"Tara! Kain na tayo! Nagugutom na ako," pagpapalusot ko. Tinawanan niya lang yun, halatang pinagtitripan ako!


Tahimik lang kami kumain. Walang nagbabalak na magsalita. Kukuha sana ko ng tubig nang magring yung phone ko.


"Sagutin ko lang saglit," pagpaalam ko sa kanya. Nang tumango siya'y agad akong pumunta sa may sala para hindi makaistorbo sa kanya.


[Kuya!! Napanood ka namin sa tv!] Bungad ng kapatid ko. Napangiti ako ng dahil doon.


"Galing ba ni kuya?"


[Oo, kuya! Ay kuya.. Punta ka daw dito ngayon sabi ni mama! Magpapahanda daw si mama kasi nasa achievers ako!] Napatingin ako kay Pau na tahimik na kumakain. Agad akong umiwas ako ng tingin ng tinaasan niya ako ng kilay.


"Subukan ni kuya ah, sige na may ginagawa pa si kuya. Pupunta nalang ako diyan," I assured him.


[Promise yan kuya ah? Love you!]


"Love you too," I answered before putting my phone down. Nagulat ako nang makita na nakatingin sa gawi ko si Pau, nakataas parin ang kilay.


"Who's that? Your non-showbiz boyfriend?"


"Ha? Boyfriend?"


"Narinig kita. You said 'love you too'," seryoso niyang sagot.


"Wait, nagseselos ka ba?"


"Yes," nagulat ako sa diretso niyang. Nakastraight-forward naman nito! Hindi ko alam kung anong dapat kong i-react. Matatawa ba ako kasi pinagseselosan niya yung kapatid ko o magugulat kasi nagseselos siya.


"Well, kapatid ko ang pinagseselosan mo. Chill, I'm not dating anyone right now."


"This was a date."


Ewan ko nalang talaga dito! Parang may kakompetensya!


"Lunch 'to," sagot ko. Tumawa lang ulit siya. Hindi naman halata na kasiyahan niya ako ano? Char.


Nagmadali akong kumain para may kaunting time pa ako para bumyahe. Medyo malayo ang Cavite dito!


"Are you going home na? Hatid na kita sa carpark," tumango ako at sumunod sa kanya. Ang conyo niya sa part na yun.


Tahimik lang kami hanggang makababa sa carpark. Napatakbo agad ako sa kotse ko nang may makita tao roon. Malapit sa gulong.


"Hoy!" Sigaw ko pero nakatakbo na yun agad. Flat yung gulong. Tangina, BMW yung dala ko! Paano ako makakapuntang Cavite nito?!


"I'll ask someone to fix it. Kotse ko nalang ang gamitin natin."


"No.."


"Bakit? May problema?"


"Pupunta pa akong Cavite..." I lowered my voice. Hindi ko alam kung narinig niya ba yun o hindi.


"Anong gusto mong gawin? Mamaya pa maaayos ang kotse mo. That was the only idea, or else you want to commute."


"Fine," I answered, seemed defeated.


Sumakay ako sa kotse niya. He asked me to open my waze, and typed the address para masundan niya. Kinakabahan tuloy ako! Paano ko sasabihin kay mama at papa na may kasama ako?


'Ma, Pa, driver ko nga pala.'


O kaya 'Grab driver lang yan, ma.'


Hindi pwede eh! Masyadong corny! Hindi ko naman pwedeng sabihin na 'Ma, boyfriend ko nga pala.' Hindi naman kami...


Above the OceansTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang