"Nag-away ba kayo ni kuya?" tanong ni Esme nang maiwan kami para maghugas.

Umiling ako at tipid na ngumiti.

"Wala? Eh bakit parang galit ka sa kanya?" 

Huh?

"Galit? Sinong galit? Ako? Hindi, ah."

Binilisan ko ang pagsasabon sa mga kutsara at tinidor. Halos magsapakan ang kilay ko. Ugh. I really hate washing utensils! 

"Talaga?" isinugod ni Esme ang kanyang mukha sa akin upang sipatin ako ng maayos.

Inirapan ko siya.

"Oo nga." 

Mabuti at hindi na siya nang-usisa pa. Maya-maya pa, matapos naming maghugas ni Esme, may narinig kaming kumakatok sa front door. 

Nilingon ko si Esme at nang makita ko siyang parang tangang nakangiti sa kanyang cellphone ay ako na ang tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa at nagbukas ng pinto.

Kumunot ang noo ko nang makita ang babaeng nakasuot ng pink na bestida. Hindi gaya ng pangkaraniwan niyang damit, mas maiksi iyon at hindi aabot hanggang sa tuhod. Litaw ang makinis na binti at maging ang balikat. The girl is none other than Rissa.

"Si Vince?" nag-angat siya ng kilay.

Nagawa niya pa akong sipatin mula ulo hanggang paa. I am wearing Esme's short dolphin shorts and fitted white v-neck shirt. Kahit mas simple ang suot ko kung ikokompara sa kanya, di hamak naman na mas maganda ako 'no!

"Nasa kuwarto niya." malamig kong tugon.

She advanced a step kaya napatabi ako. Nasagi pa niya ang siko ko kahit malaki naman sana ang daanan. Halatang sinadya pero hindi ko nalang pinatulan. That bitch.

"Hep! Hep! Saan ka pupunta?" I heard Esmeralda.

Napatayo siya at sinipat nang mabuti ang bruhildang naligaw sa bahay. Makahulugan ang tingin ni Esme sa'kin nang ako'y balingan.

"Sa kuwarto ni Vince,"

I saw how Esme was caught off guard. 

"At sinong may sabi sayong pwede kang pumunta sa kuwarto ni kuya?" sarkastiko niyang tanong.

"At bakit hindi pwede?" 

Ako ang napairap sa kabastusan netong si Rissa. I know she's a bitch but, hello? If she likes Vince then she should respect Vince's sister! Yet heto, heto siya at namimilosopo pa! 

"Wala ka bang common sense? Ni hindi mo nga sure kung gusto ka niyang makita ngayon tapos didiretso ka sa kuwarto niya? Desperada much?" sabat ko.

Nanlisik agad ang mata ng inggrata. Hindi ko naman inurungan ang titig niya. 

"Kung makapagsalita ka, parang hindi ka tumira rito para araw-araw makita si Vince, ah? Sinong mas desperada sa atin ngayon?" ganti niya.

Magsasalita na sana si Esme nang sinenyasan ko siyang ayos lang. I can handle this bitch.

"Masyado kang nagpapaniwala sa chismis, ano? Well, anyway. You can believe what you want to believe. Girl, I don't care." 

I did not explain further because she's not worthy of my effort. Kung magsasayang lang ako ng laway, huwag nalang. Her opinion of me doesn't matter anyway.

Nanatili kaming dalawa sa living room habang tinatawag ni Esme ang kuya niya. Ayaw niya ata talagang papuntahin si Rissa sa kuwarto ni Vince.

"Pabida ka no? Kagabi ka pa." pasiring ulit ni Rissa.

Make You Stay (Book 2 of You Trilogy)Where stories live. Discover now