6- Ás Âlwäys

25 4 0
                                    

Aeyo

---

Isang linggo na ang nakakalipas nang mangyari ang surprise sambunot ni Red sa akin, mygad mga besh, masakit siya pramis, kay gandang bakla pero may sa unggoy ata ang lola niyo, char hehehe.....pero kung tatanungin niyo ako kung galit ako sa kanya, my answer is NO with capital N and O, kase alam ko naman yung feeling na magselos kaso iba nga lang talaga siya mag-react guys, nakakatacute hehehe.....

"SG, mag-ready na kayo! Kailangan eksaktong 8:00 ay nasa Zucci Company na tayo kasi pipili pa kayo ng mga imomodel niyong clothes and bags, after that, dederetso tayo sa studio para sa rehearsal niyo ulit kasi nira-rush na ni Direk ang paggawa ng bagong single okay, Move!" biglang bungad ni Manager kaya wala akong choice kung di magmadali.....

---

Hayyyyy.....mga guys bakit ganun?, nagpose lang at nagpalit ang ginawa namin, bakit ang pagod sobra, nakakadrain ng dugo pati mga cells ko ata natuyo na.....

Tapos ngayon papunta kami sa studio for rehearsal, jusko goodluck nalang talaga sa katawang lupa ko.....

---

Hayyyyyy..... Tenkyu lorddd at natapos rin ang pahirap ng mundo, kaya ko pa ba? Maybe.

Pagkapasok namin ng penthouse ay para kaming lantang talbos na kulang sa wisik.....

Sinalubong ni Spenzer si Glen, at ganun rin ang ginawa ng iba sa kanilang mga bebe, hayyyyy lalo akong pinanghina sa aking mga nakikita frend, nasan na ba si 'for me' antagal namang dumating, saan ba siya dumaan, sa edsa?

"Ta-e, inggit ka no? Hehehe..... Magkakaroon ka din hindi ngalang sigurado hahaha...." pang-aasar na pabulong ni Calid bago tuluyang alalayan si Yuri papasok.....tss.....ala akong pake, di sila na ang may bebe at ako'y wala, as if naman makakain ko yan.....

---

Kringggggg...........

Umaga na naman mga besh, panibagong araw at panibagong kahihiyan na naman for sure ang nag-aabang for me, kasi guys friday ngayon, at kapag friday may high episode kami, at kapag may high five episode for sure magte-trending na naman ako kasi iisipin ng mga shippers at fans ng GlenZer, JonRed, MauRo, MauRenz at CalRi na pa-epal ako sa loveteam na binubuo nila at nilalandi ko ang mga leading man nila, tsk..... mga threatened sa beauty ko char.....

Pagkalabas ko ng aking kuwarto ay dumaretso na ako sa sala kung saan ang ako nalang pala ang kulang, hehehe..... special ka gurl? Sorry di naman kasi ako na-inform kaylang maaga palang gumising

"SG, Boys, since nandito na lahat, ang concept natin for today's high five episode ay something crazy, kaya magsuot kayo ng mga damit na nakakatuwa, okay" pag-orient ni madam sa amin para sa episode ngayon.....

Something crazy? Mygad mag loloka-lokahan ba ako, ay bet, keri ko yan, dahil matagal na akong loka-loka ahahaha......

---

Pagkarating namin sa studio ay dumaretso na agad kami sa dressing room para mag-transform.....

"Halo Guys! It's Us, the Stargays together with E Boyz, and for today's episode ang gagawin ay something crazy kaya get ready coz we will make you laugh harder, hahaha..... so without further a do let's get it on...." bungad ni Glen sa mga live viewers, at pagkatapos nun ay ginawa ng nga namin ang something crazy na pagganap today......

Mygad mga besh, hindi ako na-inform na manonood pala kami ngayon ng mga video na nakakatawa habang puno ng tubig ang bibig sabay may water bomb pang pagganap, ang rules kasi pagnatawa ka, sasabog ang mga tubig sa taas ng ulo namin, jusko dai,  kawawa talaga sa akin itong mga kasama ko, sori agad, madaling matawa ang lola niyo e hahaha......

The Lonely Star (BXB)Where stories live. Discover now