chapter 8

139 11 0
                                    

Kinabukasan ay maaga akong nagising kaya naman maaga rin akong nakapaghanda para mamaya.

"Ang aga mo ma'am Snow.." Ani ate Marlyn. "Hindi pa po kami nakakaluto ng almusal."

"Good morning po." Bati ko. "Okay lang po, sa labas lang po ako."

Hinayaan naman nila akong lumabas, naglakad lakad muna ako kasi sobrang lamig ng hangin.. hindi kagaya ng sa City ka nakatira, puro usok nalang tapos sobrang init pa.

Naalala ko nung mga panahon na umuwi ako sa probinsya namin.. noong pinili kong umuwi na muna pansamantala.. na isa sa mga kaibigan sa metro ay hindi ko man lang nasabihan kung ano ba talaga ang naging problema.

Pero malaki pa rin ang pasasalamat ko na hindi ko sila nahila pababa.. natutuwa akong makita na kung anong pinangarap nila noon ay unti unti nilang natupad.

"Ate ganda." Napalingon ako sa batang humihila sa damit ko. "Bago ka po rito? Doctor po kayo?"

"Hmm, oo." Ani ko at tinitigan siya. "May problema ba?"

"Tulungan niyo po kapatid ko.." Aniya. ".. nagmamakaawa po ako.. hindi po niya ako pwedeng iwanan."

Napakunot noo ako, "Anong problema? Nasaan siya?"

"Nandoon po."

May tinuro siyang maliit na barong barong. Mas lalo akong napakunot noo, bakit nandoon silang magkapatid?

Hinayaan kong hilahin ako ng bata, halos madurog ang puso ko noong makita ko kung anong hitsura ng tinitirhan nilang magkapatid.

"Nasaan magulang ninyo?" Tanong ko habang tinitingnan iyong kapatid niya.

"Hindi ko po alam.." Aniya. ".. iniwanan po kami rito."

Noong mahawakan ko ang kapatid niya ay sobrang init nito.. hindi na ako nagdalawang isip at binuhat na ito.

"Samahan mo ako sa covered court." Ani ko.

Wala pang ilang minuto ay nakarating na kami doon sa covered court, mabuti nalang ay may iilan ng tao roon para tulungan ako sa pagbubuhat.

Mabilis kong sinuri iyong bata, hindi ko na namalayan 'yung oras dahil naging busy ako sa pagsusuri sa bata.

Hindi ko na hinayaan na magtagal pa rito ang bata kaya tinawagan ko na si Rare para magpadala ng ambulansya rito.. hindi maganda ang lagay ng bata, I'm suspecting her to have dengue.

Pero naalala ko na nagpalit nga pala kami ng telepono ni Nickolas kagabi. Sasagutin naman siguro ni Rare ang tawag ko? Pero bakit may number sa personal phone ni Nickolas si Rare?

"Good morning, Nickolas." Bati ni Rare sa kanilang linya.

"Rare, this is Snow." Ani ko noong sinagot niya ang tawag. "Can you please send ambulance here?"

"Oh, hi. Good morning, doctora Snow." Aniya. "I will."

"She has fever for days now. May skin rashes din, and mild bleeding of gums." Ani ko. "Please run some test, tapos update me."

"I will, doctora." Ani Rare. "Please, take care there, okay?"

"I will, you too."

Pagkababa ko ng telepono ko ay agad kong binalikan sina Mira at Kira. Kita ko kung paano alagaan ni Mira si Kira, at hindi kaya ng puso ko na makita na nahihirapan silang pareho.

"Doctora, magiging okay po ba ang kapatid ko?" Inosenteng tanong ni Mira.

"Oo naman." Ani ko at tinabihan si Mira.

"Hindi ko po kasi kakayanin kapag nawala sa akin si Kira, doctora."

"Hindi mangyayari 'yun, Mira." Ani ko at hinaplos ang buhok niya. "Malakas si Kira, kasi nakikita kong kahit nahihirapan siya'y lumalaban pa rin."

Montenegro #2: The Way She Chose MeOnde histórias criam vida. Descubra agora