The Jerk: Twenty Two

Start from the beginning
                                    

"Hello, dear. Mabuti naman at nakapunta kayo." Napatingin ang babae sa akin. Mas lalong lumapad ang ngiti niya. I tried to smile back. "Siya na ba ang sinasabi mo sakin, hijo? The one who would love a place like Giardino?" Giardino is the name of the restaurant.

"Yes, Tita." straight forward na sagot ni Micko.

The lady gave him a meaningful smile saka kinuha ang order namin. Sa totoo lang hindi ko pa nasisilip man lang ang menu kaya naman hinayaan ko na si Micko na ang mag order.

"I will serve your order after a few minutes. As for now enjoy the company of each other."

Umalis ang Tita ni Micko matapos mag paalam. Pinagmasdan ko siya hangang sa makapasok ito sa tila ba backdoor ng isang greenhouse na alternative para sa kusina. This is a really nice place. Halos tatlo lang ang table na okopado sa mga oras na ito at nakapa private ng lugar.

"Sabado matapos ang unang lingo ko sa school niyo noong nalaman ko yon."

Napalingon ako pabalik kay Micko dahil sa sinabi niya. Huminga siya ng malalim na para bang nahihirapan sa pagsasalita. Is he opening up?

"Nalaman ko at ni Mama na may ibang pamilya na ang Papa ko sa London."

Natigilan ako at hindi nakapagsalita. Wait what? Pero ang akala ko ba rumor lang yon? Na hindi yon totoo?

"Galit na galit si Mama noon. Halos magpakamatay siya noong nalaman niya yon." Napangiti ito ng mapait. "Ako naman, hindi na nagulat. Parang ramdam ko na din na yon ang nangyayari sa kanya doon kaya hindi na siya umuuwi. Pero si Mama talaga ang inalala ko kasi noong gabing yon nagtangka siyang magpakamatay."

Nagsimulang paglaruan ni Micko ang tinidor na nasa harap niya para lamang maiwasan ang tingin ko.

"Hindi yon alam ng dalawang babaeng kapatid ko. Doon ko kasi sila pina-tulog sa bahay nila Tita para hindi makita kung paano mag breakdown si Mama. Nalaman ko ang balak ni Mama noong pumasok ako sa kwarto niya at nakita ang halos ilang dosenang piraso ng painkillers na natutunaw sa isang baso ng red wine."

Napalunok siya at humigpit ang hawak niya sa tinidor.

"Alam mo ba kung ano ang ginawa kong dahilan para ma-distract siya? Para hindi siya pumasok sa kwarto niya at malaman na tinapon ko ang ginawa niyang lason para sarili niya?" Natawa siya. "Sinabi ko na nakapasok ako sa varsity team ng bago kong school."

Sa wakas ay nagawa niyang tingnan ang mukha ko.

"Wala akong achievements sa school. Hindi ako mahilig mag aral. Sa totoo lang yon nga ata ang unang achievement na sinabi ko sa kanya. At isa pang kasinungalingan. Pero noong sinabi ko yon, na sa unang week palang ay nakapasok na ako, hindi niya maiwasan na matuwa."

Kinusot niya ang mga mata niya na para bang nangangati ito. Pero nakita ko ang pangingilid ng luha dito.

"Wala talaga akong balak sumali sa varsity team. Hindi ba sinabi ko sa iyo noon na gusto kong subukan ang photography? Pero wala akong nagawa noon kundi pangatawanan ang kasinungalingan na ginawa ko. At ang swerte ko dahil nagka-taon na ang isa sa naging kaibigan ko sa sports camp ay nag aaral din sa Jefferson High at parte ng basketball team. Si Ashton."

Napahawak siya sa batok niya at napasandal sa usupan.

"Tinulungan niya ako na mabilis na makapasok sa team. Naging totoo ang kasinungalingan na sinabi ko kay Mama. Kaya kahit hindi sabihin ni Ashton, nagkaroon ako ng utang na loob sa kanya. Kaya hindi ko sila maiwan ng grupo niya. Lalo pa at nakapasok lang naman ako sa team dahil sa kanya."

Hindi ako nakasagot. I didn't know that. I never knew that. Hindi ko siya tinanong. Bakit hindi ko man lang siya tinanong noong una palang?

"Hangang sa naging Team Captain ako ngayong taon na ito. Alam ko na si Ashton dapat ang nasa lugar ko pero kahit paano ay ginawa ko ang lahat para mapunta sa pwestong ito. At si Ashton— hindi niya ginusto ang position na ito."

Pinagmasdan ako ni Micko at ngumiti.

"Noong naging Captain ako, doon lamang ako nagka-lakas ng loob ulit, Delia. Dahil alam ko na kahit paano pinaghirapan ko na ito at hindi na ako basta umasa lang sa utang na loob. Pwede na akong lumapit sa kahit sino o sumama sa kahit sino na gusto ko. At ikaw, ikaw ang una kong gustong lapitan na malayo sa mga taong laging nakapaligid sa akin."

I can't help but to lower my gaze. Noong hindi na muling lumapit sa akin si Micko, ganoon din ang ginawa ko. Hindi ko nalaman ang totoo kasi pinili kong paniwalaan ang mga assumptions ko. Nakakatawa kasi ang dami kong maling akala sa kanya.

Now I didn't know what to do. Halos gusto ko ng maiyak sa harap ni Micko. Bakit ang hirap? Gusto ko lang na maging masaya. Gusto kong maging masaya din si Micko. Ganoon din si Ashton at maging si Reese. Pero bakit ang gulo? Didn't we all deserve to be happy?

"Delia, hindi ako tumigil na maging kaibigan mo. Hindi ko lang napaparamdam sayo pero hindi ako tumigil. Hangang sa namalayan ko nalang... na sa bawat simpleng bagay na ginagawa mo nang hindi mo napapansin, kapag nagco-concentrate ka sa pagbabasa, o malalim ang ini-isip mo, kapag naghihintay ka, o nagkikipag usap sa ibang kaibigan mo, kahit na tumatawa ka at hindi ako ang dahilan, namalayan ko nalang na habang nakikita ko na ginagawa mo ang mga yon araw araw, at hindi kita kayang lapitan, doon ako unti unting nahuhulog sayo."

Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. Micko, I want to want you. I really do. Kung sana— kung sana ganoon lang kadali ang lahat.

***

Author's Note:

It's #TeamMicko for this chapter.

Btw thank you sa mga song suggestions sa previous chapter. You will see some of the songs suggested in the next chapters. Song for this chapter is Out of My League by Stephen Speaks. It's a song for Micko and Delia.

Hindi ko pa alam kung ilang chapters nalang ang story. But this will have at least 30 chapters. And hopefully the next chapters will be longer.

See you sa next update!
@april_avery

Official twitter hashtag: #TJIAG

The Jerk is a GhostWhere stories live. Discover now