1- It's Me 'Aeyo'

78 4 0
                                    

Aeyo

---

"Kairo, may ka-partner ka na ba?" tanong ko sa kaharap ko ngayon na parang walang naman pakialam at mainit na naman ang ulo, tss..... palibhasa hindi siya ang pinili ni Maui na maging kapatner.....

"May nakita ka bang kasama ko?, diba wala! so, meaning wala pa, idiot" pasupladong sagot nito at talagang may pahabol pang idiot, tss..... kung hindi ko lang ito crush, jusko baka nabatukan ko na ito.....

"Guys!, Malapit na mag-start!, Get ready!, Okay!" sigaw sa amin ni direk.....

"Okay po Direk!" sabay naming sagot.....

"Magsama na ang magka-partner and Maui ikaw ang mauunang mag-greet, okay?" utos ni Direk.....

"Yes po Direk" sagot naman ni Maui, hay, iba talaga pag maganda, sanaol laging first.....

"Hi Mauination!, Hi Stargazers, at sa lahat ng nanonood live!, it's me your Queen Maui and for today's High Five episode ang gagawin namin ay Find Something_____ Challenge, and as you can see mayroon kaming mga ka-partner at kung sino man sa amin ang may pinakamaraming mahanap ay siyang tatanghaling panalo.....

At matapos ngang ipaliwanag ni Maui ang laro ay nag-umpisa na kami.....

"Kairo, galingan mo ha, kailangan manalo tayo" sabi ko dito sa katabi ko na parang tuod, wala yatang balak gumalaw

"Tsk" Hay, ano pa nga bang aasahan kong sagot, bala na nga, basta manalo matalo cute pa rin ako hehehe.....

---

"And the winner is Team GlenZer!" at yun na nga, dahil sa ako lang ang gumalaw sa team namin kuno ni Kairo, sina Glen at Spenzer ang nanalo, hay sanaol talaga best couple...

"Hahaha.....Ano na Ta-e! kulilat na naman kayo hehehe" biglang sulpot ng ulupong na si Calid sa tabi ko, at yuck! nandiyan na naman siya sa katatawag niya sa akin ng Ta-e, mukha daw kasi akong natatae kapag tumatawa, tss..... kahit kailan talaga trip akong pagtripan nito e.....

"Hoy Calid! Ako tigil-tigilan mo ha! Ano naman kung talo kami atleast cute pa rin ako, eh ikaw nga, ang tagal-tagal mo na ngang dumadamoves kay Yuri pero Wa-effect pa rin, hahaha" ganting pang-aasar ko sa kanya, totoo naman kasi na may gusto siya kay Yuri, pero itong si Yuri my friend ay sobrang manhid,
sanaol may nagpaparamdam.....

"Tsk, bakit, ikaw ba pinapansin ka man lang ba ni Kairo, diba hindi, Ouch! mas masakit yun! hahaha" at talagang sumusobra na'to ah.....

"Tseh, atleast ako hindi umaasa pero ikaw, ASADONG-ASADO ka boi, Hoy! itigil mo yan, ikaw rin baka ma-HOPIA ka rin sa huli hahaha" huling hirit kong asar sa kanya sabay lapit sa aking P.A para magpakuha ng tubig kasi kanina pa talaga ako nauuhaw.....

Oh! Before I forgot, Hi guys, Ako nga pala si Angelo, Aeyo for short, medyo matangkad, medyo maputi, medyo maganda, pero overall cute naman, char hehehe.....

I am the fifth member of Stargays, ang pinakasikat na gay band group sa bansa. I have no specific talent, kung ano lang ang mapag-aralan ko yun lang gagawin ko, kaya nga I serve as the sub or extra sa aming grupo, in short, tamang taga-supporta lang ako hehehe..... Pero don't worry, okay lang sa akin yun atleast cute pa rin ako hehehe.....

"Hoy! Ta-e! Ikaw na raw! Ano pang tinutunga-tunganga mo diyan!? Hahaha, drugs pa!" biglang singit ng impakto sa harap ko, kitang nag-iintroduce pa yung tao, apakabastos talaga.....

"Aeyo lutang ka na naman, ikaw na ang sunod, go na" ani Red na mukhang iritang-irita na naman, kulang kalang sa dilig girl.....

"Oo na, ito na nga, pupunta na, kayo naman dina nasanay hehehe" .....

