Madami silang tinatanong sa amin and we both answered properly. Until it was our time to go home, kasi jetlag kami eh.

When we are on the exit door, I look around. I smiled when I just realized I missed my home. The place where I was born. The place where my family and friends exists.

Unti-unting nawawala iyong ngiti ko dahil may isa akong nakitang taong ayaw ko pang makita.

Seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa akin.

Unti-unting kumabog iyong dibdib ko dahil sa kaba ko.

Mabilis kong iniwas ang tingin sakanya nang maramdaman kong niyakap ni Gio ang beywang ko.

"Magta-taxi nalang tayo siguro 'no?" Tanong ko kay Gio.

He smiled at me. "Okay, if that's what my girlfriend wants."

"Hmmm?" Akma ko siyang hahalikan nang may kamay na lumapat sa labi ko. Nanlaki ang mga mata ko saka tumingin sa gilid ng mata ko.

I cursed many times in my mind before standing straight.

I felt my boyfriend's hand on my waist. Bumaba ang tingin ng taong iyon sa kamay ng boyfriend na nasa baywang ko saka umangat ang tingin sa akin, sa amin. Bago pa siya makapagsalita ay ako na ang nangunang magsalita.

"Hi bestfriend!" I'm faking my smile. "How are you, bestfriend? Long time no see!"

He smiled but it was a sarcastic smile, I can tell. He still didn't changed, same habit but different body. He's now more masculine this time and became taller.  "Hi, bestfriend..." Dahan-dahang bumaling ang tingin niya sa boyfriend ko. "And you are?"

"Her boyfriend." Ani ng boyfriend ko saka ako hinalikan sa gilid ng ulo ko habang nakayakap siya sa baywang ko.

I'm smiling at Ford, but he also smiled and it was fake again.

Parang kinakabahan ako kaya yumakap narin ako sa baywang ng boyfriend ko. "Let's go?" I asked him then he nodded.

Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi na nagsalita pa si Ford pero laking gulat ko nang humarang siya sa amin.

"Ano ba?" Inis na tanong ko sakanya.

Tumaas lang iyong sulok ng labi niya. "Well, tita Blythe and tito Vin told me to fetch you Beil, and your boyfriend." Diniinan niya iyong salitang boyfriend.

"Sure ka?" Tinaasan ko siya ng kilay.

Tumango siya pero parang hindi naman seryoso. Bahala na nga! "Bestfriend, pakikuha naman iyong maleta namin ng boyfriend ko oh. Tapos ilagay mo sa compartment niyang kotse mo. Total ikaw naman na ang driver namin."

He smiled but it was his smile when he's pissed.

Ngumiti ako, nakakaganang asarin siya.

"Okay, but first you go inside..." Pinagbuksan niya ako ng pinto saka ako umupo sa isang side.

Tatawagin ko pa sana si Gio nang nakita ko siyang nakakunot noo na ngayo'y nasa harapan ni Ford.

Nang marinig ko ang sinabi ni Gio kay Ford dahilan para manigas ako sa kinauupuan ko. "I know you knew that she loves you but you wasted it."

"Yeah. I knew..." Hindi na ako nakinig, itinuon ko nalang ang aking mga mata sa kabilang bintana.

He knew it. Alam niya naman pala, hindi niya man lang ako kinausap tungkol doon, hindi man lang niya alam na nasasaktan ako.

Nang bumukas iyong pinto ng passenger's seat at back seat ay mabilis kong pinunasan ang kaunting luha galing sa mga mata ko.

"Okay ka lang?" Tanong ni Gio.

"Beil? Okay ka lang?" Tanong ni Ford. All I have to do is to nod.

"Okay lang ako. Tara na." Tango ang ginawa ni Ford saka expertong minaneho ang kotse pauwi sa amin.

Ipinatong ko iyong ulo ko sa balikat niya at hinawakan ko iyong kamay niya saka tuminghala kay Gio. "Are you ready to meet my family in person?"

Ngumiti siya pero may halong kaba sa mga mata niya. "I'm nervous." He whispered and I can't help but to laugh.

"You don't have to be nervous, Gio. My family will like you."

"Ay, oo. Mabait sina tito at tita kaya nga noong bata palang ako ay gustong-gusto nila ako dahil guwapo ako at saka inaalagaan nila ako ng husto dahil para rin raw ako sa segundang babaeng anak nila kaya gusto ko rin silang maging magulang dahil ang bait nila."

Paulit-ulit iyong nagrereplay sa utak ko kaya napatunganga nalang ako.

Beil Vida Hutton (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt