"Thank you po." Aniya.

"Pero kailangan dalhin sa hospital si Kira ha?" Ani ko dahilan para mapalingon sa akin si Mira.

"Wala po kami pambayad, doctora.." Naluluha niyang sabi.

"Huwag mo na alalahanin 'yun." Ani ko. "Ang mahalaga ay masuri ng mabuti si Kira."

Iniwanan ko muna si Mira para matawagan si Sheen, mabuti nalang din at kabisado ko ang numero niya.

"Sino ba 'tong tangang tumatawag ng ganitong kaaga?" Naiiritang sagot ni Sheen, matapos ng tatlong ring.

"Filmina." Ani ko.

"Potangina mo." Aniya.

Natatawa ako habang iniisip kung ano ang mukha ni Sheen ngayon.

"Si Snow 'to." Natatawa kong sabi.

"Alam mo, ikaw, panira ka ng tulog." Aniya. "Nagpalit ka ng number?"

"Hindi." Ani ko. "Nakipagpalit ng phone kagabi si Nickolas."

"HA?" Bigla niyang sigaw. "BAKIT?"

Nailayo ko bigla sa tenga ko 'yung telepono ni Nickolas.

"Narinig kasi niya na kausap ko si Hail." Ani ko. "Kaya ayun."

"Nagseselos, mare?" Usisa ni Sheen. "Ayii, ang kaibigan kong marupokpok."

"Gaga, hindi." Ani ko. "Tsaka tumawag nga pala ako para humingi ng pabor."

"Ang user mo." Aniya.

"Gago." Ani ko. "May pasyente ako dito.."

"Ganito kaaga?!" Eksahera niyang tanong.

"Patapusin mo muna ako pwede?"

"Okay."

"There's these two kids here, magkapatid.. iniwan raw ng magulang nila.." Ani ko. "Suspected dengue case ang kapatid niya, dadalhin sa Montenegro Hosp.. can you cover for it?"

"Nadala na ba?" Tanong niya.

"Inaantay pa namin ambulansya." Ani ko.

"Ako na bahala." Aniya. "Name?"

"Kira.." Ani ko. "Kira San Diego."

"Huwag ka na mag-alala diyan, ako na bahala." Ani Sheen.

"Thanks, Sheen."

"Got you always, mare." Aniya. "Pero, oo nga pala, tawagan mo si Hail mamaya pati si kuya Storm, tinatanong ka kagabi."

"I will. Thanks, Sheen." Ani ko. "Tulog ka muna ulit, Filmina Sheena."

"Potangina mo talaga. Bye."

Natatawa kong tinago sa bulsa ko ang telepono ni Nickolas.. gustuhin ko man tawagan si Hail ay hindi pwede.. malalaman ni Nickolas dahil naka-line ang phone niya.

Noong dumating na ang ambulansya ay sinamahan ko na si Mira na sumakay doon.

"Antayin mo si ate Sheen doon, Mira.. tutulungan niya kayo, okay?"

Sunod sunod na tango ang naging sagot niya.

"Salamat po, doctora." Aniya.

Noong sinarado ko ang pinto ay mabilis na silang umalis. Nagpasya din ako na umuwi muna at magpalit ng damit.

Pagdating ko sa bahay ni Kapitan ay isang galit na Nickolas ang sumalubong sa akin. Napakunot noo ako noong walang sabi sabi niya akong hinila palabas ulit.

"Saan ka ba nagpupunta?!" Naiinis niyang tanong. "Bakit ba umaalis ka ng walang paalam?!"

"Naglakad lakad lang ako." Mahinahon kong wika.

Montenegro #2: The Way She Chose MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon