Chapter 13

22 6 0
                                    

Akala ko ay magiging awkward ang tagpo namin matapos 'yon pero naging normal lang naman. Ngayon ko mas napagtanto na hindi siya katulad ng ibang babae na mahihiya at hindi mamamansin kapag nangyayari ang ganon. Maybe I watched too much romantic movies?

Naalala ko ang sinabi niya kanina. Sasaluhin niya raw ako kapag nahulog ako. Sasaluhin huh? Sa hindi malamang dahilan ay napangiti ako. Nang mag-angat ako ng tingin ay nagtama ang mata namin. Tumigil ito sa pakikipag-usap kay Gio at tumabi sa'kin.

"Napapadalas ang pagngiti natin ah. Anong dahilan?" Malawak ang ngiting tanong nito. Umiling ako at nawala na ang ngiti.

"Nothing."

"Ay suplado na ulit?" Tumawa ito at humilig sa'kin. Naging tahimik kami, si Gio ay may sarili ng mundo habang nanonood ng tv. Ang tatay ni Sky ay nasa kwarto na ulit at natutulog.

"Anong ginagawa mo sa buhay mo bukod sa uminom ng alak gabi-gabi?" Biglang tanong niya. Isa pa sa napapansin ko sa babaeng 'to, she has that habit of asking you random questions. So out of the blue. Ano ba ang tumatakbo sa utak niya?

"Wala."

"Wala?" Umayos ito ng upo at humarap sa'kin, brows creased. Dalawang beses akong tumango.

"Hindi ka nag-aaral? Graduate ka na? Hindi ka nagtatrabaho? Ilang taon ka na ba?" Sunod sunod na tanong niya.

Ang dami niya na agad nasabi. Seriously? Napakamot ako sa ulo dahil hindi ko alam kung ano ba ang una kong sasagutin. Should I answer her? Or not? I chose the former.

"I'm not studying. Hindi pa ako graduate. At wala akong trabaho." Sagot ko. Parang may nakalimutan ako. Ah. "21 years old." Pahabol ko.

Napapalatak ito na para bang dismayado sa'kin. Nagtaas ito ng isang paa sa sofa at ipinatong sa tuhod ang isang braso. Mukha siyang tambay sa kanto sa ayos niya.

"So katulad mo pala 'yung mga tipikal na tambay na walang trabaho diyan sa kanto namin. 'Yung mga nadadaanan nating mga laging lasing at hubad baro? Ayon ikaw na ikaw yon. Ang pinagkaiba niyo lang, mayaman ka." Ismid na kumento nito.

"I have reasons." Tipid na sagot ko.

"Ano naman ang reason mo? Siguraduhin mong valid 'yan kundi ipapabugbog kita sa mga lasing doon sa kantong sinasabi ko!" Maangas na sabi nito. Hindi ako sumagot. Naghintay pa siya ng ilang minuto bago ako kinulit.

"Ano nga?!" Hawak na ako nito sa braso at inuuga ako.

"Wala."

"Wala daw! Ano nga!"

"Sky, stop." Hindi ako nito pinansin at nagpatuloy sa ginagawa. Akala ko ay maiinis ako sa ginagawa niya dahil isa ang ganito sa mga bagay na talagang kinaiinit ko ng ulo. Ayaw kong pinipilit ako. Pero nagulat ako dahil wala akong naramdamang inis o kahit ano. Actually, I am enjoying her childishness.

"Gab! Ano nga!"

"Nanonood akong tv. Huwag mo akong ginugulo." I tried to focus on the television but she's blocking my view. Namaywang ito at masama na ang tingin sa'kin. Maya maya ay nagtaas ng kilay.

"Sino na lang si Heaven?" Nagtama agad ang mata namin matapos niyang sabihin 'yon. Tumigil ito sa pagsasalita at tumitig lang sa'kin, naghihintay ng sagot ko. Bigla akong nablangko dahil sa tanong niya. Parang may anghel na dumaan sa pagitan namin dahil sa katahimikan. Tanging tunog lang ng tv ang naririnig ko.

Siya ang unang nag-iwas ng tingin, halatang guilty dahil sa tanong.

"Huwag mo ng sagutin." Sabi niya at umupo na ulit sa tabi ko. Isa rin ito sa napapansin kong ugali niya. Mabilis siyang makaramdam. Katulad ng mga kaibigan ko, alam niya kung kailan magsasalita o tatahimik. And at this moment, she knew, she needs to shut up.

Loving a DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon