Thr Rhythm Of Your Heartbeats

27 0 0
                                    


Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga sandaling ito. Halo halo lahat. Galit, sakit, pagkadismaya- hindi ko alam!

Galit akong lumabas ng Ospital. Mabilis ang paghinga ko habang tinatahak ang daan palabas. Pahigpit ng pahigpit ang kapit ko sa aking bag. Pinunasan ko ang mga luhang patuloy na bumubuhos sa mata ko. Kung kailan ako naubos ng husto saka ko pa malalaman ang lahat! Kung kailan hinang hina na ako saka pa 'to dumagdag!

Ni hindi ko alam kung saan ako pupunta o ano ang gagawin ko. Wala ng kahit na ano ang pumapasok sa isip ko ngayon. Basta ang gusto ko nalang mangyari ngayon ay makalayo sa lahat! Sa lahat ng sakit na naramdaman ko ngayon. Gusto ko nalang mawala ng parang bula. Gusto kong tumakbo sa lugar kung saan payapa, sa lugar na makakahanp ako ng kaginhawaan.

"Anak..."

"D-dad-"

Mas lalong bumuhos ang luha ko ng maaalala ko na naman ang pangyayaring 'yun. Palakas ng palakas ang hikbi ko at wala na akong pakialam kung pinagtitinginan na ako ng mga tao dito. Basang basa na din ang t-shirt na suot ko dahil sa mga luha kong walang tigil sa pag-agos.

Ang sakit. Sobra!

"Stella, sandali!"

Mas lalo kong binilisan ang lakad ko ng marinig ko ang boses niya. Ayoko. Ayoko siyang makausap! Ayoko siyang harapin! Ni hindi ko na matignan ng diretsahan ang mga mata niya. Sa mata niyang unang nagustuhan ko sakaniya.

"Stella!"

Kumapit ako lalo ng mahigpit sa bag ko ng maramdaman kong may isang kamay ang humawak sa braso ko. Parang may kung anong kuryente ang dumaloy sa braso ko nang hawakan niya ako.

Tumigil ako at patalikod na binawi ang braso ko. Pwede bang h'wag muna ngayon? Pagod na pagod na ako 'e. Hindi ko alam kung kakayanin ko pang makipag-usap sakaniya ngayon.

"H'wag mo 'kong hawakan" malamig kong sabi sakaniya. Ang bigat sa dibdib ko ay mas lalo lang nadagdagan.

"Stella, please let's talk"

"Wala na tayong pag-uusapan" ni hindi ko alam kung para saan pa kung maguusap kaming dalawa. Kung ano 'yung nakita ko kanina, 'yun na 'yun.

"Stella, I'm sorry. Please let me explain-" napatigil siya ng bigla akong humarap sakaniya. Bumuntong hininga ako ng sumalubong sa 'kin ang pares ng mga mata niyang kulay kayumanggi. Medyo natigilan pa ako ng makita kong namumula ang mga ito.

"Para saan pa, Oliver!" sigaw ko. Napalunok siya bago yumuko. Huminga siya ng malalim bago ulit ako tinignan.

"Kasi ako?" tinuro ko ang sarili ko, "Wala akong nakikitang rason kung bakit kinakailangan pa na 'ting mag usap!"

"Stella-"

Tinaas ko ang kamay ko sa harap niya, signaling him to stop. T'wing naiisip ko ang nangyari kanina ay para akong sinaksak ng kutsilyo ng maraming beses. Suminghot ako bago ko siya tinignan ng malamig.

Hinigpitan ko pa lalo ang pagkapit ko sa strap ng bag ko para doon kumuha ng lakas. Kasi feeling ko parang anytime bibigay na 'yung tuhod ko sa sobrang panlalambot nito.

"Ang sakit, Oliver" pagkasabi ko sa mga salitang 'yun ay muli na namang bumuhos ang mga luha ko. Pumikit ulit ako at marahas na pinunasan ang mata ko.

"I'm sorry..."

"Alam mo na noon pa. Noon ko pa siya hinahanap. Alam mo na noon pa man ay gusto ko na siyang makita. Alam mo yun, Oliver!"

