"Buti nakaalis ka, Dindin! Ano? Papasa na bang superman si kuya, Dindin-"

"Gago ka-"

"Haguy. Ang baba."

My eyes widened a bit when I saw an old woman coming out from the living area. Nakablusa siyang beige ang kulay at mahabang palda. Nagtama ang paningin namin at bibigyan ko na sana siya ng ngiti nang balingan niya si Esme.

"Siya ba iyong Claudine, Esme?" 

And she knows me. I'm quite famous here, huh?

"Ah, opo, La. Claudine, si Lola Asyon nga pala." 

Yumuko ako ng kaunti at inabot ang kamay ng matanda para magmano. Ang tigas pa ng kamay niya na tila ba ayaw akong pahawakin. Hmm. Attitude.

"Magandang umaga po, Lola Asyon." magalang kong bati.

"Ilang taon ka na?"

I stood properly. I admit I was a bit uncomfortable. She looked intimidating.

"21 po."

Her chinky eyes got smaller as she narrows it. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Pamangkin ka raw ni Edna?"

"Opo."

"Oh, eh bakit narito ka? May kamag-anak ka naman pala rito, bakit narito ka sa hindi mo naman kadugo?" seryoso niyang tanong.

Tila nabarahan ang lalamunan ko nang marinig si Lola Asyon. Hindi ako nakapagsalita. Hindi naman siya tunog nang-iinsulto o ano pero natamaan ako sa sinabi niya! Ano nga ba ang ginagawa ko rito gayong pwede naman ako doon kina Aunti Edna manatili?

"Pumunta na ho siya roon La. Kaya lang kinuha ni Jason ang mga gamit niya. Natural na natakot si Claudine kaya tumakbo. Nakita ko siya sa dalampasigan at nang malaman ko ang nangyari, hindi na ako nag-atubiling alukin siya ng matutuluyan. Ayos lang din naman po kay Kuya Vince, La." Esmeralda explained it for me.

Nilingon ko si Esme at binigyan niya ako ng ngiti. Kahit na napahiya, I was slightly relieved because of her words.

"Ganoon ba? Pasensya ka na hija at hindi ko alam. Ang sabi kase sa chismis, narito ka raw para kay Vince." 

Tipid akong umiling. Chismis, huh? 

"Si Vincent, nasaan?" the old woman asked me.

"Binalikan po ang niyog at ang halaman. Narito na po iyon maya-maya." I answered in a monotone.

"Maupo po muna kayo rito, La." iminuwestra ni Esme ang isa sa dalawang puting rocking chairs. "Ibabalik ko lang itong walis sa loob." 

Esme looked at me meaningfully, as if urging me to come with her. Tahimik ko siyang sinundan. 

"Okay ka lang? Pasensya na kay Lola, ah. Mabait naman iyon. Protective nga lang sa amin, lalo na kay kuya." aniya nang makapasok kami.

She explained to me who Lola Asyon is in their lives. Malapit daw ito kay Vince at minsan nang naging tagapangalaga nitong bahay. Lola Asyon is also Richard's grandmother.

Nasabi rin sa akin ni Esme na galing sa kapilya ang matanda. Matapos magsimba ay dumiretso rito para bumisita.

"How old is she?"

"Ninety-two." she gave me a proud smile.

Seryoso? May umaabot pa pala sa edad na iyon? 

"Parang hindi no? Malakas pa kase si lola. Hindi rin makakalimutin. Ang sabi niya sa'kin, ang pagkain daw ng gulay ang sikreto. Hindi rin kase siya mahilig sa mga pagkaing may maraming preservatives kaya malusog parin ang pangangatawan niya hanggang ngayon." 

Make You Stay (Book 2 of You Trilogy)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum