Nang mag-angat ako ng tingin, nakita kong sinusuri niya ang mga sugat ko. I am wearing a pair of black lettuce cropped top now and floral cotton shorts. Litaw ang iilang sugat ko sa braso.

"Masakit pa ba?" he gently asked.

Napalunok ako at na-conscious sa titig ni Esmeralda. 

"Uh, hindi na. Nalagyan na ng ointment,"

Napayuko ako dahil hindi ko matagalan ang titig niya. Ayoko rin namang lingunin si Esme dahil paniguradong ang malisyosa niyang mata ang sasalubong sa'kin. Kulang nalang marinig ko ang eksaherada niyang singhap ngayon.

"Mabuti. Mauna na ako-"

"Sama kami 'ya!" his sister cut him off.

"Huwag na, Esme. Ako nalang-"

"Bakit naman 'ya? Manonood lang naman kami. Tsaka para makapili rin ako." ngumuso si Esme.

I saw Vince glaring at her.

"Ang tigas ng ulo mo. Bahala ka nga." 

He really can't resist his sister, huh?

Esme smirked at that. Sumunod na kami kay Vince at nang marating namin ang kinaroroonan ng halamang tinutukoy ni Esme, naintindihan ko kaagad kung bakit ayaw na kaming pasamahin ng kuya niya. 

Parang kagubatan nga iyon. Maraming ligaw na mga damo at mayroon pang talahib. Makipot din ang daanan at kahit saan lumingon ay berde ang makikita. May kataasan narin ang araw ngunit hindi kami gaanong natatamaan ng init dahil sa mga puno ng niyog na nagkalat sa lugar.

May iilang tao kaming naabutan doon. Nangunguha ata sila ng kahoy na panggatong. Ang iba naman ay kagaya namin ang sadya, ang kumuha ng pwedeng maitanim. Bumati sila sa magkapatid habang ako'y tahimik lamang na nagmamasid sa lugar.

If it ain't day time, malamang ay natakot na ako. The place looked like a freaking jungle! 

"Ano? Gusto mo nang bumalik?" Vince asked me.

Umismid ako at nagtapang-tapangan.

"Hell no." 

"The spirit!" pumalakpak ng kaunti ang bruhildang si Esme.

The corner of Vince's lips rosed a bit. 

"Okay, then. Ituro mo na sa'kin kung ano ang kukunin ko diyan, Esme." 

I traced their line of vision at nakita ko ang malalaking tanim na nakahilera, tatlong metro siguro ang layo mula sa amin. The leaves of the plant were like that of the elephant ears! Ang lalaki! 

"That one looks good, 'ya." 

Itinuro ni Esme ang pinakamalaki. Wala iyong butas, hindi gaya nung iba at mukhang healthy nga ang halaman. Berdeng-berde at makinis.

"Pang indoor ba yan?!" gulat kong tanong.

"Oo. Pupwede rin namang sa labas itanim ang mga Badyang pero mas magandang sa loob ng bahay dahil hindi sila gaanong nabubuhay sa malamig na klima. At night here in the island, it could be very cold." paliwanag ni Vince.

Napatango-tango nalang ako dahil wala talaga akong alam pagdating sa mga ganto. Vince, on the other hand, looks knowledgeable, huh? Sinasakyan niya talaga ang trip ni Esme, no?

"If you're planning to keep the plant for a long time, Esme, it's better to have the smallest one. Lalaki pa iyan kaya baka masyadong malaking space na ang ma-consume sa living area natin." he said, talking to his sister now.

Make You Stay (Book 2 of You Trilogy)Where stories live. Discover now