Agad naman siyang nilapitan ng kasama niya. "Teka! Hindi rin ako makagalaw!?"


Nakatayo lang ang mga ito at bigla silang sabay na napaluhod. Sumalampak ang tuhod nila sa basa at maputik na sahig.








"H-hoy! Anong nangyayari?" Tanong ko dito, pero sila mismo'y naguguluhan.







"Hoy! Anong ginagawa mong tarantado ka, bakit ka nakaluhod?"


"Mas tarantado ka! Nakaluhod ka rin naman ah?!"









"Parehas lang kayong tarantado." Biglang sumulpot ang isang babae na may suot na pulang hoodie.









Bigla nitong ibinaling ang tingin sa akin kaya takot akong napaatras. Tinitigan niya lang ako mula ulo hanggang paa.








Biglang nagvibrate yung phone ko, kaya agad ko itong kinuha sa bulsa ko.

*File received.*








Binuksan ko agad yung file, may laman itong video. nanlaki ang mata ko nang makita ko yung video kung paano hinampas ng dalawang lalaking ito yung babae sa ulo ng baseball bat.

Which is nangyari lang kanina..








Paano niya nakuhanan? At mas lalong paano niya nasend sakin 'to?










"Gusto kong dalhin mo 'tong dalawang tarantado na 'to sa pinakamalapit na police station. Ipakita mo yang ebidensya." Utos ng babae sa akin.









"E-eh? Bakit ako?" Takang tanong ko.










"Bakit nga ba ikaw?" Ngising tanong nito. Bigla niyang pinalutang yung baseball bat, nanlaki ang mata ko sa gulat pati na rin yung dalawang tarantado.







Para bang kusang lumapit sa kanya yung baseball bat at tinanggap ng kamay niya ito.


Muli akong napaatras nang ibaling niya ang tingin sa akin at inabot ang baseball bat.

"Ito gamitin mo, bugbugin mo muna sila. Hindi ba ito 'yung pangarap mo? Maging bad boy na nanggugulpi ng mga gago?"









Oo pangarap ko yun, dahil lagi kong napapanood sa kdrama. Paano niya nalaman?











"Dalian mo na at tumatakbo ang oras." Sambit nito sabay abot ng baseball bat, agad ko naman itong tinanggap.











"Re-write."  (sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon