Season 1 |19| >>#NewBeginningsAndLies

Start from the beginning
                                    


Bago ako pumasok ulit sa kwarto ko tumingin muna ako sa view ng balcony. Maganda ang view ko dito, buong subdivision namin kita pati na din yung mga skyscrapers ng Makati.





Pagkapasok ko pa lang nang kwarto ko galing sa balcony nakita ko agad si Shaira na pumasok sa kwarto ko.





 

"Wh-who are you?! Manang!!!! Ate Kat!!!There's someone here in Kuya Kendrick's room! I think there's a burglar here!Help!!!"






Sht! Bakit ang ingay nito?! Ang sakit sa tenga ng english niya.



Pero, may magnanakaw daw sa kwarto ko?



Tiningnan ko naman ang kwarto ko kung totoo nga pero wala naman akong nakita bukod kay Shaira na nakatayo at takot na takot sa may pinto.

 

 

 

"Why did you just shout?"

 

 

 

"Excuse me kuya, do I know you? Hindi ka ba magnanakaw?"

 

 

 

"Shai, I am your brother. Didn't you recognize me?"

 

 

 

"Ku-kuya Ken? Ikaw talaga yan?"

 

 

 

 

"Tss... Bakit hindi mo na ako kilala ngayon? Hindi lang ako nakatulog dito ng isang araw kinalimutan mo na ako ah," Sabi ko sa kanya.





Pumunta muna ako dun sa cabinet ko para kumuha ng damit pampalit. Ang baho ko na.





Kaso dahan-dahang lumapit sa akin ang kapatid ko. Nang medyo malapit na siya sa akin bigla naman siyang napatawa, sakto naman dumating na din sila Kat-kat at si Manang Aiyah na buhat pa si Em-em.

 

 

 

"Shai! Nasaan na yung magnana——?" napatigil agad si Kat, nang makita niya ako at biglang nanlaki ang mga mata niya. "Oh...my...freaking...gosh. Kuya Kendrick is that you?"

Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | To be SELF PUBLISH ON FEBRUARY 2025Where stories live. Discover now