CHAPTER 7

1.1K 20 0
                                    

KAI

Mag-aalastres ng dumating sina Tito, kasama yung dalawa kong pinsan na lalaki. Nagulat pa kami dahil may kasama silang babaeng walang malay. Basang basa yun sa ulan at putikan ang katawan.

"Jusqo! Anong nangyari dyan?" Si Lola.

"Nakita lang po naming kumakaway doon sa kalsada, tapos biglang natumba, kaya tinulungan na namin."  Sabi nung pinsan.

"Ano kayang nangyari dyan?" Si Tito.

******

Nag-papahinga yung babae doon sa kwarto, nilinisan sya ni Dylan, pag-katapos pinakain na din namin. Gutom na gutom na daw sya. Tinanong namin kung anong nangyari, pero ang sabi nya kailangan daw ng mga kaibigan nya ng tulong, kinulong daw doon sa may bahay na malaki sa gitna ng gubat. Hindi kami naniniwala sa kanya kasi wala namang bahay doon.

Hindi kaya baliw sya.

ANGELA

Baliw daw ako, pakinig kong pinag-uusapan nila, kailangan gumawa ako ng paraan, baka palayasin nila ako dito. Sasabihin ko na lang na di ko na maalala yung mga nangyari.

HAILEY

Dinalhan na nga kami ni Yuna ng pagkain kaninang alas tres, so ayun. Boring pa din mag-aalasingko na. Madilim na agad sa tataas ba naman ng mga puno dito, wala pang kuryente.

Nag-sindi na sila ng ilang mga kandila. Sa ngayon, mag-kakasama kami matutulog, kasama namin yung boy's sa kwarto pero sa sahig silang lahat. Syempre pwede ko namang katabi si Kaizer.

RED

Nakabili na kami sa palengke dahil medyo tumila, isasama din namin itong babae doon. Sabi nya nakalimutan daw nya yung mga nangyari.

Pero sa tingin ko nag-sisinungaling sya, may tinatago ang babae na to.

JERALENE

Medyo tumila yung ulan. Alas-sais na, ang tagal nina Kai. Uuwi pa ba sila.

"Oy guys! Kahit papaano may signal." Si Darius.

Nakita ko namang may tinawagan si Aiden, si Red yun panigurado.

"Baby? Nasaan na kayo?" Si Aiden, nakatingin kaming lahat sa kanya, ni loud speaker nya din para pakinig namin.

"Pauwi na kami, buti may signal dyan." Si Red.

"Ahh oo, tumila kasi yung ulan." Si Aiden.

"Baby, sabihin mo daw kay Jeralene na mag-saing ng madami, sabi ni Kai." Si Red.

"Ahh sige." Si Aiden at tumingin sakin kaya kumilos na ako.

"Samahan na kita." Si Akisha, at bitbit yung isang kandila.

******

7:00 pm.

May sasakyan na tumigil sa labas at pi-nark yun. Sila na yun.

"Andyan na sila." Si Ruth.

Lumapit kami doon ni Akisha para salubungin sila at kunin yung mga bitbit nila. Nagulat na lang kami ng may kasama silang babae.

"S-sino yan?" Pagtatanong ni Ruth.

Nandito na silang lahat sa loob.

"Ah si Angela." Si Dylan.

"Ahh pinsan mo ba sya Kai?" Si Akisha.

"Hindi, mamaya kwento ko sa inyo, kain muna tayo." Si Kai.

Ayun na nga sabay sabay kaming kumain kahit yung ilaw namin kandila lang, yung iba nagamit ng flashlight. Sigurado akong lowbat na yang mga yan. So ayun, kinuwento muna ni Ruth yung mga kinuwento ni Yuna kanina, about doon sa mga sinunog na babae at iaalay sa demonyo at saka yung sa pag-kawala ni Odette. Napag usapan din namin yung tungkol sa nangyari kagabi yung  sa pag-katok ni Cohen. Syempre di maiiwasan yung pag-katakot. Hanggang sa si Angela na yung mag-ke-kwento.

Haunted House 2: The Forest (COMPLETED)Where stories live. Discover now