38: Sweetheart

864 20 4
                                    

Everybody glanced at Kiwi's direction. Sila Gretchen, Fille, Ella, Mela pati narin si Bea ay parang mga tangang nakatunganga at pinanonood ang paghalakhak ng kasama.

Si Alyssa naman ay ginagap ang kamay ni Dennise na nasa ilalim ng mesa sabay hinawakan ito ng mahigpit. Ngumiti din ito sa huli.

"Dennise, okay ka lang ba?" Tanong uli ni Fille.

"Guys, calm your horses! Dennise's in one piece right? Can't you see that? So please stop with your questions." Kiwi interrupted.

"Uhm. Gu...." Dennise hesitated for a bit.

"Let me." Humarap si Alyssa sa kanya at sinabi ang mga katagang iyon. Pinapahiwatig nito na siya na ang magpapaliwanag/sasagot ng mga katanungang binitawan ng mga kasama.

"Enough with that guys. As you could see magkasama kami ni Dennise ng dumating kayo. Well to tell you, kaninang umaga pa kami magkasama!" Ngumiti ng tipid si Alyssa at pinisil ang kamay ni Dennise na hawak hawak parin niya sa ilalim ng mesa.

"What do you mean ate Ly?" Si Bea, hindi nito magets kung ano ang ibig sabihin ng kanyang ate Ly.

Tumingin si Alyssa dito at pinagpatuloy ang pagsasalita.

"Nang umalis ka kanina diba I was talking to Kim?"

Tango lang ang naging sagot ni Bea doon.

"After ng meeting ko with my staffs and with Kim lumabas ako ng villa at naglakad lakad. I too once again called Kim, while we're talking doon kami nagkita ni Den." Cool na paliwanag ni Alyssa sa mga nangyari.

"I also happened to be taking a stroll when I unexpectedly meet Alyssa." Sa wakas nagawa naring magsalita ni Dennise.

"So meaning noon mula pa talaga kaninang umaga kayo na ang magkasama?" Hindi makapaniwala na sabi ni Ella.

"As I told you." Simpleng sagot ni Alyssa. Nakikitaan ng pagkaaliw ang mukha nito.

Napanganga ang kanilang mga kasama ng marinig ang kanyang sinabi.

Pinilit ni Alyssa na huwag humagalpak ng tawa sa nakikitang reaksiyon ng mga kaibigan.

Hindi naglaon dumating si Raffy. Lumapit ito kay Alyssa.

"Miss Valdez, ready napo ang mga pagkaing pinahanda ninyo." Magalang na turan nito.

"Pakidala nalang dito ng mga iyon Raffy. At salamat uli." Ngumiti pa si Alyssa dito pagkatapos magpasalamat.

Tumalikod naman na ang empleyado at maya't maya nga lumabas na din ang mga waiters dala ang pagkain nilang lahat.

"Tama na muna ang kwentuhan guys. Unahin na muna natin ang pagkain." Wika ni Alyssa. Tapos naring ihain ang mga pagkain noon.

Nagsikuha na nga sila at nagsimula ng kumain. Nang nagsisimula na silang kumain, naramdamam ni Ella na may kung sino man na tumapak ng hindi kalakasan sa paa niyang nasa ilalim ng mesa.

Nang luminga linga siya sa paligid. Bawat isa sa kanyang mga kasama ay masyadong busy sa pagkain liban sa katabi niyang si Mela.

Discreet na nginuso nito ang direksiyon nila Alyssa at Dennise.

Lumingon naman agad si Ella sa direksiyon na iyon, at nabitin sa ere ang gagawin sana nitong pagsubo.

Nakita niya kasing pinagbabalat ni Alyssa ng ilang piraso ng baked prawns si Dennise.

Napakurap pa siya ng ilang beses at napasinghap. Dahilan para mapatingin ang lahat sa gawi niya.

"Ells, what happened?" Tanong ni Gretchen.

Winding RoadHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin