Umangat na naman ang sulok ng kanyang labi. He angled his head a bit before licking his lower lip.

"Edi tanungin mo ako ulit." paghahamon niya pa.

Hindi ko napigilang ngumisi.

"Huwag na. Hindi pa pala ako handang saktan ka, Vince." panunuya ko.

Napangiwi siya roon.

"Tapos na." mapait niyang sagot.

Huh?

"Ano?"

Humugot siya ng malalim na hininga at nginitian ako. Malungkot na ngiti iyon, pakiramdam ko.

"Wala. Ano? Do you want to drink coconut juice?"

"Ako kuya, hindi mo tatanungin? Nakakaloka kayo, ha! Hay. Pag-ibig nga naman. Bulag sa kapaligiran." 

I pursed my lips as I watch Vince eye some of the trees. 

"Gusto raw ng kapatid mo," sagot ko nalang.

Tumango-tango siya at maya-maya pa ay pinagpag ang kanyang damit. Nanlaki ang mata ko nang iangat niya ang kanyang t-shirt at walang pasubali itong hinubad. My eyes feasted on his rippled chest. Grabe. Papasa talagang modelo ang lalaking 'to!

"Aguy, laway mo Dindin tumutulo!" 

Umirap ako sa natamong kahihiyan at hindi nalang ulit tumingin sa katawan ng lalaki. He gave his shirt to his sister as he walk towards the nearby coconut tree. 

"Aakyat siya?" 

"U-huh."

Gulat kong nilingon si Esme.

"Seryoso ba?"

She nodded.

"Oo nga. Marunong yan si kuya. Tingnan mo,"

Hindi kataasan ang punong napili ni Vince. Pero seriously? He's going to freaking climb there? Kaya niya? 

"Okay lang sa may-ari na kumuha siya?" 

"He owns the tree, Dindin. No. Actually, all the trees that you see right now... it's Kuya Vince's."

"Tinanim niya?" nagtataka kong tanong.

Ilang taon ba bago tumubo ang puno ng niyog?

"Hindi. Binili niya. Ipinagbili ang mga ito ng may-ari kay kuya para ibayad sa hospital bill."

Tumango-tango ako habang tinatanaw si Vince na ngayon ay inaakyat na ang puno. From here, I can see how his muscle flexes as he move. Mukhang kompyansang-kompyansa siya sa ginagawa at halatang ginagawa na ito noon pa.

"Paano iyong mga nagtu-tuba?" 

Why is the old man here earlier if it's not his coconut tree naman pala? Don't tell me....

"Hinahayaan sila ni kuya na pagkakitaan ang mga puno. Nagbabayad naman sila sa tuwing makakabenta na ng Tuba. Nirerentahan nila, kumbaga."

May ganoon pala? 

"Ya, paghinay ha!" she shouted.

Pinanood ko kung papaano inabot ni Vince ang bunga. Kumunot ang noo ko nang katukin niya pa iyon ng dalawang beses. He twisted it gently until it fell on the ground. He did that to three more coconuts.

"Tara. Pulutin natin dzai."

Sumunod ako kay Esme papunta sa kung saan nahulog ang mga niyog. Those were green, unlike what the old man has brought earlier. Nakita kong pababa na si Vince, nakadungaw pa ng bahagya sa'min ni Esme.

"Nandoon ang isa," tinuro ni Esme ang niyog na natapon malapit sa nag-iisang puno ng santol.

"Careful, Miss!" I heard Vince shouting a bit.

I looked up to him. He's still halfway from here.

"Ikaw ang 'careful'!" hiyaw ko pabalik.

Nilapitan ko ang niyog sa di kalayuan. Nangati pa ako ng kaunti dahil nasasagi ang aking binti ng talahib. Natakot ako saglit sa kaisipang baka sakmalin ako ng ahas bigla rito.

"I should have worn longsleeves and leggings..." bulong ko sa sarili ko dahil mukhang mangangati ako lalo mamaya. 

Napatingala pa ako saglit sa puno ng santol at saglit na naglaway sa mga hinog na bunga. 

Nagbaba ako ng tingin at akmang kukunin ko na ang berdeng niyog nang may marinig akong tunog. I froze when a bee flew in front of my fucking eyes.

Kinabahan ako dahil sa tunog, mukhang marami ang mga bubuyog dito. Unti-unti akong tumingala at tuluyan akong natuod nang makita ang beehive na nasa puno ng santol, sa tapat ko mismo. Hala tangina. 

I was startled when I saw the bees coming out of their beehive. Fuck! 

"Esme-"

Nasupil ang sigaw ko nang may malaking palad na tumabon sa aking bibig. My eyes widened when I felt a bare iron clad chest pressed against my back. May naramdaman rin akong brasong nakapulupot sa bewang ko!

My eyes widened more when I realized what is happening.

Vince is hugging me from the back!  What the fuck?!

"Huwag kang sumigaw Miss kung ayaw mong mamaga tayo nang wala sa oras." he whispered against my ears.

Parang sasabog ang dibdib ko dahil sa takot, kaba at gulat. Hindi naman talaga ako makakasigaw dahil tinatapalan niya ang bibig ko!

At walanghiya, kahit sa sitwasyong iyon, kahit na pawisan siya't lahat-lahat, ang bango niya parin!

Make You Stay (Book 2 of You Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon