Biglang tumunog ang phone ni Felix paika-ikang lumapit si Felix sa side table. Isang text galing kay Sarah 'hello Felix, you left your bag at school, me and Alvin are on our way to your house, see you later. And I know na mahirap tanggapin ang nangyari but always remember that you still have me and Alvin.' Felix frowned, ina-alaala ni Felix ang mga notes na natanggap nya kay S.

Mga maiigsing quotes na halatang galing sa google, ang pagkakakilala ko kay Sarah ay ito ay hindi mahilig kumuha ng mga quotes sa google o kung kukuha man siya ng quote sa google siguradong maglalagay siya ng pangalan kung kanino ito nanggaling, hindi katulad ni S na hindi mahilig maglagay ng name. Saka mahilig mag-joke si S, ni kailanman ay hindi ko pa napapakinggan si Sarah na mag-joke at karamihan sa mga note ay nakasulat sa tagalog samantalang si Sarah ay mahilig mag-english kapag nagt-text.

Sa sulat pa lang at context ng mga note ay isang tao lang ang kilala niya na may ganitong personality. "Sam, bakit ngayon ko lang napansin."

'Tok! Tok!' pagkatok ng katulong. "Sir nandito po ang mga kaibigan n'yo hinahanap po kayo."

Felix closed his eyes, and when he opened them again, his eyes were sharp "let them in."

Mayamaya lang ay nakarinig si Felix ng mga yapak mula sa pinto at bumukas na ito, isang malumanay na boses ang kanyang narinig. "Felix, ito ang bag mo," Felix turned his gaze to the door, and there she was, Sarah with a sweet face. Lumapit si Felix sa puwesto nila, halata sa bawat kilos ni Felix na may sakit siyang iniinda. "Are you okay?" Sarah asked.

Nabigla na lang ang lahat nang biglang tinulak ni Felix si Sarah. Dahil sa sobrang lakas nito ay napatumba si Sarah sa sahig at kanyang nabitawan ang hawak nyang bag. "Felix! Anong ginagawa mo?! Babae 'yan!" Alvin yelled at Felix, susugod pa sana si Felix kay Sarah pero hinarangan naman siya ni Alvin. "Felix!"

Dahil sa ingay na nagawa nila ay napatakbo ang ama ni Felix at ang iba pang mga katulong. Tinulungan ni Mr. Nathan na makatayo si Sarah. "What happened?" takang tanong ni Mr. Nathan.

Hindi pinakinggan ni Felix ang mga nakapaligid sa kanya at pilit pa ring kumakawala kay Alvin, dinuro ni Felix si Sarah. " 'Di ba sinabihan na kita! Sinabihan na kita! Nahuwag mo nang uulitin 'to! pero anong ginawa mo, niloko mo na naman ako!"

"JF?!" sigaw ni Mr. Nathan.

"Sino si S?! Sino!" pagpapatuloy ni Felix.

"Halika na iha," pag-aaya ni manang Flora kay Sarah na umalis doon pero nanatili pa ring nakatayo doon si Sarah at mata sa matang tinitigan si Felix. "If you already knew the answer, why are you still asking?" This was a statement, not a question.

Hinila na ni manang Flora si Sarah at inakay siya palabas ng bahay. Tumingin nang masama si Alvin kay Felix. "Hindi kita maintindihan pare eh, kung masama ang loob mo na umalis si Sam, wala ka pa ring karapatan na saktan si Sarah at ibaling ang galit sa kanya."

"Wala kang alam sa nangyayari kaya mo nasasabi 'yan, kung ikaw ang nasa posisyon ko magagalit ka rin." Pabalyang sinara ni Felix ang pinto at binuksan naman ito ng ama ni Felix at pumasok sa loob. Mula sa labas ay rinig na rinig ang pagbulyaw ni Mr. Nathan sa kanyang anak.

Sumunod na si Alvin kay Sarah, mula sa labas ng gate ay tanaw ni Alvin si Sarah na kinakausap ni manang Flora. Lumapit na si Alvin sa dalawa at pinaubaya na ni manang si Sarah kay Alvin.

Walang emosyong nakatingin si Sarah sa kalsada, naghihintay sila ngayon ng sundo. May nilahad namang panyo si Alvin kay Sarah. Sarah refuses to accept it, pero nanatili pa ring nakalahad ang kamay ni Alvin. "Alam mo mas ayos na ilabas ang tunay nararamdaman kaysa itago, kasi kapag kinipkip mo 'yan mapupuno lang 'yan nang mapupuno hanggang sumabog."

At doon ay may isang luha na tumakas sa mata ni Sarah agad itong pinahid ni Sarah. Sarah looked up, sinusibukan nyang pigilan ang mga tumatakas na luha pero tuluyan na itong umagos. Wala sa loob na tinanggap ni Sarah ang panyo, ilang minuto din ay tumahan na si Sarah. Dito, ay umimik na si Alvin. "Ano bang nangyari?"

"Narinig mo naman ang sinabi ni Felix, niloko ko siya," Sarah spoke in a heavy, deep voice that contrasted sharply with her sweet voice.

Hindi makapaniwalang tumingin si Alvin kay Sarah. "Bakit? Kayo na ba? As in magjowa?"

Sarah laughed lightly, pero nawala din ito kaagad. "Sana nga eh, sana nga naging kami pero hindi."

Alvin shook his head. "Hindi ko kayo talaga maintindihan ang komplikado n'yong lahat. Bakit ba kayong mga babae ay nagkakagusto sa gaya ni Felix? Dahil guwapo? Mayaman, cool? Pero tingnan mo nga ang ginawa sa 'yo. 'Yan kasi ang hirap sa inyo ang hilig n'yong tumingin sa labas na anyo ayaw n'yong tingnan ang personality."

Sarah looked at Alvin for some reason tila gumaan na ang loob nya.

"Saka ilang taon ka lang? 18!" pagpapatuloy ni Alvin. "I-enjoy n'yo muna ang kabataan n'yo, hindi 'yong ini-stress n'yo ang sarili n'yo sa paghahanap ng love life, mahalin n'yo muna ang sarili n'yo, mahaba pa naman ang oras."

Sarah lowered her gaze, ngayon nya lang napagtanto na all this time hindi ko pa minamahal ang sarili ko.

"Kung ano man 'yang pinag-awayan n'yo, ayusin n'yo 'yan. Hindi man halata sa 'kin pero ayokong masira 'to. Mahalaga sa 'kin ang SFAJS, kayo ang una kong naging kaibigan at gusto ko rin kayong maging kaibigan hanggang dulo."

"Opo, tay," Sarah jokingly stated.

"Nagj-joke ka na ngayon?" Alvin asked, clearly surprised.

Sarah averted her gaze and cleared her throat, embarrassed by what she had just said.

Sarah averted her gaze and cleared her throat, embarrassed by what she had just said

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
SHE IS NOT A TOMBOYWhere stories live. Discover now