Who the hell is she to conclude?!

"Asus. Mas maliwanag ka pa kesa sa sikat ng araw. Don't worry, matatanggap mo rin yan. Tsaka, hello? Sino ba naman kaseng hindi magkaka-crush kay kuya? Guwapo na, mabait pa! Kung hindi ko lang kapatid yun, naku, jinowa ko na yun!" 

"Yuck. Tumigil ka nga," 

Umasta siyang parang na-offend sa sinabi ko.

"Maka-yuck ka naman. Parang hindi mo rin jojowain, ah?" 

Sinamaan ko siya ng tingin. 

"Oh bakit? Sinuot mo nga t-shirt niya kahapon, eh."

Kumunot ang noo ko at agad na namang nanlaki ang aking mga mata nang ma-realize ang ibig niyang sabihin.

So the NASA shirt was Vince's?! Kaya pala titig na titig siya kahapon! 

"Kanya yun?" pangongompirma ko.

Esme smirked like crazy.

"Oo. Bagay na bagay sa'yo yung shirt. Pero mas bagay sa'yo si kuya." nakakaloko niyang sagot.

"Ang lakas mong mang-alaska, ha? Porke nakatikim ka ng hotdog?" 

Tinitigan ko ang hotdog na kakatusok niya lang sa tinidor. Pero alam naming pareho na hindi iyon ang hotdog na tinutukoy ko.

Ako naman ang napangisi nang unti-unting nabura sa mukha ni Esme ang kanyang ngiti.

"Namemersonal ka naman, eh. Nagbibiro nga lang ako." pagsuko niya kaagad.

"Dami mong energy today. Buti hindi naubos kagabi, ano?" 

Ngumuso siya. I laughed when I saw how her cheeks turn bright red. Tila may naalala.

"Dindin naman eh," 

Sabay kaming nagtawanan at natigil lang nang biglang dumating si Vince. Tamad siyang umupo sa tabi ni Esme at nang magtama ang tingin namin, ako ang naunang nag-iwas ng mata. I don't know what the awkward atmosphere is for. 

"Puyat ka 'ya?" si Esme.

Yumuko ako at ngumuya nalang. Akala ko hindi makakasabay si Vince ngayon sa pagkain. 

"Hmm," rinig kong tipid na sagot ni Vince.

"Natulog ka ba? May eyebags ka, ah? Pero guwapo parin naman." 

Kaswal silang nag-usap tungkol sa mga bagay-bagay habang ako'y nanatiling walang imik. I don't know. I just felt like when Vince arrived, something in me has switched off.

"Ang liit na naman ng kinain mo," 

I did not see where Vince's eyes drifted but I am pretty sure, it was for me. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at nakompirmang ako nga ang sinabihan niya nang makita ko siyang titig na titig sa'kin. Naka-itim na t-shirt siya at bagsak ang kanyang buhok ngayon. Pansin ko ang katamlayan ng kanyang mga mata.

"I'm already full." walang emosyon kong sagot.

Nakita ko ang pagkunot ng noo niya. He was staring at me like I am some puzzle to solve. Pairap akong nag-iwas ng tingin. Narinig ko naman agad ang malakas na tikhim ni Esmeralda.

I suddenly felt the urge to leave the table but of course I know I shouldn't do that. That's just very disrespectful. Besides, hindi ako nakatulong sa pagluluto kaya hihintayin ko silang matapos para makapagligpit at makapaghugas.

Ramdam kong gusto akong tanungin ni Vince pero hindi niya nalang itinuloy. Natapos ang agahang halos crickets nalang ang narinig ko. It wasn't my intention to make it awkward, tho. 

Make You Stay (Book 2 of You Trilogy)Where stories live. Discover now