Chapter 29

42 10 0
                                    

╔═════☩══♛══☩═════╗
CHAPTER 29
╚═════☩══✦══☩═════╝

"Bakit naging kasalanan ko?" Tanong niya at nag simula nang kumain habang umiinom naman ako ng tubig

"Dahil ako pa ang inutosa mona mag dali ng pagkain mo hindi morin sakin pina sama ang mga kawal at kabayo"

Edi sana kung may kasama ako ay dapat kanina pako nandito at hindi ako pagod. Bakit kasi kailangan kopa mag lakad?

"Bawal dito ang kabayo dahil may sumpa itong bundok kaya wala kang makikitang hayop dito"

Meron bang ganon? Bundok na walang hayop katulad ng ahas tapos ibon. Kakaiba naman pala ito

Pero ayos nayon para wala akong makitang ahas dahil may trauma ako dun nung bata pa ako

"Baka maubos mo yung tubig ko" Sabi niya at pag tingin ko sa tubig ay kaunti na pala iyon

Ang pag kain niya rin ay ubos na, masyado ba siyang nagutom? O sadyang nasarapan lang siya sa pagkain

"Ay sorry masyado lang kasi akong nauhaw ang layo kasi ng nilakad ko" Sabi ko sabag abot sa kanya ng bote

Pinunasan naman niya iyon bago nilagok ang arte naman niya. Kailangan ba punasan talaga? Sabagay kung ako siya ganyan din gagawin ko

"Ang daldal mo pala noh kaso nga lang masyadong malamig yung boses mo" Sabi ko sa kanya

Akala ko kasi talaga katulad siya ng Daddy niya na sobrang tahimik na akala mo ay hindi nagsa salita

"Hindi ako madaldal" Hindi pala madaldal ang tawag sa kanya na salita ng salita. Buti pako hindi madaldal

"Ang ganda pala ng view dito" Sambit ko habang naka tingin ng diretso dahil kitang kita ang kalangitan dito

Hindi rin naman mainit dahil makulimlim siya sana naman wag umulan baka maabutan kami

"Tumayo kana diyan dahil aalis na tayo" Mag mamaktol naman sana ako pero tinignan niya ako ng seryoso na kahit anong oras ay pwede niya ako suntokin

"Sabi konga kaya tara na para maka uwi na tayo agad" Sabi ko at kumapit sa braso niya at ako pa ang naunang nag lakad

Hawak hawak korin ang basket na dala dala ang lalagyanan ng mga pagkain kanina

Bawal naman kasing iwan yun dito baka mayari ako na nag aksaya ako ng mamahaling plato

Habang naglalakad kami ay may ririnig na akong mahihinang kulog. Kaya lalo ko pang binilisan mag lakad

"Hindi uulan"

"Pano mo naman nasabi?" Mang huhula bato si Xaeious kaya alam niya kung uulan o hindi

O baka kasama siya sa mga illuminati, hindi manlang ako nainform na may mga illuminati rin pala dito

Pero hindi rin imposible dahil mga bampira ang lahat dito at ang iba ay mga illuminati

"Hindi nga uula-" Hindi naman niya matuloy ang sinasabi niya nang may naramdaman na akong patak ng ulan

Lalong dumilim narin ang paligid kaya nag mumukhang pagabi na. Lumakas narin ang ulan kaya napa takbo na ako ng mabilis at sumunod naman siya

Nababasa narin ang mga suot namin dahil tuloyan nang umulan ng malakas. Tumatawa narin ako dahil sa sinabi niya

"Hindi nga umulan" Sabi ko sa kanya habang tumatakbo parin at tumatawa ng malakas

𝐓𝐡𝐞 𝐈𝐧𝐧𝐨𝐜𝐞𝐧𝐭 𝐁𝐫𝐢𝐝𝐞 (𝗩𝗮𝗹𝗸𝘆𝗿𝗶𝗲 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 #𝟭) Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz