Ilang minuto lang ay dumating na rin naman ang contractor ko at pinaayos ko na agad ang new artist gallery pati na ang gallery sa mga regular kung saan kasama si Dahlia at Fatboy. Tiningnan ko sumandali ang mga gawa ni Dahlia at napangiti ako ng makita ko naman ang isang painting niya na ang pangalan ay Rachel. Abstract ito at hindi ko ganoon maintindihan dahil hindi ko alam kung saan perspective titingnan pero tatawagan ko siya mamaya matapos ko ang trabaho.

Matapos ng sa first floor ay nagpunta na kami sa third floor para sa mga gawa ni Garcia at iba pang gawa ng ibang sikat na pintor. Hindi ko pa nakikita ang gawa ni Garcia pero naeexcite na ako at humahanga. What motivates him to paint again? Meroon na kaya siyang bagong muse? Ano kaya ang mga painting niya ngayon?

Natapos na rin sila sa pag-aayos at hinatid ko na sila palabas ng building. Kaagad akong tumawag kay Dahlia.

"Paanong perspective ako dapat tumingin?"

"Whatever you want. That is you and how you want to view yourself."

"Well, hindi ko alam kung paano titingnan ang sarili ko..." Tumawa sa kabilang linya si Dahlia. "Pero salamat sa pagpinta sa akin. Akalain mong may magpapaint sa akin. Bakit hindi mo naman sinabi para nagpose sana ako ng nude." Tawa ito ng tawa.

"I don't like nude paintings of women. Men pa siguro." Ako naman ang natawa.

"Anyway, speaking of painting may bagong dating na painting from Jacob Garcia." Nailayo ko na lang ang telepono ko sa tenga ko dahil sa pag-irit ni Dahlia.

"Anong painting niya? Another muse?"

"I am yet to see" Naglalakad na akong mabilis patungo sa elevator para pumunta ulit third floor. Nagpaalam na rin ako kay Dahlia at sinabi kong babalitaan ko siya sa kung anong painting.

Kaagad kong ginala ang mga mata ko kung saan nilagay ang painting ni Jacob Garcia. Nakatabi ito sa luma niyang painting na 'Her Annoying Smile.' Nilapitan ko ulit ito at tiningnan. Hindi pa rin nagbabago ang epekto ng babae sa painting niya na iyon. Lumipat naman ako sa isang painting niya na bago.

Walang tao o babae sa painting niya kundi bagay. Painting ito ng gripo na malakas ang buhos at ang baso na sumasalo sa tubig. Maganda ang kulay pero hindi ito ang ineexpect kong theme ng painting niya. Mas inaasahan ko na babae o tao ang subject ng painting niya at hindi bagay. Tiningnan ko ang titulo ng painting niya at nakita ko iyon sa maliit na papel na description.

"Overwhelmed?"  Iyon ang title ng painting. Tiningnan ko ulit ito. Napangiti ako. Masyadong malakas ang pressure ng tubig sa baso at hindi kaya iyon ng baso kaya nagooverflow ang tubig sa palabas nito. Overwhelmed...parang may naalala naman ako. Nagkibit balikat na lang ako dahil hindi ko narecall kung ano ba iyon.

Nagpunta naman ako sa ikatlong painting ni Jacob at ito naman ay may darker na shade. Brown, Black at Violet na kulay ang ginamit. Dalawang tao ito na parang shadow na magkayakap. Hindi defined ang mukha ng pareho dahil parang anino nalang ang kinalabasan nito pero alam kong nakayakap ang lalake sa babae na para bang pinoprotektahan niya ito.

"Creeping into the shadows" Iyon naman ang title ng gawa niya. Napangiti ako. May iba kasi akong interpretation ng painting niya at ang description nito. Para bang palihim na pagmamahalan? Parang Romeo at Juliet at patago silang nagkikita. Pinagmasdan ko ang painting ulit. Pakiramdam ko talaga ay protective ang pagyakap ng lalake sa babae habang ang babae ay nakadantay lang sa dibdib nito. She may be crying kaya ganoon na lang kaprotective ang stance ng lalake. Saan niya kaya pinoprotektahan ang babae? Napapaisip naman ako na isa ba ito sa mga muse niya na hindi pa nakikita ang mukha? Kinikilig akong isipin na may bago o kung iyon dating mukha ang makikita ko rito. Ang kinakatuwa ko talaga ay ang devotion niya at passion niya sa tao na iyon na kapag nagmamahal siya ay siyang laman lang ng paintings niya. Tumingin ako sa baba ng painting kung saan nakita ko ang pangalang pirma ni Jacob Garcia. Jacob G. ang pirma niya gaya ng mga nauna niyang paintings.

Impression on the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon