~ her pov ~

12 4 0
                                    


I pouted as I stared at ramen noodles that is too high for me. I looked around and sighed in defeat. Napakamot na lang ako sa ulo ko dahil sa sobrang taas nung ramen.

Walang ibang tao dito.

Bakit ba kasi nung umulan ng tangkad ay natutulog ako?

Wala naman ako matutungtungan dito. Okay nga lang kung nasa bahay ako. May mga counter top ako na pwede akyatin para makuha pero dito wala, e. Aalis na sana ako ng may naramdaman ako na mabigat sa ulo ko. Bigla din bumango 'yung tabi ko. It's kind of a unique scent pero ang bango talaga.

Pag-angat ko ng tingin ay may lalaki na may suot na face mask na itim. May suot din siya na salamin na kagaya ng akin. He's also wearing a white hoodie. Nakapamulsa ang isa niyang kamay sa hoodie niya at ang isa ay hawak ang ramen at nakapatong sa ulo ko.

He's so tall.

Hindi ko alam ang gagawin ko kaya napatitig lang ako sa kanya.

"You want this right?" Tumango naman ako at dahan-dahan na kinuha ito mula sa kanya.

"T-Thank you." Hindi ko alam kung namalikmata lang ako pero ngumiti siya o 'yung mata niya ay ngumiti? Ewan, 'di ko din alam.

"No problem, shortcake."

Ginulo niya ang buhok ko bago siya umalis. Hindi ko alam kung gaano ako katagal natulala bago ako nahimasmasan.

Gosh, sino ba 'yon? Ano iniinom niya? Pwede kaya ako humingi ng tips para tumangkad?

Teka, did he just call me shortcake? Ano 'yon? Strawberry Shortcake lang ang peg.

I'm not that short kaya!

Dumeritso na ako sa cashier kung saan ay isa sa kaibigan ko ang nandoon. She has a smirk on her lips kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Nakita ko 'yon."

Ang alin?

"Nabagok ba ulo mo, sis? Tutulungan na sana kita kuhanin 'yung ramen kaso naunahan ako nung lalaki." Natatawa niyang wika. Nagiwas naman ako ng tingin dahil pakiramdam ko ay namumula ang pisngi ko.

"Tell me, sino ba 'yon?"

"I don't know. Ibinigay niya lang sa akin 'yung ramen."

"Asus! Maniwala ako sa'yo. Bakit ka namumula kung ibinigay lang pala 'yan? May pagulo pa ng buhok."

"Hindi ko nga kilala." Binayaran ko na ang mga pinamili ko para tigilan na ako ni Cindy sa pangaasar.

Akala ko mo naman magkikita ulit kami noon.

Nagmamadali ako tumakbo habang pinupusod ang buhok ko sa isang ponytail. Malalate na ako. Ayaw pa naman nalalate nung kasama ko. Kung mag-set kasi ng oras 'yung babaeng 'yon kay aga-aga.

Nakahinga ako ng maluwag pagkadating ko ng coffee shop dahil wala pa 'yung partner ko. Humanap agad ako ng mauupan bago umorder ng makakain at maiinom dahil hindi pa ako ako nakakapagalmusal sa pagmamadali.

Inilabas ko na ang laptop ko at ang ilang libro na magagamit namin para sa project. Busy lang ako sa pag-scroll sa phone ko ng biglang may tumawag. 'Yung partner ko sa project kaya agad ko naman ito sinagot.

"Hello, Lia! Something came up. 'Di ako makakatuloy. Sorry talaga." Bungad nito sa akin. May magagawa pa ba ako?

"No, it's okay. Ingat ka." I sighed bago ibinaba ang tawag.

Nagmadali pa ako. 'Di naman pala matutuloy. Mag-isa ko na lang gagawin muna ito. Para naman meron na kami masimulan. I plugged in my earphones and started working. Actually, madali lang naman 'yung gagawin namin at kaya na gawin magisa pero para fair hinati na lang namin ito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 12, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Banana MilkWhere stories live. Discover now