Humakbang siya pero agaran ang pag atras ko sakaniya. "Diyan ka lang. H'wag kang lumapit sa 'kin"

"Stella, please"

"Kasi hindi ko maintindihan kung bakit? Bakit mo 'yun nagawa?" humikbi ako, "Bakit mo nilihim sa 'kin? Gusto ko lang naman siya makita, Oliver 'e"

"N-naghanap lang ako n-ng tamang tiyempo-" sagot niya na nagpatawa sa 'kin ng mapakla.

Tanginang tamang tiyempo yan!

"Tamang tiyempo ba kamo, Oliver? At kailan 'yang tamang tiyempo mo? Ngayon ba?-"

Marahas siyang umiling at humakbang ulit pero gaya ng ginawa ko kanina ay umatras ulit ako. Tinignan ko siya ng masama.

"H-hindi ganun 'yun"

"O edi ano!" malakas kong sigaw sa pagmumukha niya. Nakita kong natigilan siya sa paraan ng pagsigaw ko. Nakitaan ko ng matinding takot at pagsisisi ang mata niya. Lumunok ako bago nag-iwas ng tingin.

"Kasi tangina kahit anong paitindi mo sa 'kin. Hindi ko maiintindihan!"

"Hind-"

"Bakit? Natatakot ka ba na baka iwan kayo ni-" papa

Ni hindi ko matapos ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung kaya ko bang iadress 'yung tatay ko sa harap niya. Nasasaktan ako lalo.

Agaran ang pag-iling niya. Nag-iwas siya ng tingin sa 'kin bago siya suminghot. Kitang kita ko na hindi na kagaya kanina 'yung mata niya. Ngayon malinaw ko ng nakita ang pulang pula niyang mata.

Nakakapanibago. Hindi ganto 'yung pagkakakilala ko sakaniya.

"H-hindi, Stella"

"Oliver, hindi ko naman siya aagawin sa inyo 'e. Gusto ko lang naman siya makita, 'yun lang. Kahit hindi sabihin ni mama sa 'kin, alam kong may pamilya na din siya. At wala sa isip ko ang manira ng pamilya! Ang akin lang ay makita ko lang siya okay na!"

"Stella, h-hindi... I c-can't"

Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwalang sasabihin niya iyon sa harap ko!

"Tanginamo, Oliver!"hindi ko na napigilan ang sarili kong murahin siya. Lumunok siya bago yumuko. Nilagay niya ang dalawa niyang kamay sa mukha niya bago umiling ng umiling.

"All this time ginawa mo lang akong tanga. Ano? Nakakatawa ba ako, Oliver? Nakakatawa bang makita 'yung mukha kong sobrang desperadang makita 'yung tatay ko?-"

Natigilan ako ng bigla siyang tumingin sa 'kin. Sobrang pula na ng mata niya. Kitang kita ko ang sakit sa mga mata niyang nakatingin sa 'kin. Umiwas ako ng tingin ng makaramdam ako ng kakaibang kirot sa puso ko.

Ito 'yung taong kauna-unahang pinagkatiwalaan ko sa buong buhay ko. Ito 'yung taong palagi akong binibwesit sa school. Ang taong nagpapasaya sa 'kin sa mga panahong malungkot ako. Ang taong gumagawa ng paraan para lang mapagaan ang loob ko sa t'wing may problema ako. Ang taong unang hinangaan ko. Ang taong hinahayan 'kong batuhin ako ng mga cheesy na salita. Ang taong nagpapakalma sa loob ko. Ang taong unang minahal ko.

Pwede bang ibalik nalang 'yung mga panahong 'yun? 'Yung mga panahong masaya lang kaming dalawa. 'Yung mga panahong ako at siya lamang. Walang sakit, walang problema. Kaming dalawa lang.

"Hindi ganun 'yun, Stella. H-hindi ko lang k-kaya-"

"Kung hindi mo 'ko tanggap bilang-" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla siyang sumigaw.

"Hindi ko kaya, Stella! Kasi hindi ko kayang tanggapin na k-kapatid kita! Fuck!"

And for the first time. I saw one single drop of tear fell from his eye.
___________

The Rhythm Of Your HeartbeatsWhere stories live. Discover now