"Bolero," pabiro siyang hinampas ni Mama sa braso. "Anak, thank you, ah." biglang sabi ni Mama.

"Saan po?" lumingon ako sa kaniya, nanggigilid na 'yung luha niya.

"Thank you kasi hindi mo ako iniwan." pumatak na 'yung luha niya.

I held both of her hand. "Ma, hindi kita iiwan. Iniwan man tayo ni Papa, nandito pa naman tayo para sa isa't isa, 'di ba?" ngumiti ako pero naluha na rin ako.

"Mahal na mahal kita at sorry sa mga kasalanan ko." yumuko siya.

Niyakap ko siya. "Wala na 'yon, Ma. Mahal na mahal kita."

"Mahal na mahal ko rin kayong dalawa." bigla kaming niyakap ni Drew parehas.

"Basta huwag na kayong maghihiwalay, ah." ngumiti sa amin si Mama noong binitawan na kami ni Drew. "Promise niyo kayo na habang buhay."

"Promise," sabay naming sabi ni Drew kaya natawa kaming tatlo.

-

"Babe, eto?" pinakita sa akin ni Drew 'yung isang bote ng rum. "Pwede?"

"Isa lang, ah." tumango-tango siya bago ilagay 'yon sa basket. Gabi na at ngayon kami nag-g'grocery dahil may pasok si Drew, wala na kaming stock at hindi na aabot ng Sunday.

"Wala ka ng nakalimutan?" tanong ko habang nililipat 'yung mga pinamili namin sa cashier.

"Wala naman na, ikaw?"

"Wala na." sagot ko at inabot na 'yung card ko kay Ate.

"Ito po," nagmamadaling inabot ni Drew 'yung card niya.

Tumingin ako sa kaniya. "Mas marami akong napamili."

"Ate, huwag kayong naniniwala riyan, ito kuhanin mo." tinignan ko si Ate at confuse na confuse na kung anong card 'yung kukuhanin niya.

"Ate, ito po." pamimilit ko.

"Ganda mo, Ate." nginitian siya ni Drew. Grabe, ang gwapo! Napangiti si Ate at kinuha 'yung card niya.

"Daya," bulong ko pagkatapos niyang kuhanin 'yung mga plastic. Siya lang nagbibitbit dahil kaya naman daw niya.

"Ano 'yon?" pang-aasar niya.

"Nginitian, kilig na kilig naman 'yung isa." napa-irap pa ako.

"E 'di, sana nginitian mo rin." natatawang sabi niya. Nainis ako kaya binilisan ko 'yung lakad ko. "Huy, pikon!" sigaw pa niya.

"Brielle Liana, pati ba naman sa cashier magseselos ka?" natatawang tanong niya habang nilalagay 'yung pinamili namin sa backseat.

"Che," umirap ako at lumakad na papunta sa shot gun seat. Natigilan lang ako nang may kumausap kay Drew.

"Ito nga!" sigaw noong lalaking kakababa lang ng sasakyan. Nanlaki 'yung mata ko nang makita ko 'yung tatlong bumastos sa akin noon sa bar. Nagmamadali akong bumalik papunta kay Drew.

"Babe, halika na." bulong ko kay Drew. Bumuntong-hininga si Drew at tumalikod para sumakay na sa sasakyan.

Nagulat ako nang hawakan ng isang lalaki 'yung braso ko. Napalingon din si Drew. Nanlaki 'yung mata ko nang biglang hawakan ng lalaki 'yung dibdib ko at ngumisi. Tinulak ko kaagad siya at sinampal. Umigting 'yung panga ni Drew at mabilis siyang sinuntok. Awat ako nang awat kay Drew pero parang wala siyang naririnig.

Hahawakan na sana siya nang dalawa pang kasama noong lalaki pero may dumarating na na guard. Nagmamadaling sumakay ng sasakyan nila 'yung tatlo. Hinila ko rin kaagad si Drew at sumakay na kami sa sasakyan. Sa likod na lang ako sumakay para mabilis.

Running After Your Heart (Change Series #2)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang