"My daughter is having a baby?" bulalas ni Johan.

"Wait!" Pati si Ylaine ay nagimbal sa balita. "Isn't it risky for her to be out there traveling from one place to another?"

"She's been provided the best team from my manpower."

"Still-"

"Director, one of the many reasons I brought you here aside from our royal wedding is for her to see that she has everyone's backing," he interrupted. "I'm gathering supports as much as I can offer for her, from here onwards until the day she will formally assume her crown as the Princess of Ragenei."

"What do you mean, Your Highness?" naguguluhang tanong ni Johan Brilhart.

"Gamitin natin ang investment ng Brilhart Enterprise para sa Ragenei Extention Project na itatayo ko. I will give your daughter a new kingdom worthy for her rule. Andromida Conglomerate is laying down their cards for me, are you willing to do the same?" 

Natameme si Johan.

***
Inubos ni Yvonne ang laman ng bote ng mineral water. Sobrang init pa rin ng pakiramdam niya, bagamat malamig ang pawis na gumigitaw sa kanyang katawan. Paggising niya kanina ay may lagnat na siya. Dala marahil ng kanyang pagbubuntis. Ayaw niyang makansela ang exhibit ngayong araw. Maraming dignitaries mula sa pamahalaan ng Mauritius ang nangakong darating.

Hindi naman siya pagod, maliban sa pag-angat ng temperatura niya ay wala nang ibang iniinda ang kanyang katawan. Inayos niya ang suot na puting long-sleeves at ang abayang nakabalot sa kanyang ulo. Nag-retouch siya ng face powder at light colored lipstick.

"Ready to hit the road?" Sumilip sa pinto ng kanyang suite si Leih. In spite of his long hair his brush-up was neat, and refreshing. The length of those nightblack locks added to the extremities of his masculine appeal. Umayos nang kunti ang makapal at brusko nitong mga kilay na kunting usod na lang ay magbubuhol na. He is in white upper suit under a heavy coat. Lower is a denim pants in faded blue, and a brown suede boots.

Hinablot niya sa sidetable ang purse at sinilip lung naroon ang kanyang cellphone at iilan sa mga mumunting gamit na kailangan niya. Paglabas nila ay nakalinya na ang mga bantay na sasama sa kanila sa plaza kungsaan gaganapin ang exhibit. Kinuha ni Leih ang kamay niya at ikinawit sa braso nito. Nagtatakang tumingala siya sa binata.

"Madulas ang pavement," agap nito.

"Thank you," tipid siyang ngumiti.

"Bakit 'di mo sinabing may lagnat ka?" sita nitong sinipat niya ng nag-aalang tingin. "We could have moved the date."

"Okay lang naman ako. Ayaw kong masayang ang araw, isa pa nakakahiya sa mga sponsors natin na dadalo."

"You know what, I don't give a shit. Your safety and your health is our priority. Bakit ba hindi nawawalan ang pamilyang ito ng babaeng matigas ang ulo?" angil nitong bumagal ang hakbang na tila ba tiniyak na hindi siya mapapagod sa paglalakad nilang iyon.

She's touched by his concern. Hindi siya umimik para hindi sila magtalo. Mas nakakapagod iyon. Kumapit na lang siya ng husto sa braso nito at sinikap na palitan ng matamis na ngiti ang bawat sulyap nito sa kanya. Pansin niya ang walang tunog nitong pagmumura.

Ang hotel na tinuluyan nila ay walking distance lamang mula sa plaza at komportable siyang lakarin na lamang iyon para makita rin niya nang malinaw ang mga tanawin. May paghuhugutan siya sa susunod niyang paintings. Agaw-pansin ang entourage niyang binaybay ang maluwang na parte ng sidewalk. Karamihan sa mga taong nakakasalubong nila ay nagyuko ng ulo bilang pagbati. Ang iilan ay tinatawag siyang prinsesa.

Dagsa na ang mga tao sa plaza nang pumasok sila. Wala pa ang mga sponsors. Pero may mga celebrities at models siyang nakikitang naglilibot na sa mga paintings. Sa may bukana ay patuloy na nire-regulate ng mga guwardiya ang pagpapapasok upang hindi magsiksikan sa loob at baka magkaroon ng stumped.

"Stay in the corner, away from the crowd, and rest."

"Rax..."

"Susunod ka kung ayaw mong ibalik kita sa hotel at walang exhibit na mangyayari ngayong araw," babala nitong nagpatahimik sa kanya.

