taoooo! Excited na tuloy ako
Hindi ko na siya hinintay at bumaba na habang nililibot ang paningin sa buong lugar at naaamaze parin dito
"Daming tao diba?" Naka ngiti nitong saad
KAMU SEDANG MEMBACA
Chasing Star
Fiksi RemajaClea Vien Cruz is the name of the Girl. Her Mother's name is Alicia Ocampo and Her Dad's name is Alain Cruz. She has a younger brother, Levi Cruz. She has her childhood bestfriend, Keith Reyes. Clea really wants to chase her dream, to be a Doctor so...
