"Good afternoon, class." bati ng prof namin. Kasalukuyan akong umupo sa likod dahil medyo masama ang pakiramdam ko. Kita kong iginala niya ang mata niya, siguro ay hinahanap ako.
"Is Alyson absent?" tama nga ako. Itinaas ko ang aking kamay upang makita niya ako.
"Nilalagnat, prof." sabi ni Charles na katabi ko ngayon. Tumango si prof at nag-umpisa nang magturo ng history.
Hindi ako nakikinig at nakatulala lamang habang pinapanood siyang magturo. May kakaiba talaga sa aura ng Prof ko, hindi ko lamang matukoy kung ano iyon. Tumigil siya saglit at tumingin sa akin, napansin niya sigurong tinititigan ko siya. Ngumiti siya sa akin, ngunit hindi ko na iyon binigyan pa ng pansin.
Sa tagal kong hindi nakikinig sa kanya, isang babae ang nakaagaw ng atensiyon ko. Si Dainty. Tumayo siya na ikinagulat naming lahat. Umiyak siya at isa-isa muna kaming tinignan bago samaan ng tingin ang Professor namin. Kita ko sa mata ni Prof ang pagtataka at gulat kung bakit ganoon na lamang makatingin si Dainty. Palabas siyang tumakbo nang walang pasabi. Wala naman nagawa si Prof kundi sundan na lamang din ng tingin ang lumabas na si Dainty.
"What's her problem?" tanong niya sa amin. Wala namang nagtangka sumagot dahil maging kami ay gulat sa nangyari.
Ipinagpatuloy niya ang pagtuturo niya. May inilabas siyang lumang libro. Napatitig ako roon, luma, medyo lukot lukot na ang unahan, at parang napipilas na ang bandang ibaba.
"This is not connected to our lecture, but let me show you this book. You know what, I borrowed it to my friend who's grandparents are known for their magic." Humanga naman ang mga kaklase ko sa sinabi niya. Maging ang kaibigan ko na nasa kabilang row ay napatakip pa sa bibig nang marinig ang salitang 'magic'.
Tahimik ko lang silang pinagmamasdan habang humahanga, habang ako ay walang pakialam dahil sa simpleng magic na sinasabi ng lalaking ito. Kung hindi ko lamang ito guro ay makikipagtalo ako sa kaniya. Hindi connected sa topic pero inilabas para lang paniwalain ang mga kaklase ko sa isang black magic na hindi na naman uso sa ngayon. Kalokohan.
Nang matapos ang klase namin ay tumungo ako upang makatulog. Sinenyasan ko ang mga kaibigan ko na hindi muna ako sasama na mag recess dahil sa hindi ko kaya ang aking antok. Kita ko silang maglabasan lahat at ako na lamang ang naiwan sa classroom namin. Mas gusto ko ito dahil walang manggugulo.
Tahimik na ang lugar kaya naman matiwasay akong nakatulog.
Lumangitngit ang pintuan, kaya naman alam kong may pumasok. Sa ugali ng mga kaklase ko hangga't hindi pa nagb-bell ay hindi pa rin sila aakyat dito sa classroom. Naalimpungatan ako dahil sa ingay ng pintuan. Rinig iyong tunog dahil hindi na rin naman bago itong pinto at maganit na. Hinayaan ko lang iyong pumasok dahil baka isang janitor lang.
Nang hindi ko pansinin ay nakarinig ako ng hikbi. Ayoko sanang pansinin pa dahil sumasakit ang ulo ko ngunit nakaamoy naman ako ng mabaho. Ang lansa. Unti- unti kong iniangat ang aking ulo.
"Dainty?" tanong ko sa babaeng nakatungo sa upuan. Hindi siya sumagot. Hinayaan ko na lamang siya at pinakatitigan. Nagulat pa ako nang biglang mag ring ang bell at nagtatakbuhan ang mga kaklase kong pumasok sa loob ng classroom. Pinuntahan ako ng mga kaibigan ko.
"Hindi ka ba nagugutom?" umiling ako kay Sofia nang alukin niya sa akin ang apat na brownies. Binili daw nila iyon para sa akin kaya kinuha ko at sinabing mamaya ko na lamang kakainin kapag nagutom ako mamayang lunch.
"Ang baho." bulong sakin ni Ronnie.
Napatingin naman ako sa nakatungo pa ring si Dainty. Ginising siya ng isa naming kaklase dahil nakitang may mantsa ng dugo ang hawak nitong panyo.
DU LIEST GERADE
BEG HARDER
Mystery / ThrillerSi Alyson Claire Vera, isa sa mga sumama sa one week camping trip kabilang ang kaniyang kaibigan. Karamihan sa mga sumali ay gustong makatakas muna sa kanilang problema kahit lamang sa iilang araw. Ano kaya ang puwedeng mangyari sa isang linggo nil...