Hindi siya makasimangot dahil kailangan niyang ngumiti sa mga tao. Sinunod niya ang masungit na bayaw at sumama sa kanyang mga bantay patungo sa nilaan na isolation corner para sa kanya. Pero hindi rin siya nakatiis makalipas ang ilang minuto at lumabas doon. Nilapitan niya ang isang grupo ng mga kabataan.

There are seven of them and they are looking at the second volume of her series. Sa isang painting na magkahawak-kamay ang mga bata at hinahatak ang isang batang lalaki na nilalamon ng higenteng bala.

"Hello, good morning!" bati niya sa mga ito.

Bumaling ang mga ito sa kanya. Kumislap ang mga mata at umaliwalas ang mga mukha. They neck-bowed in a jumbled movement.

"Do you want me to discuss the message behind this piece?" she politely offered.

Masiglang tumango ang mga ito. Pakiramdam niya'y alam na naman ng mga kabataan ang mensaheng nakatago sa likod ng obra-maestrang iyon. Ngunit handa pa rin ang mga itong makinig kung anong gusto niyang iparating.

"The darkness surrounded the part of the sky," she started, "why is darkness? It represents our ambitions. Sometimes too high, and deep that it covers the remaining light we see."

Manghang nakatunganga sa kanya ang mga kabataan, abang na abang sa susunod niyang sasabihin.

"Out of the dark clouds, the giant bullet appeared. It could mean a literal bullet but it could also interpreted as a monster we created out of our ambition. We created monsters like greed, lust, pride, power, wealth, and many more. Then we failed to control them until it swallowed the innocent lives around us. It swallowed the future, the child."

"I understand now," may sumagot na isa. "So, we needed good and strong hearts to recover that future and defeat the monster bullet."

"Yes, you're right." Hinaplos ng ligaya ang puso niya. Naiintindihan nito ang mensahe na kanyang iginuhit. Muli siyang bumaling sa painting. Sa likod ng mga kabataang hawak-kamay na nililigtas ang batang lalaki ay ang matingkad na liwanag na sagisag ng magandang bukas na naghihintay.
Hindi mali ang mangarap, basta para iyon sa ikabubuti ng sarili.

***
Hindi na maipinta ang busangot na mukha ni Raxiine habang nakatunghay sa cellphone. Nasa gitna siya ng meeting nang biglang pumasok doon si Rheeva at ibinigay sa kanya ang cellphone nito, laman ang maraming litrato nina Yvonne at Leihnard. Mistula siyang binagsakan ng hammer punch sa unang larawan na bumungad sa kanya.

Ang asawa niya ay nakahiga sa dibdib ng bunsong kapatid habang payapang natutulog. Sa ibang pictures ay magkahawak-kamay ang dalawa. Ang ilan ay nakakapit sa bisig ni Leihnard ang Crown Princess at tila ba may pinag-uusapang nakatutuwa ang dalawa, parehas na nakangiti.

Kasalukuyang may dini-discuss ang Defense Minister tungkol sa pagpapalakas ng military force ng Ragenei, pero wala na siyang maintindihan. Hinalukay ng inis ang utak niya. Gigil na binaha niya ng mensahe sa asawa.

Him: Be ready, I'll pick you up in an hour.

Him: Re-schedule your tour.

Him: I want you to rest, traveling is not good for you and the baby.

Him: The physician adviced me a bed rest for you.

Him: No holding on Leih's arms, hands, even his jackets.

Sa huling mensahe niya ay isang GIF na bucket ng luha ang ipinadala niya. Nagreply si Yvonne.

Her: Kamahalan, may sakit ka ba?

Nagtagis siya ng bagang.

Him: Oo, mayroon. Nagseselos ako. Malubhang sakit ito at nakamamatay.

Her: I love you.

Saglit siyang natulala. Bakit inuna pa niya ang pagtatalak sa text kaysa sabihing mahal niya niya ang asawa? Malala na siya. Lalo siyang nanigas nang mapansin na nakapalibot na sa kanya ang mga ministro at binabasa ang palitan nila ng text ni Yvonne.

"I think we are the one who needed to re-schedule this meeting, Your Highness." Napabuntong-hininga ang tiyuhin niyang prime minister. "Go, and fetch your Crown Princess. We don't want you to die in jealousy here."

Nagtawanan ang ibang mga ministro.

NS 14: PRINCE IN COLD ARMOR ✔Where stories live. Discover now