CLOUD’s POV
“Kanina kapa nakasimangot ahh lalo kang papanget nyan ee”
“Bakit ganun? Bakit pa sya bumalik?” sabi nya habang nang-gigigil.
“Mahal kasi kayo ng mama nyo”
“Tss mahal? Pareho lang sila ni Sky ee, parehong nang-iiwan sa ere!”
Tss ikumpara ba naman ang ex at nanay?
“Sky na naman? Isang beses ko pa marinig yan sayo….”
“Ano? Tss nagseselos ka ba?” pang-aasar nya.
“Uiii nagseselos” dagdag pa nya.
“Huh? Ak-o? Tss di kita magugustuhan kahit kelan”
“Ahaha ngayon palang simulan mo nang isipin kung paano maiiluwa yang mga pinagsasasabi mo sakin huh ahaha.” Sabay lapit ng muka nya sa muka ko
Palapit ng palapit.
Bakit ganito ang pakiramdam? Di ko mapaliwanag.
Pinitik ko na lang yung noo nya para lumayo sya sakin baka mamaya di ko mapigilan ang sarili ko.
“Masakit huh!”
“Alam ko, tss bakit sinabi mo sa ex ko na gf kita?”
“Ee an-o, basta nakakainis kasi tawag ng tawag, bakit mahal mo pa?
“Suuus kapag sinabi ko yung sagot, alam kong magseselos ka lang ahaha”
Ako lang ba oh sadyang naging malungkot ang muka nya sa sinabi ko?
“Dito na ko, salamat huh!” sabi nya at nagmadaling bumaba sa kotse.
“Hoyyy hintayin mo ko sabay na tayo!!!” sigaw ko, pero malayo na sya.
Ano bang problema nya?
May nasabi ba ako na di nya nagustuhan?
Hiraaap talaga ispellingin ng mga babae.
Nagpunta na ako sa room then naupo na sa seat ko.
“May problema ba?” tanong ko sa kanya.
“Wala!” plain na sagot nya.
Susubukan ko sana sya kausapin pero bigla naman na pumasok yung teacher namin.
“Class, you will have a new classmate galing sya sa section b, please come in” sabi nya, at biglang lumabas ang mukang di ko inaasahan.
“Hi, I’m Love Miel Cruz”
“Bakit sya nandito?” tanong ni Madi sakin.
“Hindi ko alam” sabi ko habang nakatingin kay Love.
“So, Miss Cruz you can sit beside Mr.Kieth since wala pang available na ibang seat. Next week na lang natin ayusin yung sitting arrangement nyo.”
Naglakad na sya palapit sakin at naupo sa vacant seat sa tabi ko.
“Di ka makapaniwala? Ginawa ko lahat makalipat lang dito kahit malapit na yung finals.” Sabi nya.
“Pero bakit?”
“Para makausap ka at para mas mahirapan ka!”
Di ko na talaga alam kung ano ang tumatakbo sa isipan nya.
Bakit kailangan nya pa akong guluhin?
Bakit ngayon pa? Kung kelang unti unti na akong nakakalimot?
Sinubukan kong iwasan na lang sya.
“Madi, pahiram ballpen.” Rinig kong sabi ni Chelle
“Nakuuu, wala girl ee” sagot ni Madi.
“Eto oh” sabi ko, sabay abot sa kanya ng ballpen ko.
“Hindi na lang, thank you na lang!” pagmamasungit nya.
Nagkatinginan kami ni Madi, siguro naguguluhan din sya sa nangyayari kay Chelle.
“Ano bang problema mo? Pinapahiram kana nga ee magsusungit kapa..”
“Ikaw!! Ikaw ang problema ko Cloud!!!” sigaw nya
“Ano na naman yan Mr. and Ms. Keith? Hindi parin ba kayo magtitino? Go to DR now!” inis na sabi ng teacher namin.
Nauna sya sa paglabas ng room, hinabol ko sya at hinawakan ang wrist nya.
“Ano ba? Bitawan mo nga ako. Cloud ano ba nasasaktan ako!!”
“Bakit? Ano ba ang problema?”
“Wala”
“Wala? Kakasabi mo lang na ako ang problema diba?”
“Tss pabayaan mo na lang ako pwede ba?” sabi nya.
Napansin ko na may luhang pumapatak sa mata nya.
Lumapit ako sa kanya at niyakap sya.
“Anong problema? Baka matutulungan kita, tungkol parin ba ito sa pagbalik ng mama mo?”
Ramdam ko ang pag-tango nya sa dibdib ko.
“Yun lang ba talaga? Mukang may mabigat kang pinagdadaanan?”
She just nod.
“Ok lang yan nandito ako dadamayan kita.”
Nagpunta na kami sa DR pagkapasok namin ay agad syang naupo at umub-ob sa upuan.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
SILENCE
.
.
.
.
.
.
.
.
.
“Cloud, nagseseslos ako”
YOU ARE READING
Destiny and Forever
RomanceDo you still believe in DESTINY? In FOREVER? Do you still believe that there’s a one whose belongs to you? How can I find my better half? Where and When? They always say that wait for the right time and the right place but what if you...
