RPW: TPIM 26

76 9 1
                                    

Chloedia's POV

"Sis, bilisan mo na daw 'yong layout ng company collection natin. They will not accept any submission of request kung hindi matapos ngayon." Angelo said.

Isang linggo na ang nakalilipas pero ni isang layout wala pa kaming nagagawa.

Isang linggo ko na rin siyang hindi nakikita, good for us. At sana, never na talaga kaming nagkita.

Pero, ano kayang nangyari sa kaniya? I mean, sa anak niya, si Cloeia.

I ruffled my hair, sighed.

"Tangina kasi, bakit ba sila nagmamadali? Akala ba nila madali lang gumawa ng best collection? Nasaan ba kasi ang designer team? Bakit hindi nila magawa 'yong gusto ko?!" I irritatedly asked.

"You request something na hindi nila makuha-kuha. Walang ibang makakagawa kundi ikaw lang." he answered, rolling my eyes.

"Fuck that! Wala na bang extra clothes collections diyan na hindi pa nagagamit sa ibang fashion show?" He shook his head kaya 'di ko napigilang ibagsak ang kamay ko sa mesa.

"Mr.Calvo accepted our request to create another lay-out, 1 week lang ang binigay. You have to provide atleast 3 collections then kailangan daw ipresent to make sure the credibility is ours." I'm tapping the table, I need to stress out.

"Okay, get out and I'll start crafting now."

"Pero may lakad tayo ngay--sabi ko nga, aalis na." umalis ito nang itinaas ko ang mga kilay ko.

This is not just a simple event of the company, this is internationally.

Umikot ako gamit ang office chair at huminga ng malalim nang makaharap ulit ako sa mesa. Kumuha ako ng sketchbook at lapis upang simulan ang paggawa.

"2 days left, kailangan kong matapos ang 3 beautiful designs na siyang magdadala sa amin upang makaapak internationally dala ang pangalan ng Pilipinas." tumingin ako sa orasan, it's already 8 pm nandito pa rin ako sa office, usually, 10 pm ang labas ko. Kung hindi ko man 'to matatapos, sa condo ko tatapusin.

"Time... Starts...now." saad ko bago ako nagsimula tumutok sa sketchbook at iginuhit ang mga possible collection na tatahiin upang ipanglaban.

Sana manalo kami.

Ilang oras na ang nakalilipas, hindi ko pa matapos-tapos ang isang damit. Panay bura at ulit kasi ang nagagawa ko aa tuwing hindi ako nasasatisfied sa gawa ko.

I feel relieved nang matapos ko ang isang damit after two hours. It's already 10 pm. I checked outside, may mga nag-overtime rin pala.

Agad kong niligpit ang mga gamit ko para makauwi agad. Bahala na kung anong oras ako matatapos basta nasa condo ako at safe doon, walang multo.

"Ma'am coff---" parehas kaming napatulala dahil sa nangyari.

Halos manghina ako sa nangyari.

"M-Ma'am, sorry!" agad niyang pinunasan ang damit ko, pinapagpag ang ginuhit ko.

Wala na, sira na ang pinagharapan ko sa loob ng dalawang oras.

"Bulag ka ba?!" agad ko siyang naitulak dahil sa galit.

"Ma'am, sorry po! Hindi ko po sinasadya!" napayuko nalang ito.

"Hindi mo ba alam kung anong resulta ng kapalpakan mo? Kailangan ko na namang ulitin lahat ng 'to! Bwesit!" agad ko siyang iniwan doon.

Pero napatigil ako nang marinig ko siyang umiiyak.

"Alam mong hindi ako nagagalit sa walang kwentang bagay. Kaya kung nasigawan kita, may mali kang nagawa. " tumango-tango lang ito bago ako umalis.

RPW: THAT PRINCESS IS MINEWhere stories live. Discover now