---

Nandito na kami ngayon sa penthouse na tinitirhan naming lahat, sobrang pagod, andami kasi naming ginawa para sa isang episode ng High Five.....

"Hay! Sa wakas, natapos rin, ang pagod" ani ko sabay bagsak ng katawan ko sa sofa, nakita ko si Calid na may dalang tubig papalapit sa akin, hay buti naman naisipan niya akong bigyan, apaka sweet " Thank you" pagpapasalamat ko sa kanya habang nilalahad ang aking kamay kaso ang loko nilampasan ako, Ay, ang chaka ko sa part na yun, nasa likod ko pala si Yuri mga besh.....

"Asa ka" bulong ng demonyong Calid sabay bungingis at abot kay Yuri ng tubig na binuksan pa talaga niya, apaka-gentleman kay Yuri, pero sa akin apaka-balasubas, tss, may araw ka rin

Nakita at napakinggan pala ng lahat ang nangyari kaya ayan pinagtatawanan na naman ako ng mga alien maliban kay Kairo na abala sa katitig kay Maui na parang ito lang ang nakikita, medyo sumakit namin ang upper lungs ko dun ng very very light......

"Tseh, ako ay tigil-tigilan niyo ha, kung di mababaog kayong lahat, lalo ka na!" angal ko sabay turo kay Calid na tawa pa rin ng tawa, tawang-tawa sa kalokohan niya.....

"Anyway guys, ano nga pala susuotin niyo bukas for award nights, meron na ba kayo?" biglang singit ni Glen sa tawanan

"Wala pa" sabay na sagot namin nina Red at Yuri

"Don't worry ako ng bahala sa inyo, may naisip na akong bagay sa inyong tatlo, ikaw Maui meron ka na ba?" excited na sagot niya sabay baling kay Maui na abala sa kanyang mga boylets, Yes mga, kasi ang haba ng buhok niya mga frend, pinag-aagawan lang naman siya ni Kairo mylab at Renzo the Leader, apaka gandang nilalang.....

"Yah, hehehe, binili kasi ako nitong dalawa, hindi ko nga alam kung anong susuotin ko e" anito habang tumatawa kasi kinukulit na naman siya ng dalawang unggoy

"Sanaol" chorus naming puri nina Red at Yuri habang kinikilig ako, kaso itong dalawa mukhang may pinaparinggan at ang aasim ng mukha parang datu puti, eh ako tamang taga-sanaol lang, hehehe

"Sorry na babe, Glen ako ng bahala sa baby ko, nalimutan ko lang siyang bilhan kahapon pero don't worry on the way na yung inorder ko" panunuyo ni Jonas kay Red na di mapinta ang mukha, sanaol sinusuyo kapag nagtatampo, sanaol talaga may sumusuyo in general.

"Ako rin Glen, ako ng bahala kay Yuri myloves" ani naman ng ulupong na si Calid na may pakindat pa talaga, ang laswa naman

"Myloves daw, eh hindi naman siya loves, hindi nga siya napapansin kahit panay ang da moves hehehe" parinig ko sa ulupong.....at nagtawanan naman ang lahat, pahiya ang lolo niyo.....

"Hahaha, bakit nga ba hindi mo pinapansin at sinasagot yang si Calid, Yuri?" natatawang tanong ni Spenzer kay Yuri habang naka-akbay sa kanyang bebe.....

"Ah eh, kasi I' m not ready pa e" pabebeng sagot ni Yuri kay Spenzer na lalong ikinaasar ni Calid, sus, pabebe din itong bestfriend ko e, kunwari walang gusto kay Calid pero kung maka-emote kanina kala mo sila na, apaka haharot

"Hoy! Ta-e!, huwag kang tatawa-tawa diyan, palibhasa inggit kalang kase walang bibili sayong damit hahaha" ay grabe talaga tong kumag na to sa akin, hindi naman masaket, bleh.....

"Tseh, I don't care, ililibre naman ako ni Glen, di ba Glen?"

"Yah, hehehe"sagot niya sabay lapit sa akin para tingnan kung ano daw size ng katawan ko, at tanungin kong ano daw gusto ko, maikling pambaba o mahaba, siyempre pinili ko mahaba hehehe.....

Next>>>>>

The Lonely Star (BXB)Where stories live. Discover now