"Hi mom z! Good morning!" napa tingin ako sa taong nasa may pinto ng bahay. He's wearing his glasses. Naka short rin siya, and black shirt with his rubber shoes. Pansin ko rin yung buhok nyang ash gray.

"good morning vice, come in." Mama. Agad kong binitawan yung pen ko at nag inat, hinintay syang pumasok at lapitan ako.

Naka kita na lang ako na may paper bag ng jollibee na lumapag sa may table, after that hinalikan nya ako sa buhok ko bago nya ako niyakap.

" hi mahal, magandang umaga." vice. Tumitig ako sa kabiya bago ko siya tawanan at halikan ng mabilis.

"anong mayroon sa 'magandang umaga' mo? I thought babatiin mo rin ako ng 'good morning'. Magandang umaga rin, pogi ko." nginitian ko siya bago ko yakapin ng mahigpit. Sobrang namiss ko to. Ilang araw rin pala kaming hindi nagkita dahil sa kaniyang mga projects.

" Magandang umaga, binibining kurba ko. Kain ka muna before mo ipag patuloy yang ginagawa mo. " umupo siya sa tabi ko at inayos nya yung spaghetti ang fried chicken pati na rin yung fries and burger.

"You're writing a new song?" tanong niya sa akin at tinignan nya yung papel na nasa table.

"Yes mahal. For my new project rin. Actually, namemental block na ako...need ko yata yung jollibee na yan!" sinabayan ko ng tawa ang sinabi ko at nahawa sya dun.

Nakita kong himay na yung chicken ng ibigay nya sa akin. Tumitig ako sa kaniya bago ko siya bigyan ng smack. Nag simula na rin akong kumain.

Nakita ko naman na kinuha nya yung papel na sinusulatan ko. Alam ko naman na hindi pa niya binabasa masyado yung lyrics.

"Gandang ganda ka na naman sa penmanship ko." kunwari akong umirap sa kaniya then hinarang ko yung palad ko sa tapat ng face nya.

"Love, alam kong maganda yan pero mas maganda pa rin ako."

Hinawi niya yung kamay ko, hinawakan na nya yon at mas pinagsalikop pa.

"Yes love, ikaw yung maganda kahit puro sauce pa ang mukha mo!" tumatawa pa siya habang pinupunasan nya gamit tissue ang aking bibig.

"Love, knock knock.." out of nowhere kong sabi sa kaniya habang pinupunasan nya pa rin ang bibig ko.

He grins at me, "baka waley na naman yan ha"

"Uy hindi ah! Nag iimprove na kaya ako! O sige na, knock knock na vicey!!" childish kong sagot.

"Who's there?" titig na titig siya sa akin, feeling ko matutunaw ako dahil dun. Napaka pogi ng boyfriend ko hihi. Poging may kagandahan ding taglay.

"My thoughts"

"my thoughts who?"

Wala pa man, alam ko na aasarin na nya ako sa bibitawan kong joke.

"My thoughts...my knees, my shoulders, my head." sabi na bang dapat hindi ko na lang binitawan ang joke na yon! Tumitig siya sa akin bago nya ako tawanan ng malakas.

"Mahal kita, love kahit ilang waley jokes pa yan!" hinapit na lang nya ako at binigyan ng maraming kiss sa mukha.

I want to create more memories, with you Vicey.

"Arrgh, love! Kung ikaw may greet from Park Bo Gum, samahan mo ko kay Gong Yoo! Pupunta siya dito sa Manila! Magpapa VIP access tayo, sige na please?" hinawakan ko siya sa braso niya para pansinin ako pero deadma.

"Love, busy ako next week. Sorry, I can't go with you."Vice.

Nawala yung energy ko ng sabihin nya yon sa akin.

ViceRylle Collectanea FandonieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon