Chapter 6

2.2K 168 48
                                    

ONE THING LED TO ANOTHER

Chapter 6

“So may naisip ka na bang gusto mo? I mean, panalo ka nitong nakaraang dalawang linggo. You’re a master commuter.” Saad ko nang matapos kaming kumain ni Charlizard at nagliligpit na kami ng lamesa.

Seryosong master ko na si Charli sa pag c-commute, napakagaling.

“Mas matagal lang kasi ako sa’yo rito sa area kaya kabisado ko na.” Sabi niya.

Cute Charlizard. Admitting something like that to her nemesis is so admirable.

“Hindi, master commuter ka pa rin talaga.”

“Marunong kang mag bake?” Tanong niya at kumunot ang noo ko. Mukhang ayaw na niya pag usapan ang pag c-commute niya.

“Brownies at banana bread pa lang ang nasubukan kong gawin.” Sagot ko na lang. Siya naman ang tumaas ang kilay.

“Ano ang hindi mo kayang gawin?” Tanong niya ulit sa akin at sandali akong nag isip.

“Hindi ko alam. Kapag kasi may hindi ako alam gawin ay pinag -aaralan ko lang tapos ayun, kaya ko na.” Totoong sagot ko. Ganoon naman kasi talaga ako.

“Bakit pakiramdam ko niyayabangan mo ako?” Sabi ni Charli na tumingala para paningkitan ako.

“Nagsasabi ako ng totoo.” Sabi ko at ngumiti sa kanya, nagbuntong hininga naman siya. “So, anong gusto mo? Gusto mo ng brownies?” Tanong ko.

“Hindi. Marunong din akong gumawa ng brownies.”

“Then let’s see kung sino sa ating dalawa ang mas may masarap na brownies.”

“Tsaka na, pagod pa ako, tsaka muffins ang kine-crave ko ngayon, kaso naubos na sa café sa ibaba. Tapos, wala pa akong naiisip na gusto kong ipagawa sa’yo dahil panalo ako sa naunang dalawang linggo.”

“Then tsaka na natin pag isipan. Wala pa rin naman akong naiisip na ipapagawa sa’yo para naman sa panalo ko.”

“Yabang, tatlong araw ka pang nauuna sa akin at sabi mo nga kanina, hindi counted yung ngayon dahil nag overtime ako.”

“Right, hindi nga pala counted ang ngayon.” Sabi ko lang dahil ang haba na naman ng nguso ng Pokémon.

Nang matapos kaming magligpit ay nagpaalam na rin ako sa kanila at umakyat na sa apartment namin.

Habang nakahiga ako sa kama ay nag simula akong manuod ng youtube videos ng muffin recipe. Madali lang naman pala ‘to. Kayang kaya ko ‘tong gawin.

-

Paglabas ko ng apartment ay nakasimangot na ako habang nakangiti naman si Charli.

Umuulan. Meaning hindi ko magagamit ang motorbike ko.

“Good morning, Von Andrew!” Magiliw na sabi ni Charli.

“Good morning, Charli.” Sagot ko pero kabaliktaran ng hitsura niya ang hitsura ko. Tulad ng ulan ay gloomy ang pakiramdam ko habang mukhang excited naman ang Pokémon, at parang lemons and sunshine ang umaga. Katulad ng blouse niyang kulay yellow at pleated skirt niyang kulay azul.

“Hey, umuulan. Sumabay na kayong dalawa sa akin. Ihahatid ko na kayo.” Tanong ni Sammy sa amin.

“Ako sasabay ako talaga. Si Drew yata baka gagamitin yung motorbike niya.” Sabi ni Charli at naroon ang kislap sa mga mata niya.

“Sasabay na lang din ako.” Sagot ko.

“Sure ka? Ayaw mo bang sumakay sa motorbike mo?” Tanong pa ni Charli.

One Thing Led To AnotherWhere stories live. Discover now