#RL126

2.3K 64 3
                                    

Saturday, 7:40 am

Basta group chat ng mga pogi

Maux:
Si Gideon? Musta na?

Gideon:
Gising na ko pre. Di nga ako nakatulog nang maayos. Bigla ko kasing naiisip yung mga ginagawa ko sa buhay ko. Putangina.

Maux:
Baket pre?

Gideon:
Kasi pre... parang ang gago ko. Inisip ko agad masama yung pagkawala ni Riley. Nasabi naman niya saken na may nangyari lang. Inisip ko agad na ghinost niya ako.

Maux:
Sorry pre. may part din kami dyan. Nadala ka namin.

Gideon:
Hays. okay lang yon. yon din naman bigla kong naisip pero iniiwasan ko dahil naniniwala
naman ako na babalik sya. Siguro kasi ang babaw pa ng pinagsamahan namin para mag commit ako? Parang di ko rin naiwasan na maisip yon dahil wala naman akong pinanghahawakan na kung ano sa amin? Nag overthink ako. Tapos naiinis pa ako sa trabaho. Nandon kasi yung Eloisa na yon.

Maux:
hmm sabagay pre. mabigat din nga sa part mo kahit may dahilan siya kung bakit sya nawala.

Gideon:
Kasi pre... hinintay ko naman sya e. I waited her for 2 months. Sobrang laking commitment na yon para sa isang relasyon na wala man lang ngang MU na label. Ang hirap lang din pare na di mag overthink at di maisip yon.

Maux:
omsim naman pre. naiintindihan kita. Medyo ang off din kasi namin na naisip din namin na ghinost ka na talaga niya. tulad mo yan din naisip namin

Gideon:
Kaya binlock ko na lang siya. Napagod ako sa paghihintay e. Chinicheck ko araw araw yung message ko sakaniya. Ako nalang nahiyang magchat. Kaya tumigil ako.

Maux:
You want to talk to her?

Gideon:
Yes. So bad. I want to explain to her myself and that I am sorry for what have I done. But I don't think that it is possible

Maux:
Kaya sayo ako pre. Tama yan. Sensya na rin naging mababaw kami at nadamay ka.

Gideon:
Okay lang tol. Kasalanan ko rin naman dahil ako yung tumigil bigla. Hays... pero hirap din talaga na magstay. Paano kung di na talaga sya bumalik?

Raining Letters | ✓Where stories live. Discover now