"Gagong putangina!" sigaw niya habang nasa sasakyan kami. Nasa likod pa ako kaya gumitna ako para makita ko siya.

"Okay ka lang?" tanong ko. Nilingon niya ako at tumango. "Ikaw?"

"Okay lang din," hinaplos-haplos ko 'yung pisngi niya para kumalma siya.

"Ouch!" bahagya niyang ginalaw 'yung kamay niyang puro sugat dahil sa suntok.

"Ayan, away pa." pang-aasar ni Mama. Si Mama 'yung gumamot dahil nurse naman siya. Nakaupo siya sa isang upuan at nasa couch naman kami ni Drew.

"Binastos si Lian, Tita!" sigaw ni Drew.

"Bakit naman kasi napag-initan 'tong si Lian?" tanong ni Mama habang ginagamot 'yung sugat ni Drew.

"Nakita ko kasi 'yon noon sa bar, Ma. Malay ko bang mamumukhaan kami." sagot ko habang nakaupo sa tabi ni Drew, nakayuko lang ako.

Hinawakan ni Drew 'yung kamay ko gamit 'yung kamay niyang walang sugat. "Okay na 'yon. Huwag ka nang malungkot." ngumiti siya sa akin. Ngumiti na lang din ako at sinandal 'yung ulo ko sa braso niya.

"Mayroon pala kaming medical mission sa Muñoz." sabi ni Mama habang binebendahan 'yung kamay ni Drew. "Kaso birthday mo 'yon, anak." malungkot na sabi niya.

"Ilang araw ka po roon, Ma?" tanong ko.

"Tatlo siguro. Doon ako matutulog sa bahay natin doon." tumayo na siya.

"Okay po," ngumiti ako.

"Oh, paano." sabi ni Mama matapos bendahan 'yung kamay ni Drew. "Una na ako, baka malate pa ako."

"Ingat po, Ma." tumayo ako at bumeso sa kaniya.

Tumayo rin si Drew. "Thank you po, Tita."

"Iwas-iwas sa gulo, ah." bilin ni Mama bago lumabas. Yumuko si Drew at tumango.

"Sorry, napaaway ka pa dahil sa akin." umupo ako ulit sa couch.

Umupo na rin ulit si Drew. "Huwag ka ngang magsorry, wala kang kasalanan." inakbayan niya ako at inilapit sa kaniya.

-

"What the hell?!" sigaw ni Calynn nang ikwento ko 'yung nangyari, nandito kami sa kitchen at nagbe-bake ako ngayon. Nakatayo lang siya sa gilid ko at nakatungkod 'yung isang kamay sa lamesa.

"Nakakainis nga, eh. Ang babastos!" sigaw ko habang nagbe-bake.

"Kapag ako naging abogado na, ikukulong ko 'yan!" galit na galit na sabi ni Calynn at dumuduro pa sa hangin.

Napatingin ako sa kaniya. "Kalma, mas galit ka pa kay Drew. Umabot sa kulong." natawa ako nang bahagya.

"Of course, dapat talaga makulong sila. That's act of lasciviousness. According to Article 336 of the Revised Penal Code, any person who shall commit any act of lasciviousness upon other persons of either sex⎯"

"Okay, okay na, Calynn." natawa ako nang bahagya. "Sige, ipakulong mo na lang."

She crossed her arms. "Hmp!" sumandal siya sa lamesa. "Lagot talaga sila sa akin! Nako, lagot sila! Humanda sila!" dinuro na naman niya 'yung hangin.

Napailing na lang ako, paano kaya ito makipag-away kay Steve? Gumagamit din kaya ng batas?

-

"Knock knock!" sigaw ni Drew. Nandito lang ako sa upuan sa table ko.

"Pasok!" natawa ako.

Binuksan niya 'yung pinto. "Kumusta ka?" nakasilip lang 'yung ulo niya sa pinto ng office ko.

Running After Your Heart (Change Series #2)Where stories live. Discover now