Maya maya, Daniella is tumahimik na. Saka, tapos na kase mag-write sa board si prof eh. That's why she can't be maingay na. Sydd make me kalbit. 

"What?" I asked. 

He's ngiting ngiti. He's mukhang tanga. "Wala, wala.."

I can't intindi him! He will kalbit me and when I look at him and ask him why, he would answer me, wala. And he's ngiting ngiti. He's nababaliw na yata. Should we go to mental na ba para I can make him pagamot there?

"Wifey.." Sydd whispered na slightly dumikit pa to me. And our braso's are bumping. There's electricity na naman. 

I looked at him with my pretzel knots noo. "Are you pinaglihi sa meralco?" I asked out of nowhere. I'm really curious about that electricity thingy kasi. 

"Ano?" Mahinang tanong niya. 

"Never mind. There's pila ng mga bingi tomorrow. You should join." I said then make tingin and focus na ulit sa prof. 

Sydd is sometimes slow talaga. Bingi pa and he's baliw pa. Bipolar. Buti pa ako, I'm a normal girl. Really. 

-

Blake POV

Tangna. Kinakabahan ako. Handa na naman ako pero bakit bigla akong natakot? Natatakot ba ako na maiiwan ko si Jewel? O natatakot ako dahil habang paubos ng paubos ang buhay ko, sumasaya siya sa piling ng iba?

"Blake, anak. Okay ka na ba?"

Tumango ako kay Mama. Kanina kasi, paggising ko. Napaubo ako at napansin kong may dugo sa palad ko. Lumalala na talaga ang sakit ko. Mamamatay na ba ako? Sana man lang..

Maparamdam ko kay Jewel ang totoong nararamdaman ko sa kanya bago ako mawala. Pwede naman 'yun 'diba? 'Yung makakasama ko siya maghapon. Ipaparamdam kong napaka-swerte ko dahil ako ang minahal niya. Countless I love you's. I will kiss and hug her until she said it's enough. Magdamag ko siyang tititigan para sa huling paglagot ng hininga ko, mukha niya ang naka-flash sa isip ko. 

Paano ko gagawin 'yun gayong galit na galit siya sa'ken? Pinaniwala ko siyang hindi ko siya mahal. Ginawa ko lang naman 'yun para kung dumating man 'yung oras na bigla akong mawala, hindi siya sobrang masaktan. Kung alam niya lang. Gusto kong bugbugin ang sarili ko nung nakita ko siyang umiyak nang dahil sa'ken. Her tears..fvck!

"Mr. Smith."

Nag-angat ako ng tingin. Ang doctor na nagmo-monitor sa kalagayan ko. Wala naman siyang sinasabi na mamamatay na ako pero cancer 'to eh! Traydor ang sakit na'to. Hindi ko alam kung makakaya kong lumaban o hindi. Dahil naniniwala naman ako na kung talagang oras mo na, mangyayari at mangyayari ang bagay na kinatatakutan natin--ang mamatay. 

Crazy Little DevilWhere stories live. Discover now