46: REGRESSION

11 4 0
                                        

"REGRESSION"

"Ayoko na sayo!"sabi ni Davin nang makapasok ako sa kwarto. Agad napakunot ang noo ko.

"Oh bakit na naman?"tanong ko saka umupo sa higaan niya kung saan din siya nakaupo ngayon.

"Sabi ni nana hindi mo na ako lab,"sabi siya saka nag-pout. I smiled nonchalantly.

"Kelan sinabi yan ni nana?"pinipigil ko pa ding tumawa dahil mukhang tinotoyo na naman siya.

"Kahapon,"nakatingin pa din siya sa pader. Malamang niloloko lang siya ng nana niya. Yun yung nagaalaga sa kanya since busy ang parents niya.

This time hindi ko na napigilan ang sarili kong tumawa kaya lumingon siya sakin.

"Wala namang nakakatawa ah!"asik niya na mas lalong nagpatawa sa akin.

"Ang cute mo,"sabi ko habang tumatawa.

"Althea naman e!"parang iiyak at magmamaktol na siya sa sinabi ko.

"Oh bakit?Hindi naman masama ang sinabi ko,"

"Inaasar mo lang ako!Isusumbong kita kay mommy!"he said so I burst in laughter again.

"At anong sasabihin mo?"

"Na..na ano...niaaway mo ako. Di na tayo bati Thea,"he said then bury his head on the pillow.

Natigil naman ako sa pagtawa. "Sorry na Davin. Nakukyutan lang naman talaga ako sayo,"hindi pa din siya sumasagot.

"Ice cream?"

Inangat niya ang mukha niya saka ngumiti. "Chocolate?"nakangiting tanong niya.

Tinanguan ko siya kaya tumayo na agad siya at lumabas ng kwarto niya. Naka pajamas pa nga siya.

Agad ko siyang sinundan. "Hindi ka pa nagpapalit ng damit,"paalala ko.

"Cute naman ako kahit anong isuot ko diba?"sabi niya saka nagpacute sa harap ko.

I blushed. "Oo na."sagot ko saka humagikhik siya.

"I was supposed to be your girlfriend not a babysitter,"sabi ko habang naglalakad.

"But you love me anyways,"

Funny but yeah, I do.

---

Note: Regression is a psychological defense mechanism where an individual reverts to behaviors characteristic of an earlier stage of development in response to stress, anxiety, or trauma. This coping strategy allows individuals to escape from the pressures of adult responsibilities or emotional challenges by adopting simpler, more childlike behaviors.

Random OneshotsWhere stories live. Discover now